Chapter XLVIII: REHAB

883 20 16
                                    

MAN HATER

CHAPTER XLVIII

  ―   Tayo nalang kaya?   ― ― 

REHAB

 ↚↚↚↚↚↚↛↛↛↛↛↛↛↛↛

Llano, Poblacion

Vladston University

General President's Office

↚↚↚↚↚↚↛↛↛↛↛↛↛↛↛

 "You three have been a great disappointment ."

Kasalukuyang naka-upo sina Kris, Key at Sen sa tatlong upuan kaharap si Mr. Revil, ang general president ng Vladston University.

Para silang mga leader ng sindikato na nasa interrogation room ng FBI. Dahil bukod kay Mr. Revil, nakatutok sa kanilang tatlo ang guidance counselor, dean ng pharmacy at engineering department, president ng student council, head ng transferee office at apat na security guards.

 "Not just to the school, to the students but also to the neighboring universities." kalmadong sabi ni Mr. Revil

Sina Sen at Kris ay walang emosyong umuupo na halatang walang nakukuha sa sermon ng president. They were both obviously pissed.

Habang si Key naman ay nakaupo sa gitna ng dalawa na naka cross ang arms sa chest niya, nakasampid ang isang leg sa kabila at inihiga ang ulo sa rack ng umpuan. 

Para lang silang nasa byahe na inip na inip na kung kailan pa sila dadating sa pupuntahan nila. 

 Kung naka sunglasses pa siya ay malamang natulog na ito.

 Nabuhayan sila ng kaonti nang kinatok ng guidance counselor ang glass table gamit ang isang stick.

"Mr. Kitagawa, kakadating mo palang nakahanap ka na agad ng away. Considering your influence in Teibyun University, this incident will possibly impose an unpleasant relationship between our university and yours! Did you even think of that before making these troubles!?"

Hindi gumalaw si Sen at diretso lang ang tingin sa vase sa gilid.

"Mr. Gabriel! How could you welcome our new transferee like that?! At sa main lobby pa?! In front of too many witnesses?! This is so not you Mr. Gabriel!"

Katulad ni Sen, diretso pa rin ang tingin ni Kris na parang wala lang narinig.

"And lastly, oh for God's sake Miss Gen! You are a lady! How could you possibly show up and throw punches! Where are your elegance and composure!?"

Nainis si Key sa narinig niya.

Yeah, great. Just great! 

Tiningnan niya ng napakasama ang dalawang lalake sa tabi niya na pawang pulang-pula at may galos ang mukha.

Huminga ng malalim ang presidente.

"Since hindi niyo naman sinasagot ang mga tanong ko. Let's go directly to the point."

Gumalaw si Key sa kinauupuan niya na parang nagsasaad na 'haay~ salamat malapit na rin matapos'.

"What you did cannot be tolerated. You three will be punished accordingly."

Hindi natapos ni Mr. Revil ang sasabihin ng pumasok sa silid ang secretary niya.

"Sir, the Teibyun's president is waiting on the phone for you."

MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon