MAN HATER
Chapter XXV:
‖ ― ‖―‖ Tell me your story, I'm here to listen ‖ ―‖ ―‖
A WALK TO KNOW HER
↚↚↚↚↚↚↛↛↛↛↛↛↛↛↛
San Fernando, Poblacion
Pier Sian Beach Resort
↚↚↚↚↚↚↛↛↛↛↛↛↛↛↛
⌦⌦⌦ RICO’s POV ⌫⌫⌫
Around 8 am kami nakarating sa Resort. Well, it's cool around here. . . white sands . . . palm and coconut trees. Di rin masyadong maraming tao. Kaya nga napa-isip ako sa ganda ng scenery dito di masyadong dagsa ang turista- O baka lang na tyiempuhan naming wala masyadong dayo.
Kaya nga lang ang layo. Sa sobrang layo, 4 o'clock palang ng madaling araw nag t-travel na kami.
Matagal-tagal na rin kaming di naka pag beach. Mabuti nalang at may tsismosa dun sa Patrol nine at nag-suggest na dito kami. Well, good choice.
Ang cool pa dito, libre pa kami. . . ANDAMI PANG CHICABABES.
Yeah. HAHAHA
Pagkadating namin, bumungad sakin ang malaking kahoy kung saan naka engrave ang pangalan ng Resort, Pier Sian Beach Resort . . . Welcome to Paradise.
Expected na kami ng management ng Resort. Dinala nila agad kami sa mga kwarto. Their rooms were covered with white refreshing sheets, wooden furnitures, flying white curtains, open windows. Lahat natural . . . and simoy ng hangin . . . ang mwebles . . . lahat. Ang hirap nitong sa sentro tayo ng city lumaki, nakakapanibago.
Eh may ganito pala kapayapang lugar, sana dito nalang ako ipinanganak. Peaceful pa, edi sana makaka-pag-isip ako ng tama.
Nagpahinga muna kami and we took our breakfast together. Syempre sa ibang table kami, wala namang nagtatangkang makisawsaw. Pagkatapos nagpasyang sumubsob sa dagat kaya ayun nagsibihis.. Here comes the Bikini babes. hehehe
Bumalik rin ako sa kwarto, kung san kasama ko si Jezz (room for two kasi) at well . . . aaminin kong gusto ko rin maligo. Andami kayang chicks dun sa labas, malamang.
Hinubad ko yung upper shirt ko at nagbihis ng beach shorts.
Hayyy abs, my baby. Expose muna kita ngayon ah?
Lumabas ako ng kwarto at naglakad papunta sa labas, where fresh sea breeze welcomed me. Andaming chiksssss tooooollllll. Sexyyyyyy, yeheah!
Lalapit na sana ako sa mga chiks na nags-sun bathing para maka bingwit ng grasya nang makita ko si Key na naka-upo sa isang picnic blanket sa ilalim ng puno.
Okay na to, chicks pa rin naman to. Hehehehe
Linapitan ko siya. Though she was wearing a pair of beach sunglasses, I noticed na naka tingin lang siya sa dagat habang nakasandal yung dalawang kamay niya sa blanket beside her waist .
Dinadala ng hangin ang buhok niya. Mabuti't naka summer shorts siya di gaya nung mga babae kanina na lantaran talaga at kahit naka upper bikini lang siya may sout-sout rin naman siyang loose at see through na long sleeves.
BINABASA MO ANG
MAN HATER
Teen Fiction♚ Hindi masamang Magalit at Pumatay kung gusto mong Magmahal at Mabuhay. ♚ [ON GOING AND ACTIVE SERIES] ヅ An action-packed love story. It all begins when the only daughter of the heartlessly murdered Chief of an independent Soviet Mafia, The Under...