"Mama! Mamaya nalang po kayo tumawag... Ha? Oo na, malapit na ako-"*BOOGSH!*
___
"ANAK! JUSKU GISING KA NAAA!"
Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng puting kwarto at mistula pang nagtaka kung bakit ako narito eh hindi naman ganito ang bahay namin. Halos mapatakip na rin ako sa sariling tenga dahil sa lakas ng boses ng nanay ko.
"Ma, naman huminahon ka nga. Tsaka don't worry, buhay pa ako. Hindi pa ako pwedeng mamatay dahil hindi pa kami nagpapakasal ng crush ko." Huminga ako nang malalim pagkatapos kong sabihin 'yon. Ramdam ko kasing pagod na pagod ang katawan ko.
Tsaka ano nga ba ang nangyari?
"Carina, hindi ito ang tamang oras para magbiro ka ng ganyan. Naku naman anak, bakit kase hindi ka nag-iingat?" Napahilamos siya sa kanyang mukha at agad ding dinamayan ng kuya kong ubod ng panget.
"Hoy ikaw! Sa susunod kase, tignan mo 'yang dinadaanan mo. Buti nga rin sana kung sa atin 'yong sasakyan kaya paano na tayo ngayon? Lagot ka kay Aunty Belinda."
Inikutan ko lang siya ng mata at hindi na nagsalita pa.
Nabangga pala ako... Hays
Eh kase naman kung hindi tumawag si Mama at kinulit-kulit ako tungkol sa pinapabiling puto at kutsinta, namalayan ko sana 'yong mga pangyayari diba.
Pero alam kong wala namang may kasalanan nito dahil ayaw naming lahat na mangyari ito. Akma na sana akong tatayo mula sa hospital bed nang bumukas ang pintuan.
Laking gulat ko na lamang nang iniluwa nito ang mga taong dahilan kung bakit parati kaming nagtatago sa bahay. Halos hindi rin makagalaw sina Mama at Kuya.
Mr. And Mrs. Alejo...
"HOW DARE YOU DO THIS TO MY SON?! Ni hindi na nga kayo nagbabayad ng utang niyo, sasaktan niyo pa anak ko!" Gulat na gulat ako sa kanyang sinabi. Anak pala niya 'yong nakabanggaan ko?
Shemay...
We're doomed.
"A-anak niyo p-po 'yon?" putol-putol na tanong ni Mama. Ramdam kong kinakabahan siya nang husto. Mabuti nalang at naka-alalay sa kanya si Kuya kundi baka naglupasay na siya sa sahig.
"Yes, he's my son. And you know what happened to him huh? He can't barely stand because of legs injury. And to add to your worries, his most expensive car was decimated! Do you know how much Aston Martin cost?" Napailing na lang kami.
Ni wala nga akong masyadong naintindihan sa mga pinagsasabi niya.
"Mas mahal pa 'yon sa buhay niyo."
Bumagsak ang balikat naming tatlo.
"And because of what you did, your debt will be increased. Just be thankful that my son is still alive or else, I will not be thinking twice to put you all in jail."
Grabe siya oh.
Halos isang milyon na nga rin ang utang namin sa pamilya nila tapos madadagdagan pa. Minsan na kaseng nagtrabaho si Papa sa opisina nila as a janitor at close sila ng asawa ni Mrs. Alejo which is 'yong babaeng nagsusungit sa 'min ngayon. At dahil kinakailangan namin ng pera no'ng nagkasakit si Mama, umutang siya sa kanila pero hanggang ngayon ay hindi pa nababayaran at dahil sobrang nagui-guilty si Papa, umalis siya sa pinagtratrabahuan niya. Magmula no'n ay nag-iba na rin ang pakikitungo ni Mr. Alejo kay papa.
"Pasensya na po sa nangyari, ma'am. Babayaran naman po namin ang utang namin sa inyo ngunit-"
Pinutol niya agad ang pagsasalita ko.
"But you don't know how and where will you get money?" Tumango ako.
"Then let's have a deal."
Napatingin naman agad ako sa kanya. Anong deal naman kaya?
Hanla baka ipabenta sa 'kin ang mga internal organs ko o 'di kaya ay mga nudes ko.
OA ko naman yata...
"Ano po 'yon?"
Sa hindi malamang dahilan, lumakas ang tibok ng puso ko at gano'n na lamang ang kabang naramdaman.
"Marry my son."
___
But what if, it's all just a nightmare?

YOU ARE READING
Met By Accident
RomanceCarina Garcia is a damsel in distress or a woman who's a magnet of accidents. Then suddenly, on her way to work, a sudden collision of cars echoed the city and results to severe damage of two people. Fortunately, she wasn't harmed physically but the...