Chapter 9

66 4 0
                                        

NATALIA'S POV

"This is so hard." I heard Alexander whisper.

December 3 na ngayon. Final steps na ng sayaw ang pinapractice namin, pero kung ano ang inumpisahan namin kanina—iyon pa rin ang paulit-ulit naming inaaral hanggang ngayon. Hindi pa rin kami makaalis dahil hindi talaga namin masundan-sundan ang tamang galaw ng paa.

"Ulit!" sigaw ni Ms. Rose matapos na naman kaming magkamali.

Malapit nang maubos ang dalawang oras naming practice pero hindi pa rin namin makuha ang tamang steps. Sobrang hirap talaga. Masakit na ang paa ko sa kakakatapak—sigurado akong ganoon din si Alexander. Gusto ko sanang magpaa na lang kanina, pero hindi pumayag si Ms. Rose. Kailangan daw naka-sandals ako para masanay na agad pagdating ng reunion.

Ang step na inaaral namin ay ang parte kung saan sumasayaw si Cinderella habang nililibot ang buong bulwagan. Paikot-ikot kami, at kahit nagagawa naman, nagkakamali kami kung saan tatapak—kaya ang ending, nagkakatapakan kami ni Alexander.

"Okay, isa pa!" sigaw ni Mr. Dave. "1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8—"

"Ahhh!" I screamed.

Habang sumasayaw kami ay natapilok ako. Buti nalang at hindi ako bumagsak sa sahig dahil mahigpit ang hawak sa akin ni Alexander sa kamay at bewang kaya naalalayan niya ako agad nang matapilok ako.

Agad na lumapit sa amin sila Mr. Dave na bakas ang pag - aalala sa kanilang mukha.

"Oh my gosh, Natalia! What happened? Are you okay?" nagpa - panic na tanong ni Ms. Rose.

"M-my right foot... it hurts." I told them. 

"She accidentally slipped." Alexander answered.

"Dalhin mo muna siya sa sala at paupuin." utos ni Mr. Dave.

Agad akong inalalayan ni Alexander sa paglalakad. Nang mai - upo niya ako, nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at dahan - dahang inangat ang kanang paa ko na natapilok. Hinubad niya ang sandal ko bago ipinatong ang paa ko sa kanyang hita.

"Ouch!" daing ko nang sinubukan niyang galawin ito. 

'Masakit kaya!'

"I-I'm sorry. I'll be careful." nag - aalalang sabi niya.

Tumango ako. He tried to massage again my foot but this time, he's more careful. 

His hands are very soft, I felt it on my skin.

Nang marealize ko ang aking iniisip at  ang katotohanang nakaluhod siya sa aking harapan habang minamasahe ang aking paa ay agad kong ipinikit ang mata ko at ipinaling ang mukha sa gilid. Tiyak kong namumula ang mukha ko ngayon dahil sa hiya.

I cleared my throat. "Uhm... okay lang. Hayaan mo na, sa bahay ko na lang gagamutin. Salamat." I told him.

"Are you sure?" Tanong niya ng may pag  - aalala.

"Yeah."

"I'll drive you home." He told me.

"What?!" gulat kong sabi. "I—I mean, why?" medyo kalmadong tanong ko.

"You can't drive like that. Baka maaksidente ka." sagot niya. "Alam kong masakit 'yang paa mo kaya hindi mo 'yan maitatapak ng mabuti." 

"Eh paano yung kotse ko?" I asked.

'Sige magdahilan ka, Natalia. Galingan mo.'

"Ipapahatid ko na lang sa inyo." sagot niya agad.

Stupidly In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon