Chapter 10

74 3 0
                                        

NATALIA'S POV

Naiirita na ako dahil nakahiga lang ako dito sa kama. Tanghali na kaya sigurado akong aakyat na naman dito ang isa sa aming kasambahay para hatidan ako ng pagkain, katulad kaninang umaga. Pinakaayaw ko sa lahat ang wala akong magawa, kaya lalo akong naiirita.

Dinalaw na rin ako ni Manang kanina para kamustahin. Sabi pa niya, kung maaari raw ay huwag muna akong maligo. Ayon kasi ang mga paniniwala ng matatanda. Pero sa ayaw at sa gusto niya, maliligo pa rin ako mamaya pagkatapos kong kumain ng tanghalian.

Wala na akong ibang ginawa kundi humiga, kumain, mag-cellphone, mag-laptop, at manood ng TV. Pakiramdam ko ang bagal-bagal ng oras. Inip na inip na talaga ako.

Hindi nga ako nagkamali—may kumatok na sa aking pinto. Nang bumukas iyon, pumasok ang isang kasambahay na may dalang tray ng pagkain. Pagkalapag na pagkalapag niya, agad na akong nagsimulang kumain para matapos kaagad.

Pagkalipas ng sampung minuto matapos kong kumain, sinubukan kong tumayo. Nauna kong itinapak ang kaliwa kong paa, saka dahan-dahang inilapat sa sahig ang kanang paa kong natapilok.

Hindi na siya gaanong masakit. Tinanggal ko na rin ang benda na inilagay ni Alexander kagabi.

Dumeretso ako sa banyo para maligo. Pagkatapos, nagbihis ako ng puting maikling shorts at blue spaghetti strap top. Pinatuyo ko rin ang buhok ko gamit ang blower at tinali ito sa isang high ponytail. Pulbo at liptint lang ang nilagay ko—simple lang.

Bumalik ako sa kama at binuksan ang TV. Manonood na lang ako maghapon dahil hindi rin naman nila ako papayagang bumaba. May bilin si Axel sa kanila.

Nang sumapit ang alas-tres ng hapon, naghatid si Manang ng meryenda. Kinamusta niya ulit ang paa ko at pinagalitan pa ako dahil naligo raw ako. Sinabi ko namang maayos-ayos na ito.

Talagang ang mga matatanda—ang daming bawal dahil sa pamahiin.

Pagkatapos magmeryenda, nanood lang ulit ako. Nang mapansin kong mag-aalas singko na, pinatay ko ang TV at kumuha ng wine glass at bote ng wine mula sa mini ref dito sa kwarto. Dumiretso ako sa balcony.

Masarap tumambay dito lalo na kapag hapon. Nagsalin ako ng wine at uminom. Sayang lang at wala si Axel—nasa opisina pa at mamaya pa ang uwi. Wala tuloy akong kasamang uminom.

Nang maubos ang unang baso, nagsalin pa ako ulit. Habang umiinom, may kumatok sa pinto. Inilapag ko ang baso.

"Come in!" sigaw ko, nilakasan ko dahil nasa balcony ako.

Narinig kong bumukas at sumara ang pinto. Hindi ko makita kung sino ang pumasok dahil nakatalikod ako at nakaharap sa labas. Nagpatuloy lang ako sa pag-inom. Baka si Manang lang 'yan or isa sa mga kasambahay.

"Okay ka na?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napalingon ako.

Nakatayo roon si Alexander—nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon, prenteng-prenteng nakasandal sa gilid ng glass door.

Ibinaba ko ang wine glass sa mesa at tumayo kahit medyo masakit pa ang paa ko.

"A-Alexander... you're here. What are you doing here? Akala ko si Manang or isa sa mga kasambahay lang yung pumasok. Umupo ka. Gusto mo ba ng wine? Kuha ako ng baso—"

"Huwag na. Ako na lang kukuha. Saan ba?" tanong niya.

"Doon, sa small cabinet katabi ng mini ref." sagot ko.

Pumasok siya sa kwarto ko at pagbalik niya, may hawak na siyang baso. Umupo siya sa tapat ko. Bigla akong nailang nang mapansin kong sinipat niya ang suot ko.

"Sabi ni Manang andito ka lang sa kwarto mo, kaya umakyat na ako. Actually... I came here for you." sabi niya.

"For me?" tanong ko.

"Just checking if okay na iyang paa mo."

'Ah, oo nga pala. Dahil sa paa ko. Ano pa bang ineexpect mo Natalia?'

"Okay na. Nabawasan na ang sakit." sagot ko.

"So pwede ka nang mag-practice sa Martes."

"Oo naman. Miss mo na agad ako?" pabiro kong sabi sabay tawa at iwas ng tingin.

Walang sagot.

Binalik ko ang tingin ko sa kanya—seryoso siyang nakatitig sa akin.

'My gosh, bakit ko ba kasi nasabi 'yon?'

Nameke ako ng tawa. "Just kidding!" sabay tungga ng wine.

'Damn, this is so awkward'

Pagkatapos kong uminom, ibinaba ko ang baso. Medyo nagulat ako dahil nakatingin pa rin siya.

Lalo tuloy akong nailang kaya naman nag - isip ako agad ng pwedeng tanungin pero wala akong maisip.

'Mag - isip ka, mag - isip ka. Dalian mo.'

"Uh... kamusta na kayo ni Cassandra?" biglang tanong ko.

Kumunot ang noo niya.

'Oh shoot! Bakit ba kasi sa dinami rami ng pwedeng itanong ay iyon pa ang lumabas sa bibig ko.'

"We're fine. She's in London. Kaaalis lang niya nung isang araw. Hindi ko alam kung kailan siya babalik." sagot niya bago inubos ang laman ng baso.

"O-okay." tipid kong sagot.

Inilapag niya ang baso sa mesa. "I have to go. Bye." 

Tumayo siya at tuluyang umalis. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas.

Naiwan akong nakatitig sa pinto.

"Wala pala si Cassy dito sa Pilipinas... kaya siguro gano'n siya. Caring sa ibang babae." bulong ko. "Tss. Babaero."

Pagsapit ng gabi, pumasok na ako sa kwarto at sinara ang pintuan ng balcony. Nahiga ako at nag-cellphone.

Maya-maya, may kumatok ulit. Pagbukas, bumungad si Axel—may dalang tray ng pagkain.

"Anong nakain mo at ikaw ang nagdala niyan?" tukso ko.

"Dahil isa akong mapagmahal na kapatid kaya ko to ginagawa." nakangisi niyang sagot. "Ang sweet ko diba?"

I rolled my eyes.

"Tsaka ibinilin ka sa akin ni Kuya Alexander diba? Kaya kumain ka na diyan at nang ma -cold compress at elevate na ni Manang iyang paa mo. Kailangan gumaling ka agad para maka practice ka na sa martes dahil kung hindi, lagot ako kay kuya Alexander.." daldal niya.

Tinitigan ko siya.

"Why are you staring at me?" tanong niya.

"Bat ka naman natatakot sakanya?" balik ko.

"Malamang! Binilin ka niya sa 'kin." iritableng sagot niya.

Dinampot ko ang kutsara at tinidor saka sumubo ng pagkain.

"Pumunta siya dito kanina." bigla kong sabi.

"Who?" gulat na tanong ni Axel.

"Hay. Si Alexander nga."

Nanlaki ang mata niya. "Seriously?"

"Do I look like I'm kidding?"

"What happened?"

"W-wala. Kinamusta lang paa ko."

"Tologobo." pang-aasar niya.

"Ewan ko sa 'yo." sagot ko sabay bilis sa pag - kain.

Matapos kung kumain ay nagligpit na siya at lumabas. Nagpalipas naman ako ng konting minuto bago pumunta ng banyo para mag shower at mag toothbrush. 

Paglabas ay nadatnan ko si Manang na nakaupo sa aking mini sala dito sa kwarto. Kandong niya ang gagamiting pag cold compress. Tumayo siya agad ng makita ako at sumunod sa aking kama.

Ginawa niya ang mga dapat na gawin at nang matapos siya ay nakatulog na ako agad. 


Stupidly In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon