Chapter 8

80 3 0
                                        

NATALIA'S POV

I went to Axel's room to wake him up. It was already 9:00 AM, but he was still asleep.

Hindi naka-lock ang pinto niya, kaya hindi na ako kumatok at dire-diretso na lang pumasok. Nakabalot pa siya sa kumot, halatang sarap na sarap sa tulog. Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama niya.

"Hey, wake up. It's already 9:00 AM." sabi ko habang marahang niyuyugyog siya.

He groaned. "I'm still sleepy. I want to sleep more." reklamo niya habang nakapikit. Bumaling siya at tuluyang tinalikuran ako.

"Come on, dude. Wake up." giit ko. "Baka nakakalimutan mo—may lakad tayo today. May schedule tayo kay Ms. Mercado para sa fitting ng gowns and suits natin for the upcoming company events at batch reunion."

"Aishhh! Fine!" reklamo niya bago tuluyang bumangon.

"Go downstairs and eat breakfast first. Tapos na akong kumain kanina pa, so maliligo na ako at mag-aayos." sabi ko.

"Yeah." sagot niya, antok pa rin ang boses.

Lumabas na ako ng kwarto niya at bumalik sa akin. Dumiretso ako sa banyo para maligo at mag-toothbrush, pagkatapos ay pumasok ako sa walk-in closet para magbihis.

I wore a white spaghetti-strap top paired with a yellow blazer that reached my knees, black shorts, and red rubber shoes. I tied my hair into a high ponytail and put on light makeup.

Paglabas ko ng closet, kinuha ko ang phone ko sa bedside table bago bumaba. Wala pa si Axel, kaya umupo muna ako sa sala habang hinihintay siya.

After ten minutes, bumaba na rin siya ng hagdan. He was wearing a blue T-shirt, black fitted jeans, and white rubber shoes.

"Kaninong kotse gagamitin?" tanong niya.

"Yours." sagot ko.

"Let's go." sabi niya bago maglakad palabas ng mansion.

Sinundan ko siya papunta sa garahe. Binuksan niya ang passenger seat para sa akin at isinara ang pinto nang makaupo na ako, bago siya umikot papunta sa driver's seat.


"Hello, Ms. Natalia and Mr. Axel. I am Shiela Mercado, the owner of this atelier." pagpapakilala niya pagdating namin.

"Hello, nice to meet you." sabi ko na may ngiti.

I looked around her shop. Iba't ibang klase ng gowns at dresses ang naka-display—lahat elegant at magaganda. May mahabang sofa sa gilid at isang mababang mesa sa gitna. Napako ang paningin ko sa mesa sa kabilang banda, na mukhang siya ring opisina niya. May dalawang upuan sa harap, at puno ito ng sketching materials.

Agaw-pansin ang upuan niya—may disenyo itong parang kabibe. Sa likod nito, isang pader na may nakasulat na SHIELA MERCADO ATELIER, naka-ilaw at elegante ang font.

"Please, have a seat." sabi niya, sabay giya sa mesa na kanina ko pa tinitingnan. Tama nga ako—ito ang kanyang tanggapan.

"So, Ms. and Mr. Martinez, how may I help you?" tanong niya.

"I'd like you to design a gown and a suit for our upcoming events on December 11 and 18." sabi ko.

Nag-umpisa na siyang magtanong tungkol sa gusto naming style at design. Nagpakita siya ng ilang sketches, pero sa huli ay gumawa rin siya ng bagong design base sa preferences namin. Kinuha niya ang measurements namin at iniabot ang calling card niya.

Ipapadala raw niya sa email ko ang final sketches para ma-review at ma-approve namin. Kapag may gusto kaming baguhin, tatawag lang kami agad para maayos.

Stupidly In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon