NATALIA'S POV
Kinuha ko ang water bottle sa tabi ng bag ko at uminom ng tubig. Katatapos lang naming mag-practice ni Alexander, at sila Nadia naman ngayon ang nasa gitna ng ballroom para sa kanilang rehearsal.
Today is our whole-day practice, kaya buong araw kaming nasa grand ballroom ng hotel kung saan gaganapin ang reunion ball bukas.
Isa ang hotel na ito sa mga may malalawak na ballroom para sa mga events, ngunit sakto lang ang laki nito para sa aming lahat. Sa totoo lang, gusto sana nilang idaos ang reunion sa isa sa mga hotel namin, pero masyado raw malaki ang ballroom doon. Kaya naghanap sila ng venue na mas angkop sa dami ng attendees.
Hindi ko namalayang napako ang tingin ko kay Alexander.
Nasa kabilang bahagi siya ng ballroom, eksaktong kaharap ko. Abala siyang nagtitipa sa cellphone habang bahagyang salubong ang kanyang mga kilay, tila seryosong may inaasikaso.
Bigla siyang nag-angat ng tingin kaya agad akong umiwas. Baka mahuli niya akong nakatingin.
Matagal pa bago muling tinawag ang pangalan naming dalawa para sa isa pang practice.
Ayos na rin iyon. Kahit paano, nakapagpahinga kami nang mas matagal. Kaninang umaga kasi, halos wala kaming pahinga sa sunod-sunod na rehearsal. Mukhang ito na rin ang huli dahil mag-aalas singko na ng hapon.
Pumuwesto kaming dalawa sa gitna ng ballroom.
Nang magsimulang tumugtog ang musika, sabay kaming gumalaw.
Hanggang ngayon, may isa pa rin kaming hindi magawa—ang pinakamahalagang bilin nina Ms. Rose at Mr. Dave.
Ang magtitigan habang sumasayaw.
Hindi ko talaga kaya.
Iyon ang kahinaan ko.
Hindi ako sanay makipagtitigan nang matagal sa kahit na sino. Ilang segundo pa lang, kusa na akong umiiwas.
At mukhang napapansin na rin iyon ni Alexander. Hindi niya ako pinipilit, marahil dahil alam niyang hindi ako komportable.
Mas madali na para sa amin ang choreography ngayon. Magaan na rin niya akong naiaangat sa bawat buhat. Ang iniisip ko na lang ay kung mahihirapan ba siya kapag suot ko na ang gown ko bukas.
Nang matapos ang musika, sabay kaming yumuko sa isa't isa, gaya nina Cinderella at ng Prinsipe pagkatapos ng kanilang sayaw.
"Perfect." nakangiting sabi ni Ms. Rose.
Habang pumapalakpak si Mr. Dave, lumapit siya sa amin.
"But it will be more perfect kung magtititigan kayong dalawa. Mas mararamdaman ng audience ang emotion."
Napangiti ako nang alanganin.
"Sige po. Susubukan po namin bukas kapag actual performance na." sagot ko.
"Alright." Ngumiti si Ms. Rose. "See you tomorrow night. We're going to watch all of you, so good luck."
Isa-isang umalis ang mga instructor.
Kami na lang ang naiwan sa ballroom—ako, sina Alexander, Nadia, Nathan, Jasmine, Czedric, at Selena na kanina pa nanonood ng rehearsal.
Hinayaan ko muna silang maunang lumabas.
Sinadya kong bagalan ang pag-aayos ng gamit ko para ako ang mahuli. Habang naglalakad palabas ng ballroom, hinanap ko ang contact ni Manong sa cellphone ko para tawagan siyang sunduin ako.
Wala kasi akong dalang kotse ngayon.
Nakayuko pa rin ako sa screen ng cellphone habang naglalakad nang bigla akong mapahinto.
BINABASA MO ANG
Stupidly In Love Again
RomanceShe loved him once - quietly, completely, and without question. But timing was never on their side. Years later, fate dances them back into the same orbit, where old emotions stir and unspoken memories rise. She told herself she wouldn't fall again...
