Chapter 18

83 3 0
                                        

ALEXANDER'S POV

Kakadating ko lang sa mansion nila Natalia para sa meeting ng reunion ball.

I know I'm late.

Galing pa kasi ako sa isang business meeting at mas tumagal iyon kaysa sa inaasahan.

Pagpasok ko pa lang sa living room ay napalingon na silang lahat sa akin.

Of course. Late ako.

I gave them a small nod before taking the empty seat beside Czedric.

Tahimik lang akong nakinig habang pinag-uusapan nila ang mga detalye ng reunion. Hindi ako nakapunta sa una nilang meeting kaya ngayon ko lang ulit nakita ang halos lahat sa kanila matapos ang ilang taon.

Then my eyes landed on her.

'Natalia.'

She changed.

A lot.

Mas mahaba na ang buhok niya ngayon. Mas matured ang features ng mukha niya, ngunit naroon pa rin ang pamilyar na ngiti na madalas kong makita noon.

Hindi lang ako ang nagbago sa paglipas ng mga taon.

Siya rin.

Nang sabihin ni Selena na magtabi ang mga magiging dance partners, tahimik akong tumayo at lumipat sa tabi niya.

Napansin kong bahagya siyang naging awkward.

I pretended not to notice.

Nanatili lang akong seryoso.

"Tss... cheater."

Mahina kong bulong habang pinapanood ang pagtatalo nila ni Christian Valdez.

Kilalang-kilala ko ang lalaking iyon.

Isa siya sa mga batang negosyante sa industriya.

But for someone with his background...

He clearly lacks class. Imbes na mag - usap sila in private, nagsusumigaw siya at pinipilit ang gusto niya. 

I silently shook my head.

'Ouch! damn it!'

Napapikit ako nang bahagya.

Hindi ko inaasahang matatapakan niya ang paa ko.

"Oh my gosh, I'm sorry!" Halatang natataranta siya.

"It's okay. It's normal." kalmado kong sabi. "Hindi talaga maiiwasan kapag nagpa-practice."

Masakit.

Pero wala nang saysay kung papalakihin ko pa.

Mas gusto ko nang matapos ang practice kaysa pagtuunan pa iyon ng pansin.

"Bakit ba pilit mo akong pinapaalis? Ganiyan ka ba sa mga taong gustong alagaan ka?" seryoso kong tanong at may bahid ng konting inis. Mula nang maihatid ko siya sa kuwarto niya, paulit-ulit niya akong pinapaalis.

Uuwi naman na talaga dapat ako pero pagbaba ko, nakita kong abala ang lahat ng kasambahay nila kaya imbes na mag - utos ay nagtanong nalang ako at ako na ang gagawa.

"Ano... baka kasi nakakaabala na ako. Gabi na rin. Dapat nagpapahinga ka na sa bahay ninyo. Alam kong pagod ka din." rason niya.

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam niya ay pabigat siya.

"Hindi ka abala, Natalia."

Tiningnan ko siya nang diretso.

"This is what I want to do."

Stupidly In Love AgainMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon