Chapter 14

78 3 0
                                        

NATALIA'S POV

Katatapos ko lang mag-ayos ng sarili para sa lakad namin ngayon. Today is Sunday, at naka-schedule ang food tasting namin para sa mga pagkaing iseserve sa reunion.

I wore a red off-shoulder top paired with a white mini skirt. Nagsuot lang din ako ng ballerina flats para komportable ang mga paa ko.

Nag-drive ako papunta sa mall na napag-usapan naming meeting place bago dumiretso sa isang sikat na catering service.

Pagdating ko sa parking lot, agad kong nakita si Nadia na nagse-cellphone habang nakasandal sa kaniyang pink Porsche. May bakanteng puwesto sa tabi ng kotse niya kaya doon ko na ipinarada ang Audi ko.

"Good morning!" bati ko nang makababa ng sasakyan. Sumandal din ako sa kotse habang nakaharap sa kaniya.

"Good morning, Natalia." bati niya rin.

"Tayo pa lang?" tanong ko.

"Uh, no. Alexander is already here. He's inside his car. Iyong Aston Martin sa kabilang side." sagot niya.

Napalingon naman ako sa direksyong itinuro niya at nakita ko nga ang isang black Aston Martin na nakaparada roon.

Nakaharap ito sa amin pero hindi ko makita ang nasa loob dahil sa tinted na salamin.

Mabilis kong ibinalik ang tingin kay Nadia. Kung hindi ko man makita si Alexander, siguradong nakikita naman niya akong nakatingin sa kotse niya.

Maya-maya pa ay may dumating na white BMW at pumarada sa tabi ng Aston Martin.

"Finally! Czedric is here." masayang anunsyo ni Nadia.

Pagkababa ni Czedric ay agad siyang lumapit sa amin at nakipag-beso.

"Where's Alexander?" tanong niya.

"Nasa kotse niya. Hindi pa bumababa." sagot ko.

Napatawa si Czedric at sinulyapan ang Aston Martin.

"Let's go."

Pagkasabi niyon ay tumalikod na siya. Siya kasi ang nakakaalam ng eksaktong lokasyon ng pupuntahan namin.

Sumakay na kami ni Nadia sa kani-kaniyang sasakyan. Mula sa side mirror ko, nakita ko pang sumenyas si Czedric ng "let's go" sa kotse ni Alexander.

Nang makaalis ang BMW ni Czedric, agad itong sinundan ni Nadia. Nang mapansin kong hindi pa rin umaandar si Alexander, ako na ang sumunod kay Nadia. Ilang segundo lang ang lumipas bago rin sumunod ang Aston Martin sa likuran ko.

Kalmado lang ang takbo ko. Hindi mabagal at hindi rin mabilis.

Paminsan-minsan ay sumusulyap ako sa rearview mirror para tingnan kung nasa likuran ko pa rin ang kotse ni Alexander. Dahil doon, may isang sasakyan tuloy na nag-overtake sa amin.

Medyo nahiwalay kami kina Nadia at Czedric.

Kaya naman nag-focus na ako sa pagmamaneho. Hindi na ako lumilingon kay Alexander dahil baka sa isang saglit lang ay mawala naman sa paningin ko sina Nadia.

Habang tahimik akong nagmamaneho, may biglang humarurot at nag-overtake sa akin.

Nang lingunin ko, Aston Martin ni Alexander pala iyon.

'What the hell? Nababagalan ba siya sa akin?'

Ngayon ay nasa harapan ko na siya.

Maya-maya pa ay nag-overtake siya sa sasakyang nasa unahan niya—iyon ding kotse na nag-overtake sa akin kanina.

Stupidly In Love AgainMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon