Chapter 51

47 1 0
                                        

NATALIA'S POV

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Alam kong wala ako sa bahay dahil iba ang ceiling. Pinilit kong bumangon kahit mabigat ang pakiramdam ko at sumandal.

Nakakumot din ako.

Nakita ko si Alexander na abala sa pagtitipa sa laptop niya sa mesa. Hindi niya pa ako napapansin.

Iginala ko ang paningin ko. Napakalawak ng room na ito.

I think I was in his office, and I was on his wide couch.

Inalala ko ang nangyari kanina.

'I fainted.'

Napaubo ako.

'My throat is dry.'

Napalingon na si Alexander sa direksyon ko. Tumigil siya sa ginagawa at tumayo mula sa desk niya upang pumunta sa akin.

"How are you feeling?" he asked.

"My body feels hot and heavy." namamaos kong sagot.

"Belinda came here earlier to check on you. You have a high fever, which caused you to pass out." he said.

Umiwas ako ng tingin.

"You need to eat and take your meds. I bought you some soup." he said.

Umalis siya sa harapan ko at kumuha ng paperbag. Nilapag niya iyon sa mesa malapit sa akin at binuksan.

It was the soup. Inabot ko iyon mula sa mesa at maingat na kinuha, pero dahil nanghihina ako, medyo nanginginig ang kamay ko.

Mabilis iyong kinuha ni Alexander.

"Ako na." he said.

Umupo siya sa tabi ko at nagsandok na ng sabaw gamit ang kutsara. Hinipan niya iyon ng kaunti at pinasubo sa akin.

Tinignan ko muna siya at dahan-dahan ko iyong sinubo.

Mainit-init pa nga ang soup. Mukhang kabibili lang bago ako nagising.

Kahit masama ang panlasa, pinilit kong ubusin iyon at uminom ng gamot.

"Where's Allison?" I asked.

"Pinabalik ko na sa kumpanya niyo." he answered.

Wala akong balak magtagal dito dahil baka nakakaistorbo na ako. This is his office, not a house.

Tinanggal ko ang kumot at dahan-dahan kong ibinaba ang mga paa ko para isuot ang heels ko.

"Where are you going?" he asked while watching me wear my heels.

"I—I'm going home." I answered.

"Ihahatid na kita." he said.

"I have my car." sabat ko.

"Obviously, you can't drive." he said—and he's right.

Hindi ako umimik. Tumayo siya at may tinawagan.

Pagkatapos ng tawag, ibinalik niya sa bulsa ang cellphone niya at lumapit sa akin.

"Let's go." he said.

"What are—" naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong buhatin. Bridal style. Napakapit na lang ako sa leeg niya sa takot na baka mahulog.

Deretso lang ang tingin niya sa harap at nagsimulang maglakad.

'Fuck! Makikita kami ng mga empleyado niya. Nakakahiya.'

Isiniksik ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya at pumikit.

Stupidly In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon