Epilogue

131 1 2
                                        

ALEXANDER'S POV

Kakatapos ko lang mag-lunch nang pumasok ang secretary ko.

"Sir, I have good news. Le Martinez Hotels scheduled a meeting tomorrow regarding the on-hold project. Itutuloy na raw po." she said, making me look up at her.

I know we're already very delayed-kaya nga sobra na ang stress ko-but it's surprising. If they're ready to continue with the on-hold project, does that mean Axel has already recovered? That fast? Sa pagkakaalam ko, malala ang injuries niya.

"So Mr. Martinez is already okay?" I asked.

"Not sure about that, Sir. Hindi po nila nabanggit." she replied, a bit hesitant.

Alam kong natatakot siya sa akin. For the past few years, I've changed. Mas madali na akong mainis at maubusan ng pasensiya.

Hindi na ako umimik at bumalik na lang sa ginagawa ko. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng opisina.

Gumapang ang inis sa katawan ko nang makita ko kung sino ang temporary CEO ng Le Martinez Hotels. Nakabalik na pala siya. Pinanood ko siyang masayang bumabati sa mga naroon sa boardroom. Hindi pa niya ako nakikita dahil abala siya sa pakikipagkamay sa iba.

'Paano niya nagagawang makangiti ng ganyan sa kabila ng lahat ng nangyari? Parang ang dali lang sa kanya ng lahat. Parang walang nangyari. Samantalang ako, ilang taon na minulto ng nakaraan.'

"Good morning, Ms. Martinez." walang ekspresyong saad ko nang magsalubong ang aming mga mata.

Imbes na bumati rin ay umiwas siya ng tingin. Lalo lang akong nainis.

"We've been experiencing delays and we need to fast-track this project. Nag-uumpisa na sana tayo sa construction next week." diretsong sabi ko. Hindi sana ganito ang approach ko kung hindi siya umasta ng ganon kanina.

I was playing with the pen above my folder while listening to Engineer Montenegro explain, but I couldn't help secretly glancing at Natalia.

Walang nagbago sa physical appearance niya-ewan ko lang sa ugali niya. But still, I'm still mad at her... for leaving me behind five years ago.

"Excuse me, you're blocking the doorway." sabi ko nang hindi pa rin siya umaalis sa dadaanan ko palabas. Inabot ko lang naman ang folder na naglalaman ng bagong impormasyon para sa project pero kung makatingin siya ay parang may inaantay pa siyang gagawin ko.

Kakatapos lang ng meeting namin at nakikipagkuwentuhan ako kina Dad at Mr. Martinez nang tinawag din nila si Natalia. Nagpaalam agad ako na aalis na nang makalapit siya, dahil ayokong makaharap siya kung hindi naman tungkol sa trabaho ang pag-uusapan.

Pagpasok ko sa opisina, dumiretso ako sa desk at naupo sa office chair ko. After a few minutes, pumasok si Cassandra.

"So, I heard si Natalia ang temporary CEO ng Le Martinez. Kamusta? Namiss mo ba si ex?" pang-aasar niya.

"Shut up." I replied.

Tumawa lang si Cassandra at inilapag ang folder sa mesa ko.

Cassandra has been working with me for the past few years, and we've become really good friends. Siya lang ang nakakapagbiro sa akin ng ganyan, at siya rin ang palagi kong kasama.

She knows everything about me these past few years-just like how I know everything about her.

"Sama ka sa groundbreaking ceremony." I said.

"Aww, sorry! As much as I want to, hindi ako pwede sa araw na 'yon-may lakad ako. Alam mo na." she said, then even winked at me. Napakunot na lang ang noo ko.

Stupidly In Love AgainMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon