NATALIA'S POV
Nasa kalagitnaan ako ng pagpili ng accessories na isusuot ko mamaya nang may kumatok sa pintuan ko.
Lumapit ako at pinihit ang doorknob.
"Manang, kayo po pala," bungad ko bago napatingin sa parehabang karton na bitbit niya.
"Ihahatid ko lang ito, hija. May nag-deliver kanina. Ito raw ang pinagawa mong gown," sabi niya bago pumasok at inilapag sa kama ko ang kahon.
"Oh sige, bababa na ako. Marami pa akong aasikasuhin sa ibaba."
"Sige po, Manang. Salamat po."
Pagkalabas niya, sinara ko ulit ang pinto.
Umupo ako sa kama sa tabi ng kahon. Nakalagay sa ibabaw nito ang logo ng atelier.
Binuksan ko iyon at inilabas ang gown na susuotin ko mamayang gabi. Maingat ko itong inilapag sa kama at tinitigan.
December 11 na ngayon. Kaunting oras na lang at magsisimula na ang party. Mamayang after lunch, darating na ang makeup artists at hairstylists para ayusan kami. Alas-sais ng gabi magsisimula ang event.
"Kinakabahan ako," biglang saad ni Axel habang kumakain kami ng lunch.
Natigilan kaming lahat at natawa.
"That's normal, son," sabi ni Dad.
Pagkatapos kumain, bumalik ako sa kwarto para maligo. Nagsuot na lang ako ng bathrobe dahil aayusan din naman ako mamaya. Tinuyo ko rin ang buhok ko gamit ang blower.
Habang naghihintay, tinawagan ko si Andrea. Tatlong ring bago siya sumagot.
[Hi! Are you ready?] nakangiti niyang tanong.
[Yeah. Hinihintay ko na lang makeup artist at hairstylist ko.]
[Can I see your gown?]
Tinapat ko ang phone sa kama para makita niya.
[It's beautiful! Mag-picture ka mamaya ha, then send mo sa akin.] natawa siya.
Napatawa rin ako.
Biglang may kumatok sa pinto kaya napatayo ako.
[Baka sila na 'to. Bye! Miss you.]
[Bye! Enjoy the party.]
Binuksan ko ang pinto. Tama nga ako—dumating na sila.
"Come in," nakangiti kong sabi.
Nag-set up sila agad. Nang matapos, pinaupo na nila ako.
Naunang inayos ang buhok ko—waterfall braid iyon na may curls. Sumunod ang makeup na medyo natagalan.
Pagkatapos, isinuot ko na ang gown. Matapos nila akong tulungan, sandali akong pumasok sa walk-in closet para kunin ang mahalagang bagay para sa gabing ito.
Sa gitnang bahagi ng walk-in closet ko ay naroon nakapwesto ang aking jewelry glass cabinet. Sa loob noon ay kitang-kita ang kulay gintong kahon sa pinakagitna.
In-unlock ko ang cabinet at kinuha ang gintong kahon. Ipinatong ko iyon sa ibabaw ng glass cabinet at binuksan gamit ang maliit na susi.
Naroon ang simbolo ng aming pamilya—ang tiara at brooch na gawa sa diyamante. Sa gitna ng tiara ay ang logo ng kompanya: isang agila na nakabuka ang mga pakpak na may koronang nakapatong sa ulo, may round diamond sa dibdib, at letrang M na hawak ng mga paa nito.
Ang brooch ay ganoon din ang disenyo. Parang nilagyan lang ng pin ang nakahulmang logo upang maging brooch.
Bitbit ang kahon, lumabas ako at ipinalagay ang tiara sa hairstylist.
BINABASA MO ANG
Stupidly In Love Again
CintaShe loved him once - quietly, completely, and without question. But timing was never on their side. Years later, fate dances them back into the same orbit, where old emotions stir and unspoken memories rise. She told herself she wouldn't fall again...
