NATALIA'S POV
Nagising ako kinabukasan bandang alas dos na ng hapon.
Masyado kasi akong napuyat sa reunion kagabi.
Ramdam kong kumakalam na ang sikmura ko kaya naghilamos na lang muna ako. Mamaya na ako maliligo. Kakain muna ako.
I went downstairs and walked straight to the dining area to eat my breakfast... and lunch.
Pagkatapos kumain ay bumalik agad ako sa kwarto para maligo.
I wore maong shorts, a spaghetti strap top, and a pair of slippers.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table bago muling bumaba.
"Where are they?" tanong ko sa isa sa mga maid.
"Nasa garden po." sagot niya.
Naglakad ako papunta roon at naabutan ko ngang magkakasamang nakaupo sina Mom, Dad, at Charles.
"Oh, buti gising ka na." sabi ni Dad nang maupo ako sa harapan nila, katabi ni Charles.
"How was your reunion ball? Hindi ko man lang nakita ang look mo kagabi. Sayang, wala tuloy tayong picture." sabi ni Mommy.
Hindi nga nila ako nakita kagabi dahil lumabas silang tatlo kasama ang mga kaibigan ni Mom. Nag-dinner sila sa labas.
Pati si Axel, hindi rin ako nakita dahil late na siyang umuwi kagabi. Sobrang busy raw siya sa kumpanya. Mga maid lang ang kasama ko rito sa bahay bago ako umalis.
"It's okay, Mom. I enjoyed the party." sagot ko.
Sakto namang naglapag ang maid ng meryenda sa mesa kaya naputol ang usapan namin.
"Tumawag ka na ba kay Tito Hermis mo?" tanong ni Dad.
"Yes, Dad. Nakausap ko rin si Lola. Sinabi ko sa kanya na doon tayo magpapasko. She looked so excited." nakangiti kong sagot.
"Mag-grocery tayo bukas para sa mga dadalhin natin doon, Talia. Tapos mag-shopping na rin tayo ng mga bag at damit." sabi ni Mom.
"Sure, Mom. Let's go out tomorrow."
Napalingon ako kina Dad at Charles.
"Ikaw, Dad? Do you want to join us?... Charles?"
"How about kayong dalawa na lang ang mag-bonding?" nakangiting sabi ni Dad. "Kami naman ni Charles ang lalabas bukas. Punta kayo sa gusto n'yong puntahan, ganoon din kami. Right, Charles?"
Tumango naman si Charles.
"That's a good idea, Hon. A mother-daughter and father-son bonding." sang-ayon ni Mom.
"How about Kuya Axel?" tanong ni Charles.
"He's busy. He can't go." sagot ko.
"Kaya nga. Sayang naman." sabi ni Dad.
Dumating ang gabi at sabay-sabay na kaming naghapunan.
Kadarating lang din ni Axel.
Hindi pa nga siya nakakapagpalit ng damit. Naka-office attire pa rin siya habang kumakain.
"How's the company, son?" tanong ni Mom.
"Okay lang naman, Mom." sagot ni Axel.
"Napapadalas ang pag-uwi mo nang late, ah." sabi ni Dad.
BINABASA MO ANG
Stupidly In Love Again
RomanceShe loved him once - quietly, completely, and without question. But timing was never on their side. Years later, fate dances them back into the same orbit, where old emotions stir and unspoken memories rise. She told herself she wouldn't fall again...
