Chapter 12

66 3 0
                                        

NATALIA'S POV

Inilibot ko ang paningin ko sa parking lot sa harap ng studio building. Marami nang kotse ang nakapark doon.

'Andito na ata silang lahat...'
'Saan kaya diyan ang kotse ni Alexander? Dumating na kaya siya?'

Paano ba naman kasi—papalit-palit ng kotse si Alexander. Araw-araw iba-iba ang ginagamit niya.

I glanced at my phone. 5:35 PM.

'I'm already late!'

Hinatid lang ako ni Manong Robert at umalis din agad. Babalik na lang siya mamaya para sunduin ako. Hindi muna ako nagdala ng sariling kotse dahil ayaw pa akong payagan ni Mommy. Kahit magaling na ang paa ko, nag-iingat pa rin siya.

Nagmadali na akong pumasok ng studio.Habang naglalakad ako sa pasilyo papuntang studio namin ni Alexander ay siya namang pagkalabas ni Nadia sa studio nila ni Czedric.

Nagmadali akong pumasok ng studio. Habang naglalakad ako sa pasilyo papunta sa studio namin ni Alexander, siya namang paglabas ni Nadia mula sa studio nila ni Czedric.

"Oh hi, Natalia! You're okay na? Nasabi samin ni Alexander na natapilok ka raw habang nagpapractice kaya sumama ang lagay ng paa mo." sabi niya.

"Ah yes! I'm okay now." sagot ko.

"Sure ka?" tanong niya, halatang nag-aalala.

"Yeah, okay na talaga."

"Alright, be careful, okay? I'll go ahead."

"Yeah." I replied with a smile.

Pagkalagpas niya, nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad hanggang makarating sa pinto ng studio namin ni Alexander. Huminga muna ako nang malalim bago pinihit ang doorknob.

"Finally, you're here." bungad ni Alexander. Prenteng-prente siyang nakaupo sa couch kasama sina Ms. Rose at Mr. Dave. Mukhang nagkukwentuhan sila bago ako dumating.

"Oh Natalia, come here." yaya ni Ms. Rose.

Lumapit ako at naupo sa couch na kaharap ng inuupuan ni Alexander sa kabilang side ng mesa.

"You're okay now?" tanong ni Mr. Dave.

"Uhm, yeah." sagot ko.

"Good. Let's start." Mr. Dave said.

Tumayo sina Mr. Dave at Ms. Rose at naunang pumunta sa harap para buksan ang TV. Tatayo na sana ako para sumunod nang magsalita si Alexander.

"You're 10 minutes late."

Napatingin ako sa kanya. Sinabi niya iyon pero nasa cellphone ang tingin niya.

"Traffic eh." sagot ko na lang.

"Nag-drive ka?" tanong niya.

"Hindi. Hinatid ako ng driver namin—si Manong Robert."

Tumayo siya, ipinasok ang cellphone sa bulsa, saka tumingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin.

"Let's go. They're waiting for us."

Nauna siyang naglakad papunta sa dance floor. Sumunod naman ako.

"Okay, position!" sigaw ni Mr. Dave.

Lumapit kami sa isa't isa. Kinuha ni Alexander ang kanan kong kamay gamit ang kaliwa niya. Ang kanan niyang kamay ay dumapo sa bewang ko. Ipinatong ko naman ang kaliwa kong kamay sa balikat niya.

Nakatingin ako sa gilid dahil sobrang lapit namin—at mahigpit ang hawak niya sa bewang ko.

"We're having a meeting after this. Lahat tayong performers." bigla niyang sabi.

Stupidly In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon