Chapter 3

125 4 0
                                        

NATALIA'S POV

The next day, dumaan lang ako sa company para kunin ang mga documents na kakailanganin ko sa biyahe—mga papeles na hindi ko nakuha kahapon dahil pinahanap ko muna kay Kate. Bago ako umalis, may isa pa akong naalala na kailangan niyang gawin.

"Kate." tawag ko. "Pakihanapan ako ng isang magaling na investigator. Gusto ko siyang makausap mamayang 4:00 PM. Sa mansion mo siya papuntahin. Pakisend na lang sa kanya ang address."

"Sige po, Ma'am." sagot niya agad.

Pagdating ko sa bahay, dumiretso ako sa taas. Pumasok muna ako sa library—na ginagamit ko ring home office—para kunin ang ilang papeles bago dumiretso sa kwarto.

Kinuha ko ang tatlong maleta mula sa walk-in closet: isang maliit para sa mga dokumento, at dalawang malalaki para sa mga damit, heels, at sandals.

Bumaba lang ako saglit para mag-lunch, tapos balik agad sa pag-iimpake. Natapos ako bandang 2:30 PM, kaya nagpahinga muna ako sandali. Eksaktong 3:00 PM, tumayo na ako para maligo.

Isinuot ko ang black MK pleated georgette halter dress at black Stuart Weitzman NudistJune leather sandals. Pinatuyo ko ang buhok ko at hinayaan itong nakababa, naglagay lang dinako ng kaunting powder at lip tint.

Paglabas ko ng kwarto, dumiretso ako sa opisina sa loob ng mansion para hintayin ang investigator.

Habang naghihintay, tinawagan ko si Manang gamit ang landline.

"Hello, sino po sila?" sagot niya.

"Manang, ako po ito—si Natalia. Tinatamad po kasi akong bumaba kaya itinawag ko na lang. Mamayang 4:00 PM po may pupuntang investigator dito. Pagdating niya, pakihatid na lang po siya sa opisina ko. Pakiayos na rin po ang meryenda namin."

"Ay sige, hija. Ibibilin ko sa mga kasambahay at maghahanda ako." sagot niya.

"Salamat po, Manang."

Eksaktong alas - kwatro, may kumatok sa pinto ng opisina ko. Pagbukas nito, isang babae ang tumambad—halos kasing tangkad ko. May kasunod siyang kasambahay na may dalang tray ng pagkain na mabilis inilapag sa desk ko at umalis.

Ngumiti ang babae at isinara ang pinto.

"Have a seat." alok ko.

Lumapit siya, kinamayan ako, at naupo sa isa sa dalawang upuan sa harap ng mesa.

"Good afternoon, Ma'am. I'm Annastacia Rodriguez—pero Anna na lang po. Tumawag ang secretary niyo, at ako po ang inatasan ng boss namin." paliwanag niya.

"Nice meeting you, Anna. I'm Natalia Isabel Martinez, CEO of Le Martinez Hotels."
Huminga ako nang malalim. "May ipapaimbestiga akong isang tao."

Iniabot ko sa kanya ang wallet-size photo ni Christian.

"He's my fiancé—Christian Ace Valdez. According to my best friend, tatlong beses na niyang nakita na may kasama siyang babae. Same girl every time. The last time was in a resort in Tagaytay, walking hand in hand sa beach."

Tumigil ako saglit bago nagpatuloy.

"Aalis ako ng bansa sa Monday, for about a month. Gusto kong malaman kung may relasyon talaga sila. Since alam niyang wala ako, I'm sure magiging mas kampante sila. I also want you to investigate the woman. I need a full report pagbalik ko."

"Understood, Ms. Martinez." sagot niya.

Iniabot niya ang calling card niya, at ibinigay ko ang buong bayad. Nagmeryenda muna kami bago ko siya inihatid pababa.

Stupidly In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon