Chapter 11

73 2 0
                                        

NATALIA'S POV

Dahil hindi na rin naman masyadong masakit ang paa ko, nagdesisyon na akong bumaba para mag-dinner.

"Oh, ba't ka na bumaba?" Axel asked when he saw me downstairs.

"Kaya ko na. Magaling na ako, promise." pagpapacute ko, baka bigla pa niya akong pabalikin sa taas.

"Oh, sige. Bahala ka." sabi niya bago tumalikod at dumiretso sa kusina.

Napangiti ako at sinundan siya.

Kumunot ang noo ko nang madatnan ko ang napakaraming pagkain na nakahain sa lamesa. Abala rin ang mga kasambahay, pabalik-balik. Hindi ko rin makita si Manang.

"Axel! what's going on? What is this? Bakit andaming pagkain?" I asked clueless.

Napatigil siya at humarap sa akin, kunot-noo.

"Darating sila Daddy ngayon. Nakalimutan mo?" sabi niya.

Nanlaki ang mata ko. Mabilis kong kinapa ang cellphone ko at chineck ang date.

Napapikit ako. Ngayon nga pala ang datingnila.

"Nasabi mo na ba sa kanila yung tungkol sa'yo at kay Kuya Christian?" tanong ni Axel, halatang nag-aalala.

Umiling ako. 

Hindi ko pa nasasabi. Natatakot akong sabihin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. 

At isa pa, sa sobrang busy ko, nakalimutan ko na sabihin sakanila. Gumapang ang kaba sa aking katawan dahil alam kong hindi ko na maitatago iyon ngayon.

"Don't be scared." ngiti ni Axel. "I'm sure they'll understand."

Inakay niya ako papunta sa sala para doon maghintay. Malapit na raw silang dumating.

Maya-maya, narinig na namin ang busina sa labas—senyales na may nagpapabukas na ng gate.

Tumayo kami at lumabas. Sakto namang huminto ang kotse sa harap ng hagdan ng mansion.

Naunang bumaba si Charles mula sa backseat, sinundan ni Mommy at Daddy. Sinalubong namin sila ng yakap at halik bago pumasok ng bahay.

Habang nagdi-dinner kami, hindi matigil si Charles sa kakadaldal. Miss na miss daw niya ang Pilipinas at bukas na bukas ay mamamasyal siya. Niyaya pa niya sina Daddy.

Pagkatapos kumain, umakyat muna kami sa kanya-kanyang kwarto para mag-shower at magpalit ng pantulog. Bababa ulit kami mamaya—gusto raw ni Daddy na tumambay kami sa may pool area.

Bago ako lumabas ng kwarto, huminga muna ako nang malalim. Kabado ako. Alam kong magtatanong sila tungkol kay Christian. Tungkol sa kasal.

Pagdating ko sa pool area, nandoon na silang lahat. May mga wine at baso sa mesa.

Ngumiti ako at umupo. Si Daddy ang nagsalin ng wine at iniabot sa amin.

"Kumusta ang kompanya, Natalia?" tanong ni Dad.

"Maayos naman po, Dad. Wala namang problema." sagot ko.

"That's good. Ilang araw na lang at si Axel na ang mamamahala." sabi niya bago tumingin kay Axel. "Handa ka na ba?"

"Of course, Dad." sagot ni Axel.

"Mamimiss ko ang kompanya." I said getting emotional a bit.

"Pwede ka pa namang bumisita doon ah di ko naman pinagbabawal." saad ni Axel na may nakalolokong ngiti.

I rolled my eyes at uminom ng wine.

"Kumusta na si Christian?" tanong ni Mommy, nakangiti. "Hindi pa ba kayo nagpaplano? December na. Next year na ang kasal. Invite him tomorrow—mag-dinner tayo."

Napalunok ako. Ito na yon. Nagkatinginan kami ni Axel.

Huminga ako nang malalim at tumingin kina Mommy at Daddy.

"The wedding is off. Wala na pong magaganap na kasal." nanginginig kong sabi. "I'm sorry, Mom... Dad."

Unti-unting tumulo ang luha ko. Bumalik lahat—kung paano niya ako niloko, kung paano ko nakita lahat. Akala ko okay na ako. Hindi pa pala.

Bakas ang gulat sa mukha nila—pati kay Charles.

"But why?" naguguluhang tanong ni Mommy.

"He cheated on me, Mom." sagot ko. "I saw it with my own eyes."

Kinuwento ko ang lahat—mula sa hinala ni Andrea, sa pagpapaimbestiga, hanggang sa pagsugod ni Christian dito sa mansion.

"Oh my God..." bulong ni Mommy. Lumapit siya at niyakap ako.

Humagulgol ako. Sumama rin si Daddy sa pagyakap. Kita ko ang galit sa mga mata niya.

Nang medyo kumalma ako, nagsalita si Daddy.

"Maybe he's not the right man for you. Kaya nangyari iyon." sabi niya.

"Maraming lalaki sa mundo, Ate." biro ni Charles. "Impossible na walang para sa'yo."

Napangiti kami kahit papaano.

Hindi parin fully matured itong si Charles. Kahit si Axel ay may konti paring pagka - isip bata. Hindi pa masyadong nag seseryoso sa buhay. 

Parang ako din noong kakagraduate ko sa College. Saka lang ako nag matured noong ako na ang CEO ng kompanya.

"Sana hindi niyo maranasan balang araw ang naranasan ko." emosyonal kong sabi sa kanila. "Ayokong nasasaktan kayo."

Mahigpit nila akong niyakap.

Nagpatuloy kami sa pag-inom ng wine at kwentuhan—ibang topic na.

"Hindi pa ba kayo inaantok?" tanong ni Dad. "May pasok pa kayo bukas."

"Si Axel na lang po muna." sabi ko. "Hindi pa po ako pwede. Sa Martes pa raw sabi ng doktor."

"Ano bang nangyari sa'yo, hija?" nag-aalalang tanong ni Mommy.

"Naaksidente ka ba?" dagdag ni Dad.

"Natapilok po. Nagpractice po kasi kami ng sayaw." paliwanag ko. "May reunion ball po kami sa December 18. Waltz po—medyo mahirap, lalo na't may partner."

"Mag-ingat ka sa susunod." paalala ni Dad.

Tumango ako.

Matapos noon, nag-aya na silang matulog. Dahil na rin siguro sa ininom naming wine, hindi na ako nahirapang makatulog.


Stupidly In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon