NATALIA'S POV
I was busy scrolling on my phone when someone knocked on my door.
Pumasok ang isang kasambahay na may bitbit na damit na nakahanger.
"Ma'am, pinapatanong po ni Manang kung saan daw po ilalagay ito?" she asked, showing me the coat.
'Yung coat ni Alexander!'
Bumaba ako sa kama at kinuha iyon mula sa kanya.
"Pakisabi, ako na lang ang bahala dito." I said, and she left the room.
Nawala na sa isip ko ang coat na 'to. Ilang linggo na pala itong nasa akin—ngayon lang nalabhan.
Ilang beses na kaming nagkakasama sa meetings at sa site, pero hindi ko man lang naibalik.
'Baka isipin ni Alexander inangkin ko na. Kailangan ko na itong maibalik.'
'Pero next week pa pala ang next meeting namin with the Sanford Empire...'
Pumasok ako sa walk-in closet at isinabit ito sa cabinet ko. Nakapameywang kong tiningnan habang nag-iisip.
'Puntahan ko na lang kaya siya ngayon?'
Pero parang may bumubulong sa akin na hindi sang-ayon.
'Really, Natalia? Pupuntahan mo siya para lang ibalik 'tong coat?'
Nagtatalo kami ng sarili ko kung anong gagawin, hanggang sa namalayan ko na lang naliligo na ako at naghahanda nang umalis.
Habang nagbibihis, napansin kong may pasa ako sa aking binti. Ngayon ko lang ito napansin, at napaisip ako kung saan ko ito nakuha. Ilang minutong pag-iisip ang lumipas pero hindi ko pa rin maalala. Siguro naitama ko lang ito sa kung anong bagay nang hindi ko namalayan.
Mabuti na lang at nakapwesto ang pasa sa parte ng katawan ko na madaling matakpan ng mahabang damit.
I wore a simple violet dress that ended just above my knees, paired with white strapped sandals.
Nang matapos mag-ayos, kinuha ko ang coat na nakahanger, tiniklop ito ng maayos, saka inilagay sa isang paper bag. Pagkatapos, sinukbit ko ang bag ko at umalis ng bahay.
Pagdating ko sa Sanford Empire, bumaba ako ng kotse at inabot ang susi sa valet.
Dumiretso ako sa elevator at pinindot ang floor ng opisina ni Alexander.
Paglabas ko ng elevator, diretso akong naglakad. I was about to ask his secretary first—baka wala siya o may meeting—pero pagdaan ko sa table niya, wala roon ang secretary.
Tumingin ako sa double doors ng office niya.
'Wala naman sigurong ibang tao sa loob...?'
Lumapit ako at nakiramdam. Medyo inilapit ko ang tenga ko sa pinto para pakinggan kung may usapan, pero wala akong marinig.
Hinawakan ko ang door handle at dahan-dahang itinulak iyon.
I stepped inside but immediately froze.
Alexander was not alone. He was with someone.
'Cassandra.'
They were casually laughing and talking when I entered.
'Such wrong timing.'
I was about to step back, but Alexander happened to glance in my direction—and froze.
His smile faded, at halatang nagulat siya nang makita ako.
BINABASA MO ANG
Stupidly In Love Again
RomanceShe loved him once - quietly, completely, and without question. But timing was never on their side. Years later, fate dances them back into the same orbit, where old emotions stir and unspoken memories rise. She told herself she wouldn't fall again...
