NATALIA ISABEL'S POV
"Mag-ingat ka sa iyong pagbyahe, hija." saad ni Tita Trina pagkatapos niya akong yakapin.
"Magsabi ka lamang kung kailan mo gustong muling bumalik dito upang maipaghanda ka namin, Natalia." pahabol ni Tito Hermis bago ako pumasok sa driver's seat ng aking kotse.
Ngumiti na lamang ako sa kanila at pumasok na sa loob. Huminga ako nang malalim at binuksan ang makina. Pabalik na ako muli sa siyudad matapos ang isang buwang pananatili dito sa hacienda. Tunay ngang ang bilis ng mga araw.
Nais ko pa sanang manatili, ngunit kailangan ko pang maghanda para sa nalalapit na kasal ni Nadia.
Isang buwan na rin mula nang makabalik si Axel sa kumpanya. Aaminin ko, minsan ay tila nami-miss ko ang magtrabaho roon—pero wala naman akong magagawa. Hindi naman talaga ako ang CEO.
Sa isang buwan kong pananatili rito, wala akong ibang ginawa kundi mamasyal sakay ng kabayo. Napapadalas din ang pagtulog ko, marahil dahil sa pagod.
Makalipas ang ilang oras, nakarating na rin ako sa mansion. As usual, puro kasambahay na naman ang andito. Mamayang gabi pa ang uwi ni Axel.
Dumeretso na ako sa aking silid at nagpasyang matulog. Hindi naman ganoon kahaba ang biyahe ko pero pagod na pagod ang pakiramdam ko.
Lumipas ang ilang linggo at heto na ako ngayon, papunta ng airport para sa kasal ni Nadia bukas. May makakasabay akong ibang guests dahil susunduin daw kami ng private plane papunta ng Palawan.
Pagpasok ko sa airport, may ilan akong nakitang kakilala na rin na papunta sa kasal. Masaya ko silang sinalubong at niyakap.
Alas tres na ng hapon nang lumapag kami sa Palawan. Hindi na rin nakakapagtaka na Parama Airlines ang eroplano—kaibigan kasi ng groom ang may-ari nito, si Alexander.
He'll be here for sure. He's one of the groomsmen.
Sinundo kami ng van paglabas ng airport, at papalubog na ang araw nang makarating kami sa resort kung saan gaganapin ang kasal.
Hindi na kami sinalubong ni Nadia dahil abala na siya sa pag-aayos. Mayroon kasing sayawan mamaya. It's just a dance party the night before the wedding.
Pagdating ko sa aking kwarto, naligo na agad ako at nagbihis para sa party. I just wore a simple navy blue maxi dress—iyon ang motif nila.
Nandito na rin pala ang gown na isusuot ko bukas. Nakalagay na ito sa kwarto pagkadating ko kanina. It's a navy blue off-shoulder gown with a tied ribbon at the back.
Pagkatapos kong mag-apply ng make-up, lumabas na ako at nagtungo sa party. Sa event hall ito ginaganap ngayong gabi, pero bukas, ang venue ng kasal ay sa harap ng dagat—alas singko ng hapon, sakto sa paglubog ng araw.
Dala-dala ang regalo ko para sa kanila, pumasok na ako sa venue at sinalubong ng malakas na musika. Minabuti ko nang ibigay na ang regalo dahil baka bukas ay makalimutan ko pa. For sure magiging abala kami.
Nakita ko agad sina Nadia at Czedric kaya lumapit ako at inabot ang regalo.
"Congratulations, love birds!" bati ko. Nakipagbeso muna ako bago iniabot ang regalo.
"Thank you so much sa gift." ani Czedric.
"Kumain ka na ba? Kain ka muna." Nadia said while pointing at the buffet area.
BINABASA MO ANG
Stupidly In Love Again
RomanceShe loved him once - quietly, completely, and without question. But timing was never on their side. Years later, fate dances them back into the same orbit, where old emotions stir and unspoken memories rise. She told herself she wouldn't fall again...
