NATALIA'S POV
It's Sunday—no office work for me. But today is October 31, and my co-performers are coming over for our meeting. I told them to arrive around 11:00 AM. I even invited them to have lunch here.
After washing my face, I went downstairs to eat breakfast.
Six days na simula nang iwasan ko si Christian. Araw-araw daw siyang pumupunta rito, sabi ni Manang—sumisigaw ng pangalan ko sa labas ng gate. Nagmamakaawa raw sa guard na papasukin siya. Pero tulad ng bilin ko, hindi siya pinapapasok. Sa huli, umaalis din siya.
"Hindi pumunta ngayong umaga si Christian." sabi ni Manang. "Noong mga nakaraang araw, andiyan na siya sa mga oras na 'to."
"Mabuti kung gano'n." sagot ko. "Baka bumalik na siya kay Jessa. Mas okay din na wala siya ngayon—may bisita ako."
Tumango siya. "Oo nga pala at maaga akong magluluto. Marami tayong ihahanda para sa lunch."
Tiningnan ko ang orasan—9:20 AM na. Mabilis kong tinapos ang almusal at bumalik sa kwarto.
Naligo ako, nag-ayos ng buhok—half braid lang—at naglagay ng light makeup. Isinuot ko ang white off-shoulder skater dress at black six-inch ankle strap sandals ko. Sakto, 10:55 AM nang bumaba ako at naghintay sa sala.
"Ma'am, may dumating na po." sabi ng kasambahay.
Lumabas ako ng mansion. Si Selena pala—kakababa lang ng kotse. Yumakap siya sa'kin at humalik sa pisngi.
Isa-isa nang dumating ang mga co-performers ko—maliban kay Alexander.
Pumasok kami sa sala. Inutusan ko ang kasambahay na kapag dumating si Alexander, papasukin na agad at ituro kung nasaan kami. Nagkuwentuhan muna kami habang hinihintay siya.
"Mag-isa ka lang dito?" tanong ni Nadia. "Where are your parents?"
"Nandito si Axel, nasa kwarto lang. Malamang naglalaro— baka naka-headphones pa, kaya hindi tayo naririnig." sagot ko.
"You changed a lot." biglang sabi ni Czedric. Napatawa ako.
"Hi everyone. Sorry I'm late."
Lahat kami napalingon. Si Alexander. Dumating na rin siya at umupo sa tabi ni Czedric—direktang kaharap ko.
"So let's start." sabi ni Selena.
Tumango lang kami.
"As suggested, may intermission number tayo. Waltz—since ball ang theme. Dating loveteams kayo, so bagay." tukso ni Selena. "Malay niyo, may ma-develop ulit."
"Wew." bulong ni Nathan.
"After lunch, pupunta tayo sa dance center for instructors." dagdag ni Selena.
"Sure." sabay-sabay naming sagot.
"Guys, please take this seriously. We want the performance to look great. This isn't just about dancing—you need to show emotion too. I know it's been a while since we all saw each other, and things might feel a little awkward, but try to be comfortable. Let's start by having each pair sit together. Come on. It's a good first step." Selena encouraged.
Tumayo sina Nadia at Jasmine at lumipat sa couch ng boys. Sa side nila, si Alexander lang ang tumayo—at umupo sa tabi ko.
He was so close I could clearly smell his perfume. I couldn't even move or turn my head.
"Awww, you guys look so cute. Did you know that?" tawa ni Selena. Nang - aasar.
"Now, face your partners, shake hands, and introduce yourselves. If you want to talk a little, go ahead." nakangiting dagdag ni Selena sa amin.
BINABASA MO ANG
Stupidly In Love Again
Storie d'amoreShe loved him once - quietly, completely, and without question. But timing was never on their side. Years later, fate dances them back into the same orbit, where old emotions stir and unspoken memories rise. She told herself she wouldn't fall again...
