Chapter 16

95 3 0
                                        

NATALIA'S POV

Kanina pa ako nakatitig sa sarili ko sa salamin simula nang matapos akong ayusan.

Ready na ako para sa reunion ball namin mamaya.

I was wearing a rose gold off-shoulder ball gown. Kumikinang iyon dahil sa mga Swarovski crystals na nakadisenyo sa buong gown.

Naka-crown braid ang buhok ko, at natural lang din ang makeup ko—hindi makapal, sapat lang para i-enhance ang features ko.

Diamond earrings lang ang suot kong accessories.

At gaya ng sinabi ko kahapon kay Alexander, suot ko ngayon ang crystal sandals na regalo niya sa akin.

Bagay na bagay iyon sa gown ko. Kapag nasisinagan ng ilaw, kumikislap din ang mga kristal nito. Hindi nga lang iyon gaanong napapansin dahil natatakpan ng laylayan ng gown, maliban na lang kapag bahagya ko itong inaangat habang naglalakad.

Kinuha ko ang clutch bag ko at lumabas na ng kwarto.

Si Manong ang maghahatid sa akin ngayong gabi dahil hindi naman ako pwedeng magmaneho nang ganito ang suot.

Paglabas ko ng mansion, nakaabang na siya sa tabi ng sasakyan.

Agad niya akong pinagbuksan ng pinto, at nang makasakay ako ay mabilis na rin siyang pumuwesto sa driver's seat at umalis.

Pagdating namin sa hotel, marami na ang nakaparadang sasakyan sa parking lot.

Twenty minutes na lang kasi at magsisimula na ang reunion ball kaya halos lahat ay nagsidatingan na.

Inalalayan ako ni Manong sa pagbaba ng sasakyan.

Pagkatapos, maingat akong naglakad papasok ng hotel habang siya naman ay umalis na rin.

Ayaw ko na siyang paghintayin pa dahil siguradong matatapos nang gabi ang party.

Pagpasok ko pa lang sa lobby, agad kong nakita ang ilan naming kaklase.

May mga nakatambay lang at nagkukuwentuhan. Marahil ay may hinihintay pa ang iba, samantalang ang iba naman ay hindi pa gustong pumasok sa ballroom.

Nasa first floor lang naman ang ballroom ng hotel kaya madali lang ang paglabas at pagpasok.

Nginitian ko sila habang naglalakad papunta sa malaking double doors.

Nang makalapit ako, agad akong pinagbuksan ng staff upang makapasok.

Tahimik at eleganteng musika ang sumalubong sa akin.

Nagkalat sa buong ballroom ang mga magkakaibigang nagkukuwentuhan, nagtatawanan, at nagkukumustahan matapos ang maraming taon. May ilan ding photographers at videographers na abala sa pagkuha ng mga litrato at video ng mga bisita.

Habang naglalakad ako, napalingon ako sa kaliwa.

Napahinto ako nang makita kong papalapit sina Nadia, Czedric, at Nathan.

Huminto sila sa harapan ko at isa-isang bumeso.

Nadia was wearing a dark green umbrella-cut tube ball gown. Nakalugay ang mahaba niyang buhok na maayos na nakahawi sa likod. Lalong bumagay sa kanya ang kulay ng suot niya.

Czedric was wearing a dark green suit, matching Nadia's gown. Mukhang pinagplanuhan talaga nilang magpartner ang kulay ngayong gabi.

Samantalang si Nathan ay nakasuot ng puting suit na may itim na polo sa loob. Halatang hindi siya mapakali dahil panay ang lingon niya sa iba't ibang direksyon.

"Are you looking for someone?" tanong ko kay Nathan.

"Kanina pa 'yan." natatawang sabi ni Nadia. "Hindi pa kasi dumarating si Jasmine."

Stupidly In Love AgainMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon