Warning: Contains R - 18 scenes
***
NATALIA'S POV
Nahila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Stephen at agad na tumayo. Sumunod siya at sabay kaming nagpagpag ng damit para maalis ang buhangin na kumapit.
"Iwan mo muna kami. Gusto ko siyang makausap." ani Alexander.
Pag-angat ko ng paningin, magkatinginan na silang dalawa. Ramdam ang tensyon.
"Bro, nag-uusap pa kami. Baka pwedeng mamaya na lang 'yan?" magalang na saad ni Stephen.
"I don't care. This is more important than whatever you two are talking about." sagot ni Alexander. His voice was cold, and his expression—dead serious. Nakita ko kung paano umigting ang kanyang panga at paano napatikom ang kanyang kamao.Napakunot ang noo ko.
'What the hell is this?'
Walang nagawa si Stephen. Tumingin siya sa akin at pilit na ngumiti, bago dahan-dahang umatras at naglakad paalis.
Sinundan ko siya ng tingin—pati si Alexander.
Pagkawala ni Stephen sa paningin namin, hinarap ko na si Alexander. Nagsalubong ang mga mata namin. Kita ko sa mga mata niya ang galit—o inis ba iyon?
Dinampot ko ang sandals ko at nagsimulang maglakad, nilalampasan siya.
Wala akong balak kausapin siya.
Ramdam ko ang mga hakbang niyang sumusunod pero hindi ko siya nilingon. Deretso lang ang lakad ko, papunta sa hotel na tinutuluyan namin.
"Let's talk." narinig kong sabi niya mula sa likuran.
'Gusto ko siyang kausapin... pero hindi ngayon dahil hindi pa ako handa. A lot of questions, explanations, are running in my head now. Hindi ko maintindihan. Magulo pa ang isip ko.'
'Kailan ba ako magiging handa?'
Pagkapasok ko sa hotel, halos tumakbo ako papunta sa elevator at mabilis kong pinindot ang close button. Hindi siya nakaabot. Nakahinga ako ng maluwag.
Paglabas ko sa floor ng kwarto ko, agad kong kinapa ang keycard sa maliit kong bag.
"Natalia, let's talk."
Napalingon ako sa kabilang elevator—lumabas si Alexander.
Mabilis akong naglakad sa hallway, papunta sa kwarto ko, pero sinundan pa rin niya ako.
"Let's talk some other time." sagot ko.
"Tapos bigla ka na namang mawawala? Iiwan mo na naman ako ulit?"
That made me stop.
Napalingon ako sa kanya. Tumigil din siya sa paglalakad, ilang hakbang lang ang layo sa akin.
Galit ang mga mata niya. Nakakuyom ang panga, at parehong kamay niya'y nasa bulsa ng pantalon.
Tahimik ang paligid pero parang ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Let's talk some other time. Pagod na ako. I want to rest—and so should you. Good night."
Iyon lang ang nasabi ko bago ako muling naglakad papunta sa kwarto ko, hawak pa rin ang keycard sa kamay.
When I reached the door of my room, I quickly swiped my card and it opened.
I went inside and was about to close the door when Alexander stopped it and walked in.
He quickly shut the door and locked it.
BINABASA MO ANG
Stupidly In Love Again
Roman d'amourShe loved him once - quietly, completely, and without question. But timing was never on their side. Years later, fate dances them back into the same orbit, where old emotions stir and unspoken memories rise. She told herself she wouldn't fall again...
