Chapter 7

77 2 0
                                        

NATALIA'S POV

Nagising ako bandang 4:00 AM. Sinubukan ko pang ipikit ulit ang mga mata ko, pero wala na talaga—ayaw na akong dalawin ng antok. Kaya bumangon na lang ako at dumiretso sa banyo para maghilamos at magsipilyo.

Friday na. Ikalimang araw na ng waltz practice namin mamaya. Hindi ko alam kung ako lang, pero parang mas humihirap magpraktis araw-araw—lalo na't pareho kaming ilang ni Alexander sa isa't isa.

Pumunta ako sa walk-in closet at nagpalit ng suot: white sports bra, white leggings, at black rubber shoes. Kinuha ko na rin ang duffel bag ko bago lumabas.

Binuksan ko ang drawer ng bedside table at kinuha ang susi ng kotse ko. Gagamitin ko muna ngayon ang BMW.

Pagbaba ko ng mansion, abala na ang mga kasambahay sa paglilinis. Dumiretso ako sa kusina para mag-refill ng tubig sa tumbler ko. Naabutan ko si Manang na nagluluto ng agahan, nakatalikod pa siya kaya hindi niya agad ako napansin.

"Good morning, Manang." bati ko.

Humarap siya at sumulyap sa orasan. "Ay, magandang umaga rin, hija. Ang aga mo namang nagising. Wala pang agahan ah, nagluluto pa lang ako. Gusto mo, gawa muna kita ng sandwich?"

"Sinubukan ko po kasing matulog ulit pero ayaw talaga. Mag-gym na lang muna ako. Okay lang po ako, Manang—hindi pa po ako gutom." sagot ko.

"Ah ganon ba. Sige, mag-iingat ka sa pagmamaneho." paalala niya.

Nginitian ko siya bago lumabas ng mansion at dumiretso sa garahe. Pagkalabas ko ng gate, medyo binilisan ko na ang takbo.

Pagdating sa gym, nag-stretching muna ako bago nagsimula mag-workout. Halos isang oras din akong nag-ehersisyo bago ako tumigil. Uminom ako ng tubig, kinuha ang duffel bag ko, at lumabas na. Sa bahay na lang ako maliligo.

Bandang 6:10 AM nang makarating ako ulit sa mansion. Pumarada ako sa garahe at pumasok. Pagdating ko sa kusina, nakahain na ang pagkain.

"Pakitawag na lang po si Axel sa kwarto niya. Sabihin niyo pong ready na ang breakfast, hihintayin ko siya. Thank you." sabi ko sa isang kasambahay.

Naghugas muna ako ng kamay bago umupo sa dining table. Habang hinihintay ko si Axel, kinuha ko ang phone ko mula sa duffel bag at nag-check ng emails. Isa lang ang bago—email mula kay Kate. May meeting daw ako sa boardroom ng 11:00 AM.

Nang marinig ko ang mga yabag sa hagdan, isinara ko na ang phone at binalik sa bag. Sigurado akong siya na iyon.

"Good morning." bati niya sabay halik sa pisngi ko.

"Good morning." sagot ko.

Umupo siya sa tapat ko, sa kabilang side ng mesa.

"Galing ka gym? O nag-jogging ka lang sa village?" tanong niya nang mapansin ang suot ko.

"Gym. Nagising ako ng 4:00 AM at hindi na makatulog. Maaga pa naman, kaya nag-gym na lang ako. It's been a while since I worked out in the morning. I've been too busy lately, and ayokong bumalik sa dati kong katawan—kaya sinusubukan kong maging consistent ulit." paliwanag ko.

Hindi na siya nagtanong pa. Tahimik kaming kumain.

Pagkatapos kong kumain, ako ang unang tumayo at iniwan ko siya sa dining area.

Pagdating ko sa kwarto, inilapag ko muna ang bag sa kama bago dumiretso sa banyo para maligo at magsipilyo. Paglabas ko, dinala ko ulit ang bag sa walk-in closet para ilabas ang laman at ibalik ito sa cabinet ng mga bags ko.

Nagpunta ako sa cabinet ng mga damit at namili ng isusuot para sa araw na ito.

Matapos mag-ayos, bumalik ako sa cabinet ng bags dala ang bag na ginamit ko kahapon. Pinili ko ang white bag at inilipat ang laman. Ibinalik ko ang lumang bag at isinukbit sa balikat ko ang bago. Araw-araw kasi, iba-iba ang bag na ginagamit ko.

Stupidly In Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon