Chapter 4
______Nagising siyang humahangos. Agad siyang napahawak sa kaniyang pisngi. Hindi nga siya nagkamali, basang-basa ang kaniyang pisngi nang mga luhang siyang laging bumubungad sa kaniya pagkagising.
Napabungtong hininga siya at pinilit ang sariling tumayo. Dapat sanay na siya, pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin mawala ang sakit.
Nag-ayos nalang siya, halos isa't kalahating oras palang siyang nakatutulog base na din sa pag sulyap niya sa orasan. Pero wala na siyang balak matulog pa ulit o kahit mag isip man lang tungkol sa napanaginipan. Baka lamunin nanaman siya nang sakit at maisipang gumawa nang masama sa sarili.
Kailangan niyang magpakatatag at isipin ang kapatid. Grade nine palang si Jessica at baka mapariwara pa ang buhay nito kapag nawala siya.
Lumabas siya nang silid pag katapos mag ayos. Lilibot nalang siya habang naghihintay nang oras sa susunod na photoshoot niya. Hindi na rin naman siya makapag papahinga. Mas magandang pagtuonan niya na lang nang pansin ang magandang kapaligiran.
May mangilan-ngilang nakakakilala sa kaniya ang nagpa picture na siya naman niyang pinaunlakan.
Ano nga ba naman iyong pagbigyan niya ang mga ito na makasama sa isang litrato ang dyosa na kagaya niya. Bibihira lang itong mangyari sa buhay nang mga ito.
Ngumingiti siya sa iba at kumikindat sa mga kalalakihan na nakikita niyang nakatitig sa kaniyang kaseksihan. Naka sexy na summer dress kasi siya na kulay cream.
"May sakit ka ba sa mata?"
Nabigla siya at napahawak sa tapat nang dibdib niya. Muntik pang lumabas ang puso niya dahil sa sumulpot at nagsalita sa kaniyang tabi.
Napatingin siya dito at hindi niya napigilan ang sarili na hilahin ang buhok nang salarin. Napa-aray naman ito at tiningnan siya nang matalim.
"Gaga ka talaga Krissy! Muntik pa akong atakihin dahil sayo!" sigaw niya dito matapos tanggalin ang kamay mula sa buhok nito.
Isa ito sa mga kaibigan niya, nakilala niya ito pati na rin sina Gabriela at Hannah nang makagraduate siya sa kurso niyang Nurse. Oo nurse siya pero hindi niya din naman iyon nagamit nang pasukin niya ang mundo nang pagmomodelo.
Nurse silang lahat. Nagkakilala sila nang minsang mag ojt siya sa isang hospital kung saan ang mga ito naka assign.
"Grabe mapanakit ka talagang babae ka." napahawak ito sa anit nito bago siya inirapan. "Tinanong ko lang naman kung may sakit ka sa mata kasi kanina ka pa kakikindat diyan." ani nito.
"Hoy babae wala akong sakit sa mata ah? Hindi ba pwedeng kinikindatan ko lang iyong mga lalaking tumititig sa ganda ko? Pinagbibigyan ko lang at siguradong ngayon lang nakakita nang maganda."
Inirapan siya ulit nito at inilingan. Hindi ba sumasakit ang mata nito sa kaiirap sa kaniya?
"Ibang klase talaga ang confidence mo Bes abot hanggang kabilang solar system. Baka naman gusto mong mamigay. Hiyang hiya naman kasi kami sayo."
She pouted.
"Panira ka nang trip sa buhay alam mo ba iyon? Ba't ka ba kasi napadpad dito?" Tanong niya sa kaibigan.
Siguro kung may makakarinig sa mga pinagsasasabi nila ay mapagkakamalan silang nag aaway lalo na at ang lakas pa nang mga boses nila. Pero ganun lang talaga sila. Parang magpapatayan ang lambingan.
"Kasama ko si Irvin, alam mo na tamang date din kami nang jowa ko kapag di busy." kumislap pa ang mata nito.
Umakto siyang nasusuka kaya naman nawala ang ngiti nito at tiningnan siya nang masama.
BINABASA MO ANG
Madly In Love
RomanceShe thought everything was just easy. It would be just a simple give and take situation. But she was wrong. She should have listened to one of the most used phrases she always heard, which was.. "Don't judged the book by its cover" Because now eve...