Chapter 9
______Nakatitig lang siya kay Ken habang hinihiwa nito ang karne gamit ang maliit na kutsilyo. Napangiwi pa siya nang makitang hirap na hirap itong hiwain ang karne.
Mukhang mauuna pa atang mabasag ang plato nito kesa ang maputol ang karne.
Nahihiyang napayuko siya nang tumigil ito at tumingin sa kaniya. Pinisil-pisil niya ang kamay habang naghihintay sana sa reaksiyon nito pag natikman na ang niluto niya. Pero paano niya nga ba makikita kung ayos lang dito ang lasa nang niluto niya kung ang paghiwa nga lang nang karne ay hirap na hirap na ito.
"I can see that you are a great cook." ani nito at ngumisi sa kaniya. Napaiwas siya nang tingin dito at napakagat na lamang nang labi.
Nakakahiya talaga. Ibinaling niya ang tingin sa pagkain na nasa mesa. Adobo sana ang gagawin niya pero naisipan niyang iprito na lang ang porkchop na karne. Pero hindi niya alam kung tama ba ang ginawa niya. Hindi niya kasi alam kung ano ba ang dapat na ilagay bago iyon iprito kaya naman hindi na niya nilagyan nang kahit ano. Pagkahugas, diretso na agad sa kawali.
Tinusok niya ang karne gamit ang tinidor. Nahirapan pa siya dahil parang mas matigas pa ata sa pader ang niluto niya.
Kinagat niya ito. Okay naman siguro ang lasa. Baka bawi naman na. Pero wala sa sariling napatingin siya kay Ken at nakita niya itong nakatitig sa kaniya.
Hinila niya ang tinidor sa bibig pero sa bandang huli ay iniluwa niya ito.
Naangiwi siya. Ang pangit lang nang lasa. Wala siyang ibang malasahan kung hindi pait. Hindi pa man niya ito nangunguya nang matagal ay talagang nalalasahan niya na ang pait nito.
Napatingin siya kay Ken nang marinig niyang tumawa ito. Bakas sa mukha nang binata ang tuwa habang pinagmamasdan siya.
Siguro ay hindi ito makapaniwalang may isang kagaya niya na walang alam sa pagluluto ang nag iexist sa mundo. Siguro sa sobrang ganda niya ay akala nito ay perfect siya at lahat nang bagay alam niya. Pero hindi iyon ganoon. Hindi ba pwedeng gandang pang dyosa lang talaga ang nakuha niya at wala nang iba? Sabi nga nang iba diba, hindi lahat nang bagay sa mundo makukuha mo.
Well marunong naman siyang maglinis nang bahay at maghugas nang pinggan. Naglalaba din siya, sadyang ang pagluluto lang talaga ang hindi niya natutunan.
Inirapan niya si Ken nang marinig ang mas malakas nitong tawa. Sobrang tuwang tuwa ito at kaunti na lang ay gusto niya na itong kutusan.
Hindi porket gwapo ito at crush niya ay may karapatan na ito alipustahin ang pagluluto niya. Sino ba ito sa tingin nito. Baka nga mas wala itong alam sa kusina kesa sa kaniya eh. Sa yaman nito mukhang may sarili itong chef na siyang nagluluto para dito.
Hindi na siya nakatiis at tiningnan niya nang matalim ang binata. Bakas pa din kasi sa mukha nito ang pinipigilang tawa at para sa kaniya. Nakakainsulto na iyon.
"Wag ka ngang tumawa diyan. If I know wala ka ding alam sa pagluluto." nang uuyam na ani niya dito.
Sumandal ito sa upuan at tinitigan siya. Kumikislap pa ang mga mata nito sa pagkaaliw.
"You bet?" nanghahamong ani nito. Umiling-iling ito bago umayos nang upo at ngumiti sa kaniya.
"You're talking to a Chef Sweety and I know how to make dishes even in a simple recipes."
Hindi niya alam pero hindi naman siya nayabangan sa sinabi nito. Sa totoo lang ay nabigla at namangha siya. Sa dami nang sa tingin niyang pwedeng profession nito ay hindi pumasok sa isip niya na Chef ito.
BINABASA MO ANG
Madly In Love
RomanceShe thought everything was just easy. It would be just a simple give and take situation. But she was wrong. She should have listened to one of the most used phrases she always heard, which was.. "Don't judged the book by its cover" Because now eve...