Chapter 11
______"I'll go ahead. I need to visit the main branch of our restaurant. I should make sure that everything is perfect. Are you sure that you don't want to come with me." tanong nang binata habang nakatayo siya sa gilid nang sasakyan nito at ito naman ay nasa loob na nang sasakyan nito at akmang aalis na. Kanina pa nito tinatanong sa kaniya ang tungkol sa bagay na iyon. Gusto nitong isama siya sa restaurant na pag-aari nito pero tumanggi siya. Mas gusto niya na lang tumambay sa bahay nito at gawin ang mga kailangan niyang gawin kesa ang sumama sa binata. Medyo ilag din kasi siya dito dahil sa nangyari kagabi.
Inihatid niya na lang ito sa
Parking lot kagaya nang gusto nito. He said that she must act like an obedient wife.Umagang-umaga kanina pag kagising niya ay inayos niya na ang susuotin nito habang ang binata naman ay nagluluto nang breakfast nila. Ito na ang nagprisintang magluto dahil alam naman nitong wala siyang kaalam-alam sa bagay na iyon. Aminado naman siya sa bagay na iyon.
"Hindi na Ken. Dito na lang ako sa Condo mo. Siguro sa susunod na lang ako sasama saiyo." pilit niyang ngiti dito. Tinitigan naman siya nito nang nakakunot ang noo.
"I don't like it when you called me Ken. I wanna hear you call me by my second name." Inayos nito ang white polo na suot bago muling bumaling sa kaniya. "Ipapalinis ko muna ang magiging bahay natin. Gusto kong tumira sa isang bahay kasama ka at gusto din naman kitang masolo, mas mabuti na iyon. Masyadong maliit ang condo ko." tumango na lang siya sa sinabi nito. Ibang klase lang. Naliliitan pa ito sa Penthouse nito samantalang masyado iyong malaki. Halos sinakop na ata nito ang buong floor sa lawak nito.
Iba talaga kapag mayaman. Wala siyang ideya kung gaano ito kayaman basta ang alam niya lang, wala itong habas na gumastos nang pera sa kung ano mang gustuhin nito at ang kaalamang iyon ay sapat na para malamang sobra itong yaman.
Nasabi na din nito sa kaniya na lilipat sila nang bahay. Wala din naman siyang magagawa at alam niyang wala siyang karapatang sumalungat dito kaya hinayaan niya na lang kung anong mga desisyon nito.
Muli pa siyang tinitigan nang binata bago ito umalis. Pinaalala pa nito ang mga rules nito sa kaniya at dapat daw ay wala siyang suwayin. Napailing na lang siya habang paakyat nang Building.
Ngayong kasama niya si Ken o mas tama bang sabihin na Wench dahil ito ang gusto nitong tawag. Medyo nakakaramdam siya nang kakaiba sa binata. Kanina habang pababa sila, lahat nang makakasalubong nito ay nginingitian nito at binabati. Nakikipagbiruan pa ito sa mga empleyado nang Building habang ipinakikilala siya. Pero kapag naman silang dalawa lang ay parang biglang nawawala sa paningin niya ang maamo nitong mukha. Well masasabi niyang mabait naman ito pero napapansin niyang may pagka demanding ito. Lahat nang gustohin nito dapat ay sundin niya. Hindi dapat siya tumanggi dahil mabilis na nagbabago ang ugali nito.
Napabuntong-hininga siya dahil doon. Susubukan niya na lang intindihin ang ugali nito. Wala na din naman siyang magagawa dahil habang existing ang deal nila at habang hindi pa ito nagsasawa sa kaniya ay mananatili siyang kasal dito.
Dahil sa lalim nang pag iisip niya sa mga bagay-bagay ay hindi niya namalayang may makakasalubong pala siya. Muntik na siyang mapaupo sa sahig kung hindi lang siya naagapang hawakan nang nakabunggo niya sa kaniyang bewang.
Kinabahan siya. Nahulog ang kaniyang cellphone sa sahig at kitang-kita niya kung paano nagkapira-piraso ang dati na nitong basag na salamin.
Walang kalaban-laban ang cellphone niya sa sobrang kintab na tiles na siyang yumurak dito.
Bumitaw siya sa may hawak sa kaniya. Napaupo siya sa sahig at inis na ginulo ang sariling buhok habang nanlulumong nakatitig sa cellphone niyang wala nang pag-asa pa.
BINABASA MO ANG
Madly In Love
RomanceShe thought everything was just easy. It would be just a simple give and take situation. But she was wrong. She should have listened to one of the most used phrases she always heard, which was.. "Don't judged the book by its cover" Because now eve...