Chapter 21
______Nakatitig siya sa kapatid na mahimbing na natutulog.
Matapos ka nilang sagutan kanina ay dumiretso agad ito sa kwarto nito. Alam niyang nagtatampo ito sa kaniya. Sa mura nitong edad alam niyang hindi pa nito maiintindihan ang mga nangyayari.
Hindi ganoon kadaling magpatawad. Hindi iyon madali para sa isang kagaya niyang nawalan nang anak.
Inaamin niyang naging pabaya siya. Naging baliw siya sa pagmamahal noon kay Wench na umabot sa puntong nawalan siya nang anak dahil sa labis na pagmamahal niya dito pati na din sa kapabayaan niya.
Kung hindi niya ipinilit ang sarili dito. Kung tinanggap niya na lamang na hindi talaga sila para sa isa't isa ay baka buhay pa ang anak niya at kasama niya pa ito ngayon.
Alam niyang mahabang panahon na ang lumipas pero sa tuwing nakikita niya ito ay muling bumabalik ang lahat nang sakit na naramdaman niya noon nang dahil dito.
Muli niyang tinitigan ang kapatid at hinaplos ang ulo nito.
"I'm sorry kung napagsalitaan ka ni Ate kanina. Hindi ko pa kayang patawarin ang Kuya mo. Hindi pa ngayon." hinalikan niya ang noo nito bago lumabas nang kwarto nito.
Nang makababa siya ay nakita niya pa si Nanay Sonya. Tipid na ngumiti ito sa kaniya.
"Nakatulog na ba?" tumango siya dito. "Hayaan mo muna iyon. Alam mo namang matampuhin ang kapatid mo iyon. Pinalaki mong spoiled eh."
Mahina siyang natawa dahil sa sinabi nito. Mukhang kasalanan niya nga iyon.
Ngayong maayos na ang buhay nila talaga namang nagging spoiled na ang kapatid niya sa kaniya dahil sa ibinibigay niya na lahat nang gusto nito.
Sa hirap nang buhay na dinanas nila noon, gusto niya lang na maranasan nito ang magandang buhay.
"Aalis na po ako Nay, hindi na po ako magtatagal. May kailangan pa po kasi akong asikasuhin bukas nang maaga eh." ani niya dito habang kinukuha ang bag niya.
Nakita niya naman ang pagtataka sa mikha nito.
"Gabi na iha, akala ko ay dito ka na matutulog. Baka mapano ka pa sa daan."
Umiling siya dito at ngumiti.
"Hindi po Nay, kaya ko naman po ang sarili ko. Bumisita lang po ako dito para ihatid ang pasalubong niyo. Dadalaw naman po ako ulit sa sunod. Alam niyo namang masyado akong busy." nakakaintinding tumango na lamang ito sa kaniya.
"Oh siya kung hindi na talaga kita mapipigilan eh mag-ingat ka na lang iha. Wag kang magpapalipas nang gutom at wag mong pabayaan ang sarili mo. Ako na ang bahala sa kapatid mo. Sa sunod na pag bisita mo dito siguradong nalimutan na niya ang tampuhan niyo."
Natatawang tumango naman siya dito. Hindi naman niya kailangang intindihin ang kapatid. Hindi naman ito matagal magtampo. Kadalasan itutulog lang nito iyon at pag gising kinabukasan ay bati na sila.
Ilang paalala pa ang ibinilin niya kay Nanay Sonya bago siya tuluyang nagpaalam na. Nine pm na din naman nang gabi at wala pa siyang pahinga mula kaninang umaga. Hindi pwedeng haggard siya sa shoot niya kinabukasan.
While on the way to her condo, she decided to order food first in a famous fast food chain. Nagugutom nanaman siya and she's craving for fries.
Minsan lang naman siya kumain nang mga hindi healthy foods so okay lang iyon.
Inihinto niya ang kotse niya sa parking lot nito para pumasok. Parang mas gusto niyang kumain sa loob kesa ang mag drive thru.
Nang makapasok siya sa loob ay napapikit pa siya nang maamoy ang loob nito. Parang ang gandang tumambay dito.
Kahit na medyo late na ay medyo marami pa ding costumers. At mukhang nakilala siya nang ilan kaya naman naabala pa siya nang biglang dumugin siya nang mga staff at costumers.
Akala niya ay hindi siya maabala pero mukhang wrong choice para sa kaniya ang kumain sa loob.
"Oy si Miss Ysa iyan hindi ba?" narinig niyang tanong nang isang mukhang teenager pa lang na kumakain kasama ang mukhang kaibigan din nito nang makitang dinudumog siya nang tao.
"Oo nga! Grabe sobrang ganda naman niya. Kumakain din pala siya sa ganito?"
"Oo nga eh. Nakakabigla talaga lalo na at ang ibang mga model na kagaya niya eh ang aarte."
"Hindi naman daw kasi iyan maarte. Medyo marami lang talagang issue sa buhay pero mabait daw talaga iyan."
Napangiwi siya. Kung pag-usapan siya nang mga ito eh ang lalakas.
Oo siya na ang maraming issues sa buhay. Anong magagawa niya eh sa siya ang pinaka-maganda sa lahat.
Nang sa wakas ay makapag-order na siya ay pinili niyang maupo sa pinakagilid kung saan nakikita niya ang mga dumadaang sasakyan.
Kahit medyo late na ay marami pa ang dumadaan. Sa tingin niya ang iba ay para umuwi galing sa overtime habang ang iba naman ay mukhang papasok pa lang sa trabaho.
Namimiss din niya ang simpleng buhay. Iyong kahit saan ka magpunta walang haharang at dudumog sayo. Kaya nga minsan niya na lang magawa ang katulad nang ganito. Iyong kumain sa mga fast food chain at pati na din iyong mga Street foods. Nakakamiss pero kahit papaano ay nagpapasalamat pa din siya.
Kung hindi dahil sa Tita Juliana niya hindi siya makakapasok sa industriyang ito. Kaya kahit na madaming issues ay okay lang naman sa kaniya iyon.
"Minsan na nga lang akong kumain nang ganito. Pinagbabawalan mo pa."
Napatingin siya sa kaniyang tabi nang may umupo sa katabing mesa. Nakasimangot ang babae habang seryoso naman ang mukha noong lalake. Hindi niya alam kung magkapatid ba ito or mag jowa. Mas bagay silang magkapatid lalo na at mukhang medyo bata pa iyong babae. Parang highschool lang ata ito.
"It's not healthy. Napapansin kong madalas kang mahilo. Baka mamaya niyan dahil iyan sa mga kinakain mo." hindi niya alam kung matatawa ba siya o hindi sa binata.
Nurse siya dati pero medyo OA naman ata ito.
"Ano ka ba. Lagi nga healthy foods ang kinakain ko dahil sayo. Pati pagkain ko nang marshmallow once a week na lang kasi sabi mo masama ang sweets." nakangusong ani nito sa binata na pinunasan naman ang bibig nitong may ketchup.
Nalimot niya na ata ang sariling pagkain dahil sa kapapanood sa dalawang ito.
"Ang sweet niyo namang magkapatid." hindi niya na napigilan pa ang sumabat sa dalawa.
Alam niyang hindi niya kilala ang mga ito pero ang cute nila eh.
Tumingin sa kaniya ang dalawa. Nakita niya namang tumalim ang tingin nang binata sa kaniya at ang babae naman ay humagikhik. Para bang tuwang-tuwa ito. Kabaliktaran nang kasama nito na parang maging bad mood.
"Shut up. She's not my sister." asik nito sa kaniya.
"Hindi ko po siya kapatid. Boyfriend ko po siya." napaawang ang bibig niya sa sinabi nito.
"Wag ka kasing sumimangot masyado love. Napagkakamalan kang Kuya ko eh. Minsan nga tatay pa." pati siya ay natawa sa sinabi nang babae.
Matatawa na sana siya nang malakas kung hindi lang siya tiningnan ulit nang matalim nang lalake.
Pinigilan niya na lang ang matawa. Ang cute talaga tingnan nang mga ito. Kahit na hindi niya ito kilala ay gusto niyang magtagal pa ang mga ito.
Ngumiti na lamang siya sa babae at tyaka itinuon ang pansin sa pagkain. Matapos niyang maubos iyon ay umalis na din siya agad. Antok na antok na siya.
BINABASA MO ANG
Madly In Love
RomanceShe thought everything was just easy. It would be just a simple give and take situation. But she was wrong. She should have listened to one of the most used phrases she always heard, which was.. "Don't judged the book by its cover" Because now eve...