Chapter 15
_______Kinakabahang binuksan niya ang pinto nang kotse ni Nico nang makarating sila sa condo na tinitirhan ni Wench.
Nawala ata lahat nang kalasingan niya sa katawan nang makitang alas diyes na nang gabi. Parang gusto niyang pukpokin ang sarili.
Ngayon lang ito nangyari at Kinakabahan siya sa maaring reaksiyon nang asawa.
"Are you okay here? Do you want me to accompany you to your room?" agad siyang napailing sa sinabi ni Nico.
"Hi-hindi na.. Tulog naman na siguro ang k-kapatid ko. Magpapahinga na din ako. Salamat nalang Nico. Mag-iingat ka pauwi."
Tumango naman ito sa kaniya kaya naman bumaba na siya.
Hindi alam nang mga ito ang sitwasyon niya. Oo nga at itinuturing niya na din ang mga ito bilang kaibigan pero hindi pa siya handang magkwento sa mga ito nang tungkol sa buhay niya.
Dali-dali siyang naglakad patungo sa elevator. Kagat-kagat niya pa ang hinlalaki dahil sa kaba.
Para siyang bata na papagalitan nang magulang dahil sa ginabi na siya nang uwi at hindi nagpaalam.
Ang tanga niya kasi. Akala mo ngayon lang siya nakawala sa hawla at kinalimutan ang obligasyon niya sa buhay.
Nang makarating siya sa tapat nang penthouse ni Wench ay natigil siya. Hindi naman siguro ito galit? Baka tulog na ito sa loob. Magpapaliwanag na lang siya tutal ay mukha namang walang pakialam ang asawa niya sa kaniya.
Huminga siya nang malalim bago nagpasyang pumasok. Nang buksan niya ang pinto ay natigil siya.
Tumingin siya sa paligid at nakitang madilim iyon. Tanging malamlam lang na mga ilaw ang naroon. Iyon ang palatandaan na nandito na ang asawa niya.
Inilibot niya ang tingin sa paligid at napabuntong-hininga nang makitang walang asawang nag-aabang sa kaniya.
Baka tulog na ito o kaya naman ay wala lang talaga itong pakialam kahit pa anong oras na ay wala pa siya.
Maingat na humakbang siya papunta sa sala at ipinatong ang bag niya sa lamesa pero agad siyang napaayos nang tayo nang biglang lumiwanag ang paligid.
"Do you know what time is it?" napaigtad siya nang marinig ang malamig na boses na iyon. Parang sinisilaban siya sa puwet nang ibinaling niya ang tingin sa kanang bahagi kung saan nakita niya ang asawang nakasandal sa Bar Counter habang may hawak na baso na naglalaman nang sa tingin niya ay alak. Sa kaliwang kamay nito ay may hawak itong sigarilyo na siyang unang beses na nangyari.
Hindi niya alam na naninigarilyo ito.
Hindi niya ito napansin kanina. Madilim kasi ang parte kung nasaan ang Bar Counter.
"You know that I hate repeating my self right?"
Wala sa sariling napahakbang siya paatras nang makita itong umalis sa pagkakasandal sa Bar counter.
Nakaramdam siya nang takot nang maaninag ang bagsik sa mga mata nito. Mahigpit ang hawak nito sa baso at kinuyumos nito nang kamay ang sigarilyong hawak.
Hindi man lang ba ito napaso? Mukhang hindi nito naramdaman iyon dahil nanatili lang ang mata nitong nakatitig nang matalim sa kaniya.
Sanay na siyang nakikita itong malamig ang tingin pati na rin ang pakikitungo nito sa kaniya. Pero hindi niya maiwasang matakot dahil sa reaksiyon nito ngayon.
BINABASA MO ANG
Madly In Love
عاطفيةShe thought everything was just easy. It would be just a simple give and take situation. But she was wrong. She should have listened to one of the most used phrases she always heard, which was.. "Don't judged the book by its cover" Because now eve...