Chapter 19

2.1K 48 0
                                    



Chapter 19
_______







"Mukhang masaya ka Nurse Ysa ah."


Mas lalong lumawak ang ngiti niya nang dahil sa sinabi nang pasyente niyang si Juliana. Kumakain ito nang prutas na marahil ay dala nang kamag-anak o kaibigan nito.

"Halata ba Tita?" ngiting-ngiting ani niya dito na siyang ikinatawa naman nito.


"Halatang-halata. Tita na nga din ang tawag mo saakin. Dahil iyan sa boyfriend mo ano? Naku! Ang mga kabataan talaga ngayon ang lalandi."


Napasimangot siya dahil sa sinabi nito.


Malandi agad? Grabe naman ang matandang ito. Kung hindi lang siya good mood baka ipinalunok niya dito ang kinakain nitong apple para ma filter ang bibig nito.

Pero siyempre hindi niya gagawin iyon. Hindi naman niya talaga dinamdam kung tawagin siya nitong malandi. Si Wench na lang naman ang nilalandi niya eh.

"Masaya kasi ang love life ko Tita. Siguradong hindi ka relate kasi wala ka naman noon."

Napahagikgik siya nang makita ang pagkalukot nang mukha nito. Halatang-halata eh.

"Tumigil ka nga. Ang ganda ko kaya noong kabataan ko. Mas maganda pa ako sayo noon." asik nito sa kaniya na siyang ikinalaki nang mata niya.


"Tita akala ko na allergy ka lang. Dapat pala pati mata mo ipa check-up kay Doc. Hindi mo dapat kinukumpara ang kagandahan nang isang Dyosa na kagaya ko sa isang mortal na kagaya mo." mas lalong nalukot ang mukha nito at balak pa sana siyang batuhin nang orange na nadampot nito kaya naman agad siyang tumakbo palabas nang room nito habang tumatawa.

Habang naglalakad ay nakasalubong niya naman si Hannah na agad naman lumapit sa kaniya nang makita siya.

"Ysa may naghahanap sayong mahinhin na babae doon sa baba. Kanina ka pa noon hinihintay mukhang may importanteng sasabihin sayo eh."

Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. Wala naman siyang kilalang mahinhin na babae. Kung si Nicole naman iyon ay hindi bagay sa babaeng iyon ang salitang mahinhin. Mas baliw pa iyong tingnan kesa sa kaniya eh.

"Tinanong mo ba kung anong pangalan?"

"Ay nakalimutan ko. Ang ganda kasi bhe."

"Mas maganda pa saakin?" nakataas ang kilay na tanong niya dito.

"Syempre mas maganda ka. Dyosa ka diba?" natatawang ani nito na ikinangiti niya naman.



"Kaya ikaw talaga ang favorite ko kesa kay Krissy at Gabriela. Napaka honest mo kasi eh."


Natatawang tinulak naman siya nito.


"Puntahan mo na nga iyon. Mang-uuto ka pa eh."

Napahagikgik naman siya at tinungo na ang sinabi nito.


Sino naman kaya ang pupunta sa kaniya?



Nang makarating siya sa kung nasaan ang sinasabi ni Hannah ay napatigil siya sa babaeng nakatalikod sa kaniya. Marahil ay ito ang sinasabi ni Hannah dahil ito lang naman ang Mukhang demure na babae na nandito.


"Ah excuse me." pagkuha niya sa atensiyon nito.


Humarap naman ito sa kaniya at ngumiti nang marahan.

Napatigil naman siya dahil doon. Totoo nga ang sinabi nang kaibigan. Maganda ito.

Pero syempre mas maganda siya. Walang makatitibag nang confidence niya no.


Madly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon