Chapter 14

2.7K 65 11
                                    

Chapter 14
________

Pagkarating nila sa lugar kung saan sila kakain ay hindi niya maiwasang magulat nang makita ang pangalan nang restaurant.

'La Qizteir'

Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang restaurant na pag-aari ni Wench.

Pinakatitigan niya ang lugar. Hindi niya maiwasang panlamigan at hindi niya alam kung tungkol ba saan ang kaba na nararamdaman niya. Sa lamig ba nang aircon o kung saan pa man.

Nakarating siya sa restaurant na pag-aari nang asawa nang hindi niya inaasahan.

Inilibot niya ang tingin sa kabuoan nang lugar at hindi niya maiwasang mamangha. Napakasosyal nitong tingnan. Kung papasadahan mo din nang tingin ang mga kumakain ay masasabi mong may mga kaya ito sa buhay. Tingin niya ay ang mga kagaya nitong restaurant ay para lamang sa mga mayayaman at angat sa buhay.

Napatingin siya sa katabing si Nico nang bigla nitong hawakan ang bewang niya at igiya siya paupo kung saan nakaupo na pala ang kapatid nito at si Mateo.

"This was our favorite restaurant. The food here was so delicious and I heard that even the owner was yummy."

Napatingin siya kay Nikky dahil sa sinabi nito. Bakas sa mukha nito ang tuwa at parang kinikilig pa. Hindi niya maiwasang matawa nang bumaling ang tingin niya kay Mateo na nakakunot na ang noo.

Alam niyang may gusto ito kay Nikky at ang sinabing iyon nang dalaga ang siyang ikinasama nang mood nito.

Hindi niya alam kung bakit hindi pa ito umaamin sa dalaga. Baka mamaya niyan ay maunahan pa ito nang kung sino.

Sabagay hindi din naman pala salita ang binata kaya naman duda siyang makakapagtapat ito nang damdamin.

Hinayaan niyang ang mga ito ang umorder nang pagkain nila. Tutal libre naman ni Nico kaya ito na ang pinag decide niya nang kakainin niya. Parang ayaw niya kasing buksan ang menu na nasa harapan dahil baka hindi niya kayanin ang presyo.

Ilang saglit pa ay dumating na ang order nila at nagsimula na silang kumain. Pamilyar sa kaniya ang pagkain na nasa harap. Nakain niya na ang mga ito dahil halos araw-araw namang may dala ang binata na pagkain galing sa restaurant nito.

Perks of having the owner of a well-known restaurant as your husband.

Hindi niya maiwasang kiligin.

Kung totoong mag-asawa lang talaga sila ay napakaswerte niya. Pero teka, totoong asawa nga pala niya ito pero ang kaso lang, hindi kagaya nang iba na nagmamahalan talaga kaya nagpakasal. Sila ni Wench ay naging mag-asawa lang dahil sa kontrata. Hindi niya nga alam kung anong dahilan kung bakit sila umabot sa kasal pero wala naman siyang magagawa. Hindi niya hawak ang takbo nang isip nang asawa.

"How are you and Eric?" napaangat siya nang tingin nang marinig ang tanong na iyon ni Nico. Tiningnan niya ito at nakita niya ang seryosong mukha nito habang nakatingin sa kapatid. Nalilitong tumitig siya sa binata nang lumipat ang tingin nito sa kaniya.

"It's Nikky's boyfriend." sagot nang binata.

Nagulat naman siya. Hindi niya alam na may boyfriend pala ito. Well, hindi malabo iyon dahil sobrang ganda nito. Ang nakakabigla lang ay ang malamang may boyfriend pala ito samantalang si Mateo ang halos araw-araw niyang nakikitang kasama nito.

"He's not my boyfriend anymore. He's just an ex now. I can't stand being in a relationship with a cheater!" gigil na ani nang dalaga.

Mukhang mali ata ang timing nang pagtanong ni Nico sa kapatid dahil halos madurog na nito ang pagkain sa plato dahil sa gigil.

Madly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon