Chapter 13

2.4K 51 0
                                    

Chapter 13
_______

"Hmm.."

Napamulat siya nang maramdaman ang braso ni Wench na pumalibot sa kaniyang katawan. Mahigpit siya nitong niyakap habang nakatalikod siya dito.

Hindi pa siya makatulog kahit na halos isang oras na ang nakalipas matapos may mangyari sa kanila nang asawa.

Hindi mawala sa isip niya ang narinig kanina. Hindi siya mapakali. Masyadong maraming katanungan ang nabubuo sa isip niya at pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa kaiisip.

Alam niyang hindi niya pa masyadong kilala ang asawa kahit pa sabihing ilang linggo na silang magkasama sa iisang bahay. Ni hindi naman talaga kasi sila nito nag-uusap.

Ramdam na ramdam niya ang pagiging fvck-buddy dito.

Hindi na bumalik ang mga ngiti nito kapag kausap siya. Malamig talaga itong makitungo.

Hindi niya alam kung galit ba ito sa kaniya o sadyang ganoon talaga ang ugali nito na hindi alam nang karamihan.

Ipinikit niya nang mariin ang mga mata nang maramdamang sumiksik sa kaniyang leeg ang mukha nang binata. Damang-dama niya ang hininga nito.

Sigurado siyang tulog na ito. Dahil kung gising pa ito hindi nito gagawin ang yakapin siya. Ginagawa lang naman nito ang yakapin siya nang mahigpit na tila ba ayaw siya nitong mawala kapag tulog na ito.

Pinipilit niya ang sariling makatulog. Ayaw niyang mapuyat dahil may pasok pa siya bukas. Siguro ay dapat niya munang kalimutan kung ano man ang narinig niya kanina. Kahit naman alam niyang attracted siya sa binata at aminado siyang nasaktan siya nang marinig na may tinawag itong babe sa cellphone nito ay hindi niya dapat kalimutan na para sa binata deal lang ang lahat nang ito. Hindi niya alam kung ano ang plano nito sa kaniya at kung bakit siya nito pinakasalan pero kung ano man ang dahilan nito. Dapat ay maging handa siya. Sa huli, siya lang din naman ang agrabyado. Siya lang naman ang masasaktan. Desisyon niya ang makipagkasundo dito kaya dapat matuto siyang panindigan.

Kahit para na lamang sa kapatid niya. Kahit para na lang dito.

Ilang minuto pa niyang pinakalma ang isipan bago siya gupuin nang antok.

Kinaumagahan ay maaga siyang nagising. Tulog pa ang asawa nang iwan niya ito sa kama. Mas inagahan niya talaga ang gising dahil may mga kailangan pa siyang ipasang requirement sa school niya. May mga aasikasuhin siya kasama ang mga kagrupo niya sa isang school activities. Kailangan niyang agahan dahil naghahabol din sila sa oras. Graduating na siya at medyo nahihirapan na siyang pag sabay-sabayin ang mga gawain.

Plano nilang tapusin lahat ngayong araw dahil bukas ay papasok na siya sa hospital kung saan siya mag oojt.

Nakakapagod pero sa totoo lang ay masaya siya. Nakakapag-aral siya nang walang pinoproblema. Naibibigay niya pa ang kung ano mang gustuhin nang kapatid.

Napatingin siya sa wallet mahawakan niya ito. Nasa loob lang pala ito nang bag niya. Kanina niya pa ito hinahanap. Binuksan niya ito at doon ay nakita niya ang Black card na ibinigay ni Wench sa kaniya isang linggo matapos niyang pirmahan ang kontrata nila.

Sinabi nito sa kaniya na kung sakaling may kailanganin siyang bilihin na kung ano ay pwede niya iyong gamitin. Alam niya milyon o baka sobra pa ang laman noon pero ipinagkatiwala pa rin ito sa kaniya nang asawa na siyang ipinagtaka niya.

Akala niya noong una ay ang ten million lang na pinag-usapan nila ang pera na makukuha niya dito. Sa katunayan ay naideposito na daw nito ang five milyon sa Bank account na ipinagawa nito para sa kaniya. Pero hindi niya pa iyon nagagalaw. Ni hindi niya pa iyon natitingnan man lamang.

Madly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon