Chapter 28

2.7K 62 2
                                    



Chapter 28
________





Ilang araw siyang parang wala sa tamang pag-iisip habang kasama ang asawa. Ni hindi niya na maiwasan ang mapagsalitaan ito nang masasakit na salita at maging ang mapagbuhatan ito nang kamay na sobrang pinagsisisihan niya.



Gusto niyang humingi nang tulong sa mga kaibigan pero ayaw niya namang istorbohin ang mga ito. May mga problema din itong iniisip at ayaw niyang makadagdag pa.

Pero hindi talaga tumitigil ang ama niya kahit pa binugbog niya na ito. Pati ang kabit nito ay nakisawsaw pa na siyang naging dahilan kung bakit siya gumawa nang desisyon na pagsisisihan niya pala habang buhay.




Pinilit niya ang sariling sumunod sa gusto nang ama. Nagawa niyang saktan ang asawa at ipagtabuyan ito para lang magawa ang plano niya.


Sinunod niya ang gusto nitong pakisamahan ang babae nito habang pinaplano ang lihim na pagpapalugmok sa mga ito.

Sinadya niyang saktan ang babaeng mahal niya para lang makalaya sa sakim niyang ama. Ginawa niya ang bagay na alam niyang pagsisisihan niya para lang makuha ang kalayaang gusto niya.

Pero natagalan siya. Inabot na siya nang ilang taon pero nahihirapan pa din siyang makawala sa ama. Sa ilang taon na pilit niyang paglayo sa asawa ay hindi niya na kinaya pa. Na kahit magmukha nanaman siyang masama sa mata nito ay lumapit nanaman siya at ginulo nanaman ang buhay nito.


Sa totoo lang, alam niyang duwag siya. Mahina siya. Hindi kayang pagtakpan nang yaman niya ang pagiging walang kwenta niyang asawa.

Duwag siya. Kung wala nga lang si Ysabelle ay baka matagal na siyang sumuko sa buhay niya.

Alam niyang hindi na siya nito matatanggap pa. Lalo na at nalaman niyang nawala ang sana'y bunga nang pagmamahal niya dito.

Pero hindi niya talaga kaya ang tuluyan itong bitawan. Para siyang mababaliw sa tuwing hindi niya ito nakikita. Sa dami nang umaaligid dito ay mas lalo siyang nangangamba.

Kaya naman kahit na sobra siyang nagdadalawang isip ay humingi na siya nang tulong sa iba niyang kaibigan. Humingi siya nang tulong kay Zues para mas mapadali ang pagpapabagsak sa kaniyang sariling ama.

Alam niyang ito ang makakatulong sa kaniya at hindi nga siya nagkamali. Hindi niya alam kung pano nito nagawa pero isang araw ay nagising na lamang ang ama niya na sirang-sira na ito sa lahat. Kumalat ang mga eskadalong ginawa nito. Pati na din ang ilang kasong rape na natanggap nito sa ilang menor de edad. Nakasuhan ito at wala nang pag-asa pang makalaya. Walang natira dito dahil nawala din ang mga connections nito. Si Clarissa naman ay hindi na nila pa nakita ulit. Bigla itong nawala, pero siniguro naman nang kaibigan niya na hindi na siya nito magugulo pa.


Dahil sa mga ito ay nakuha niya ang kalayaang matagal niya nang hinahangad. Kung hindi lang sana siya nagdalawang isip na humingi nang tulong sa mga ito ay baka hindi na sana sila umabot ni Ysabelle sa ganito. Sana ay masaya silang magkasama ngayon, at hindi sana ito namumunghi sa kaniya.


Aminado siya. Sa kanilang magkakaibigan siya ang mahina. Pilit niya mang ipakita sa lahat na ayos lang siya at masaya siya ay hindi maipagkakailang duwag siya at mahina.




Nabalik siya sa reyalidad nang tapikin siya sa balikat nang kaibigan.

"Come on Dude. Mapapatawad ka din nang asawa mo. Kapag sinabi mo sa kaniya ang side mo. Maiintindihan ka din niya. Tingin ko naman ay may natitira pang pagmamahal sayo ang asawa mo."

Madly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon