Chapter 18
_______"Are you okay?"
"Ha?"
Nabigla siya nang kunin ni Wench ang tinidor na hawak niya at ito na ang pumutol sa karne na nasa pinggan niya.
"You're spacing out. What's the matter? Don't you like the food? I can cook another dish if you want." napangiti na lamang siya dahil sa sinabi nito. Bakas sa mukha nito sng pag-aalala at pagtataka.
Siguro ay dahil sa hindi niya maiwasang matulala sa gitna nang pagkain nila. Pinilit niyang ngumiti dito nang matamis. Hindi niya mapigilang mag-isip nang kung ano-ano at hindi iyon nakakatulong ngayon. Ayaw niyang masira ang date nila nang asawa dahil lang sa pag-ooverthink.
"Ah.. Ayos lang ako. Iniisip ko lang kung may naiwan ba ako sa hospital pero mukhang wala naman." humalakhak pa siya para iparating dito na walang problema. Muntik pa siyang mapangiwi nang maisip na wala naman nakakatawa sa sinabi niya.
Ang sarap lang niyang batukan.
"I-ikaw ba ang nagluto nito? Ang sarap." ani niya para maiba lamang ang usapan.
Totoo naman na masarap ang mga pagkain. Ngayon niya lang iyon na appreciate matapos niyang matulala.
"Yes. I want to cook food for our date and gusto ko din makabawi sayo. For making you upset and for treating you bad lately. I'm sorry Ysabelle. I didn't mean to hurt you. I was not in my right mind that night and I hope you'll forgive me."
Hindi niya maiwasang mamula dahil sa sinabi nito at dahil na rin sa mga tingin nito sa kaniya. Ang pula pa nang mga labi nito na parang nang-aakit sa kaniya.
"Wala iyon. Kalimutan na lang natin iyon." ani niya dito. Napakagat labi pa siya para pigilan ang mga ngiti na gusto nang kumawala sa mga labi niya.
Napakarupok niya talaga pagdating dito. Maiinis at magagalit siya dito pero kaunting lambing lang nito ay para nanaman siyang aso na bigla na lamang umaamo dito.
Ganito siguro talaga pag mahal mo o baka naman siya lang talaga ang may hindi normal ang takbo nang isip.
Gumuhit sa mga labi nito ang isang ngiti at sa mga oras na iyon ay mukhang totoong ngiti ang ibinigay nito sa kaniya. Walang halong pagpapanggap sa kung ano man ang nararamdaman nito.
Naging maayos ang takbo nang buong gabi nila. Doon niya lang nalaman na madaldal pala talaga ito. Sa ilang oras na iyon ay nalaman niyang nag iisang anak lamang ito at wala na ang Mommy nito.
"Kamusta naman kayo nang Daddy mo? Siguro ay sobrang closed kayo dahil kayo na lang din naman ang magkasama." ani niya dito.
Tapos na silang kumain at kasalukyan na lamang umiinom nang wine na ni-serve kanina nang waiter na nag-aasikaso sa kanila.
Inilibot niya ang tingin sa paligid. Kumikinang na ata ang mga mata niya dahil sa ganda nang paligid. Ang alam niya sikat talaga ang Restaurant ni Wench. Dahil sa mga magazine na nababasa niya sa penthouse nang asawa ay nalaman niyang sikat pala talaga ito.
Marami siguro ang naghahabol dito ngayon.
Hindi niya maiwasang mapanguso sa naisip. Ibinaling niya na lang ang tingin sa asawang ngayon niya lang napansin na biglang nanahimik.
"What's with that face?"
"Ha?" naibalik niya ang tingin kay Wench nang magsalita ulit ito.
BINABASA MO ANG
Madly In Love
RomanceShe thought everything was just easy. It would be just a simple give and take situation. But she was wrong. She should have listened to one of the most used phrases she always heard, which was.. "Don't judged the book by its cover" Because now eve...