Chapter 16
_______Nakaupo siya sa isang Park malapit sa kinatitirikan nang condo ni Wench.
Kahapon nangyari ang sagutan nila pati na din ang walang pakundangang pananakit nito sa kaniya.
Hindi sila nagkibuan kaninang umaga. Wala muna siyang balak kausapin ito lalo na at hindi naman nito sinagot ang tanong niya.
Iniwan lamang siya nitong mag-isa sa sala habang umiiyak.
Napatingala siya sa langit.
Hindi ganito ang buhay na pinapangarap niya noong bata pa siya. Noon, tulad nang ibang bata ay pinangarap niya ang buo at masayang pamilya. Iyong mahal na mahal ka nang asawa mo at kahit kailan ay hindi ka pagbubuhatan nang kamay.
Pero iba din talaga ang reyalidad nang buhay. Hindi mo alam kung anong maaring mangyari sa buhay mo na magtutulak sayo ng gawin ang desisyong hindi mo alam kung saan patungo.
Mahal niya si Wench. Inamin niya na iyon sa sarili niya. At sa nangyari kagabi sobra siyang nasaktan. Masakit malaman na ang mahal mo ay may mahal na iba pero mas lalong masakit sa damdamin na kaya ka nitong saktan nang pisikal dahil sa galit nito.
Hindi niya maiwasang isipin ang babaeng mahal nito. Kamusta kaya ang trato dito ni Wench? Ano kayang pakiramdam nito sa kaalamang mahal ito nang lalake?
Naiinggit siya dito kahit pa hindi niya pa ito nakikita. Dahil siguro kung kaya lamang nitong magkaanak at bigyan nang kompletong pamilya si Wench ay maaaring hindi siya naging arte nang buhay nito.
Baka ngayon ay patuloy niya pa ding ginagapang ang pag-aaral niya at nang kapatid niya. Baka laman pa din siya nang mga mamahaling Bar at kung sino-sino ang kinakapitan.
Baka hindi din siya nasasaktan ngayon.
"Bakit naman mag-isa at umiiyak ang isang napakagandang dilag dito sa Park?"
Napalingon siya sa nagsalita at kumunot ang noo niya. Pilit na inaalala kung saan ito nakita.
"Aray naman. Base sa tingin mo ay hindi mo matandaan ang gwapong katulad ko. Sobrang dali ko bang makalimutan? Ni hindi mo man lang ako nagawang tawagan. Siguro naman napalitan mo na ang cellphone mo."
"Alex?" tumango ito.
Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ito. Ito iyong dahilan kung bakit tuluyan nang nasira ang cellphone niya.
"The one and only!" ngumisi ito sa kaniya.
"Anong ginagawa mo dito?" umiwas siya nang tingin dito at pasimpleng pinunasan ang basa niyang pisngi.
"Nakita ko na iyan. Wag mo nang itago."
Inabot nito sa kaniya ang isang asul na panyo. Wala sana siyang balak na kunin iyon pero kinuha nito ang kamay niya at ito na mismo ang naglagay nang panyo sa kaniyang kamay.
"Punasan mo iyan. Hindi bagay saiyo ang umiyak. Ang dugyot mong tingnan." tiningnan niya ito nang matalim at pinunasan ang basang pisngi. Parang umatras at ang iyak niya dahil sa pambubuska nito.
"Ano bang ginagawa mo kasi dito?" asar na tanong niya dito.
Nakita nang nagi-emote siya eh.
"Nagjogging kasi ako tapos balak ko lang sanang magpahinga kaya lang may narinig akong parang biik kung hunagulhol. Ang sakit sa tenga kaya naisipan kong lapitan. Nakakahiya naman sa ibang makakarinig kung hindi iyon titigil."
Inirapan niya ito at nilinga ang tingin sa paligid. Wala namang gaanong tao ah. Kaya nga dito siya pumunta kasi alam niyang walang makakakita.
"Napakasama mo." napanguso siya at inirapan ito.
"Mas masama pa din kung sino man ang dahilan nang pag-iyak mo."
Natigilan siya sa sinabi nito at naalala nanaman ang dahilan nang pag-iyak niya. Binalingan niya ito nang tingin at tinitigan.
"Bakit ganyan ka makatingin? Wag mong sabihing na love at second sight ka saakin?" tumaas-baba pa ang kilay nito habang nagbibirong nakatingin sa kaniya.
Imbis na matawa ay pinakatitigan niya pa ito nang mariin. Unti-unti namang sumeryoso ang tingin nito sa kaniya.
"May tanong ako.." iniiwas niya ang tingin dito at tumingin sa asul na panyong hawak niya. "K-kaya mo bang manggamit nang ibang tao para lang makuha kung ano ang gusto mo?"
Napahinga siya nang malalim pagkatapos itanong iyon sa binata. Gusto niyang humingi nang opinyon galing sa iba.
Sa sitwasyon kasi nila ni Wench halata naman na pareho silang nagagamitan. Siya para makaahon sa hirap at ito naman para kung ano man na kagustuhan nito.
Nakakatawa lang. Ngayon niya lang narealized na may karma pala lahat nang pinag-gagawa niya sa buhay.
Iyong paggamit at pagloko niya nang ibang tao para lang makaahon sa kahirapang kinasasadlakan niya.
Ngayon alam na alam niya na ang pakiramdam na ginagamit. Sobrang sakit pala lalo na kung iyong taong mahal mo ang gumagamit sayo.
"Hindi naman maiiwasan iyan. Mayroon tayong iba't ibang dahilan. Minsan kapag gusto mong makuha ang isang bagay o ano pa man, hindi maiiwasang manggamit ka nang ibang tao. Basta dapat alam mo kung paano paninindigan ang mga desisyon mo." natigilan siya sa sinabi nito. Seryoso ang mukha nito.
Tama, desisyon niya ito. Kung ano man ang kinalabasan dapat panindigan niya. Wala namang ibang may kasalanan kung hindi siya.
Tinapik nito ang balikat niya.
"Gusto mo ng Ice-cream? Bibili ako, pero utang mo ha?" napasimangot siya sa sinabi nito. Matutuwa na sana siya dahil halatang pinapagaan nito ang loob niya pero hindi niya talaga maiiwasang mainis dito.
Pagbayarin daw ba siya. Na kita na ngang nagi-emote eh.
Wala na siyang nagawa nang tumakbo ito at tinawag ang lumalako ng dirty Ice-cream.
Gusto niya din naman iyon eh. Nakakapagaan iyon nang kalooban niya.
Ilang minuto pa ay inabot na nito iyon sa kaniya. Nagkwentuhan na lang sila sa kung ano-anong mga bagay at mas nakilala niya ito dahil sa kakulitan nito. Para siyang biglang nagkaroon nang nakatatandang kapatid.
Makalipas ang Ilang minuto ay nagpasya na siyang bumalik sa condo. Sumabay na rin ito sa kaniya dahil pareho lang din naman ang tirahan nila.
"Basta wag mo nang kalimutang tawagan ako ah? Lalo na kapag namimiss mo na ang kagwapohan ko. Alam ko naman crush mo ako eh." hinampas niya ito sa dibdib dahil sa sinabi nito.
Napaka assuming talaga.
Natatawang lumabas na ito nang elevator kaya naman kumaway na lang siya dito.
Nasa pinakataas kasi sila ni Wench kaya nauna na ito.
Napatingin siya sa relo, malapit nang umuwi si Wench. Kahit na may samaan sila nang loob ay hindi niya ito pwedeng pabayaan na lang. Kagaya nga nang sinabi niya kanina.
Pinasok niya ang desisyong ito. Dapat ay panindigan niya.
BINABASA MO ANG
Madly In Love
RomanceShe thought everything was just easy. It would be just a simple give and take situation. But she was wrong. She should have listened to one of the most used phrases she always heard, which was.. "Don't judged the book by its cover" Because now eve...