Epilogue

4.8K 123 11
                                    



Epilogue
______






"Darn! Till now I still can't move on. Biruin niyo, Kennedy fainted when his wife gave birth to the Twins! Dinaig niya pa iyong nanganak."

Napasimagot siya at tiningnan nang matalim si Zero. It's been two years yet hindi pa din nito makalimutan ang nangyari noon sa hospital nang manganak ang asawa niya.

"That's his karma for making fun of me when I was changing the lampin of my daughter." ngisi ni Blake na ikinabaling nang tingin niya dito.

"Oh nagsasalita pala ang under nang asawa?" ani niya dito na siyang ikinakunot nang noo nito.

"Hindi ako under ni Jam. Sadyang mabait lang talaga ako kaya pinagbibigyan ko lahat nang gusto niya." pagtatanggol nito sa sarili na ikinatawa lang nila.


"Oh Jam! Anong ginagawa mo dito?" ngumisi si Phoenix nang bigla na lamang tumayo si Blake at nagkukumahog na bumaling sa direksiyon na tiningnan kanina ni Phoenix.

Lalo silang nagtawanan nang makitang wala naman doon si Jam. Inis na binato ni Blake si Phoenix nang ballpen na nasalo naman nito.

"Gago ka pre! Baka gusto mong isumbong kita kay Xiarra. Para naman mapatunayan kong hindi lang ako ang under nang asawa dito!" gigil na ani nito.


"So under ka nga" napahagalpak siya nang tawa nang sabihin iyon ni Zues.

Inis na naupo na lang ulit si Blake sa upuan nito at uminom nang kape.


Kasalukuyan silang nasa office niya sa loob nang restaurant niya. Bigla na lang kasing nang istorbo ang mga ito sa kaniya kanina.


"Mga gago kayo. Lahat naman din kayo sunod-sunuran sa mga asawa at girlfriend niyo!"


"I don't have a girlfriend" ani ni Zues dito.


"Wala nga pero may binabakuran." pasaring dito ni Zach.


"She's my sister so it's not a big deal."


"Parang ganyan lang din yan nang kay Phoenix eh" ani niya


"Shut up! I'm not in love with her." malamig na ani nito.


"Sabi mo eh."


"I'll go now." tumayo si Zues at dumiretso na palabas.



"Pikon talaga ang isang iyon." ani ni Zach na ikinailing na lang nila.

"Alis na din ako. Susunduin ko pa si Hellena." tumango sila kay Zero.


"Sige na umalis na kayo gagawan ko pa ang asawa ko nang Mango Cake." pagtataboy niya sa mga ito.


"Grabe Dude ang bangis mo. Binuntis mo nanaman ang asawa mo. Mamaya niya triplets na iyan ha. Hinay-hinay lang." ani ni Zeydon na ikinangisi niya.

"Mas maganda nga kung triplets na eh. Para mabilis makabuo nang isang dosena."

Nagsiilingan ang mga ito bago nagsilabasan.

Nang siya na lang mag-isa ay agad niyang kinuha ang phone niya na nakapatong sa mesa at tinawagan ang asawa.

"Oh ano nanaman?" ang sarap talagang pakinggan nang boses nito kahit na araw-araw ay patapang na ito nang patapang.

Medyo masakit pa nga ang likod niya dahil sa pagtadyak nito sa kaniya nang isang araw. Mali kasi ang nabili niyang brand nang ice cream kaya muntik na tuloy siyang mabalian nang buto.

Grabe. Siguro ay lalake naman ngayon ang mga magiging anak niya kaya ganito ito ngayon kasadista.

"Hindi mo ba ako namiss Sweet? Kasi ako namiss kita" malambing na ani niya dito.

"Hindi. Bakit naman kita mamimiss eh dalawang oras ka pa lang naman wala dito sa bahay. At isa pa, wala ka nang ibang ginawa kung hindi ang tawagan ako. Magtrabaho ka nga diyan at uwian ko ako nang dalawang Mango Cake. Gusto ko may bagoong na toppings sa ibabaw."

"Ha? Sigurado ka bang iyon ang gusto mo Sweet?" The heck?! Bagoong na toppings sa ibabaw nang Mango Cake?

"Oo, bakit? May reklamo ka?" sigaw nito sa kabilang linya.

"A-ah wala naman Sweet. Sabi ko nga igagawa kita kahit lima pa."

"Oh sige lima ha? Bilisan mo uwi ka na agad pagkatapos mo gumawa. I love you. Bye." pinutol na nito ang tawag bago pa siya makasagot.

Natawa siya nang mahina. Tama nga si Blake mukhang lahat ata sila nagiging under.

Pero ayos lang. Handa naman siyang magpaka alipin sa asawa niya eh.

Inasikaso niya na agad ang paggawa nang Cake na gusto nito. Kahit na medyo hindi niya gusto ang amoy nang bagoong eh tiniis niya na lang. Gumawa na din siya nang strawberry cake para sa kambal. Halos ilang oras niya din iyong pinagkaabalahan at nang matapos ay bumalik siya para pumirma nang ilang papeles bago nagpasyang umuwi na kahit na one pa lang naman nang hapon.


________




"Dada!" sinalubong siya nang kambal na anak pagkauwi niya. Nasa likod naman nito ang asawang nakasimangot.

"Ang kukulit nang mga anak mo Wench Kennedy. Manang-mana sayo."

"Sayo ata sila nagmana Sweet."

Kumunot ang noo nito at matalim siyang tiningnan.

"Sinasabi mo bang makulit ako nang bata pa ako ha?" Natawa siya sa reaksiyon nito at lumapit dito. Pinalibot niya ang braso sa bewang nito at hinalikan ito sa labi.

"Wag nang sumimangot. Ginawan na kita nang Mango Cake na may toppings na Bagoong at pagmamahal. Halika na at susubuan kita."

Nawala ang pagkasimangot nito at ngumiti sa kaniya.


"The best ka talaga Sweetheart. Sige halika na. Takam na takam na ako sa Mango Cake mo." kumikislap pa ang mga mata nito.

"Eh sa Mango ko, hindi ka ba natatakam?"

Napasigaw siya nang bigla nitong kurutin ang tagiliran niya. Sadista talaga.


Buti na lang talaga at mahal niya ito.



Pumunta na sila nang kusina at sinubuan niya na ito. Medyo hassle nga lang dahil ang dalawang bulinggit niyang anak ay nakaupo sa dalawang hita niya at sinusubuan niya naman nang strawberry cake.

Mukhang magiging alila nga talaga siya nang tatlong babaeng ito sa buhay niya.

Pero ayos lang. Wala namang kapantay ang sayang naibibigay nang mga ito sa kaniya. Buong buhay niya ay ngayon lang siya naging masaya nang lubos at dahil iyon sa babaeng nasa harapan niya.


Hindi niya alam kung paano siya kung hindi siya nito pinatawad o kaya ay kung hindi niya ito nakilala. Siguro ay walang naging magandang direksiyon ang buhay niya.


Tinitigan niya ang asawa na busy sa pagkain nang Mango Cake na isinubo niya dito. Mula sa pagtitig nito sa bagoong ay umangat ang tingin nito sa kaniya. Ang ganda talaga nito. He's indeed lucky to have her.






"I love you Ysabelle." he mouthed.


Ngumiti ito sa kaniya nang matamis bago siya sinagot.

"I love you too Wench"







END








A/N: Hello Cuties
Another story done nanaman. Super slow update ako now. Anywaysss thank you so much for supporting my stories. Maga-update na dapat sana ako last year pa pero nawala iyong mga sinulat ko. Nakaka frustrate. Gusto ko kasi isahan na lang ang pag update sa book na ito para hindi na bitin. Though hindi ko alam kung goods ba ang kinalabasan kasi like I'm always telling you guys hindi ko na binabasa ang story ko once I'm done. Kaya for sure maraming mga errors. Well thankyou pa din for the appreciation. Labyu💖

Madly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon