Chapter 25

2.9K 80 3
                                    



Chapter 25
_______






Inis na Inis siya kay Wench dahil talagang may pagka sira-ulo ito. Matapos kasi ang pag-grocery nila at kaunting pamamasyal sa mall kung saan talagang ipinahiwatig nitong mabubuntis siya ay talagang sinagad na nito ang pang-iinis sa kaniya dahil hindi na ito umalis nang condo niya.


Matapos ang photoshoot niya two weeks ago ay umuwi na lamang siyang nasa sala niya na naghihintay ito at nasa kwarto niya na ang mga damit nito.

Gustuhin niya man itong paalisin ay talagang matigas ang ulo nito. Sinabi nitong either ito ang uuwi sa condo niya o siya ang iuuwi nito sa bahay nito.

Ano ba namang choice ang magagawa niya eh pareho namang hindi pabor sa kaniya. Oo nga at hindi na siya nananaginip nang masama pero ang makatabi naman ito ay sobra pa sa masama para sa kaniya.

Hindi niya alam kung totoo ba ito sa pagbabago nito lalo na at ibang-iba ang pakikitungo nito sa kaniya kesa noon.

Ngayon ay masyado na itong clingy at sobrang maasikaso na sa kaniya.

Halos nga wala na siyang ginagawa sa sarili niyang condo dahil ito na ang gumagawa.

Aaminin niyang minsan ay gusto niya nang maniwala sa sobrang sweetness na ipinapakita nito. Pero hindi siya pwedeng magpadala. Sobrang sakit ang idinulot nito sa kaniya tapos patatawarin niya ito nang ganoon na lang?

Parang noong nakaraan lang eh pinapangalandakan nitong girlfriend nito si Clarissa tapos ngayon nagpapaka asawa ito sa kaniya? Matagal na silang hiwalay. At kahit pa sabihing asawa niya pa ito, para sa kaniya ay sa papel na lamang iyon.


Dapat nga tahimik na ang buhay niya ngayon, kung hindi lang siya nito ginugulo. Hindi niya Alan kung hanggang ngayon ay hindi pa ba ito tapos sa paggagamit sa kaniya. Nawalan sila nang anak at para sa kaniya ay kasalanan din nito iyon. Hinding hindi niya na ata ito mapapatawad kahit na ano pa ang gawin nito.


"I'm going now. Pupunta lang ako sa restaurant. Uuwi din ako nang maaga, I'll cook our dinner later."ani nito sa kaniya habang inaayos nito ang suot nito.


Iritang tiningnan niya ito.

"Mas okay nga kung hindi ka na babalik dito sa condo ko eh. Nakakasuka lang ang pagmumukha mo. Sinisira nang presensya mo ang araw ko." walang habas na ani niya dito.


Nakita niya pa ang pagdaan nang sakit sa mga mata nito pero saglit lang iyon dahil agad din naman itong ngumiti sa kaniya.

"Baka pinaglilihian mo na ako. Masyado pa namang maaga pero ayos lang basta kamukha ko ang magiging baby natin."


Napahalakhak siya dahil sa sinabi nito. Ang lakas naman talaga nang tama nito sa utak.

"Dream on Wench. Kung magkaka baby man ulit ako. Sisiguraduhin kong hindi ikaw ang magiging ama niya. Napakamalas naman nang magiging anak ko kung ikaw ang magiging daddy niya. Isa pa, ngayon ko lang na-realized na tama lang pala na Wench ang ipinangalan sayo nang ama mo, dahil putangina mo!"

Tumayo na siya mula sa pagkaka upo sa sofa. Babalik na lang siya sa kwarto niya. Matutulog na lang siya dahil wala naman siyang gagawin ngayong araw.

"Alam kong kinamumuhian mo ako Ysabelle. Alam kong sobrang sakit nang ginawa ko sayo at hindi mo na ako matanggap pa sa buhay mo. Pero can you spare my name? Dahil sayo ay nagustuhan ko ang pangalan ko. Kahit na halos bangungot na iyon saakin. Please can you please love even just my name.." mahinang sambit nito na narinig din naman niya.

Madly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon