Chapter 22

2.5K 61 3
                                    




Chapter 22
_______




Matapos ang photoshoot niya ay agad siyang nag-ayos para umalis. Maga-gabi na natapos ang shoot niya at niyaya siya nang mga kaibigan niyang uminom sa isang kilalang bar na madalas din nilang iniinuman noon.


Sumabay na lamang siya kay Nico papunta nang bar dahil pareho lang din naman sila nang pupuntahan. Kasama ito sa circle of friends niya. Hindi lang nila kasama ang kakambal nitong si Nikky dahil nasa ibang bansa na ito nakatira at buntis ito sa ikatlong anak nila ni Mateo.

Hindi niya inakalang ang mag bestfriend noon ay magiging mag-asawa na ngayon. Naunahan pa nang mga ito si Nico.

Noon ang akala niyang mauuna pa si Nico kesa sa mga ito dahil masyado itong loyal noon sa girlfriend nito. Pero nang maghiwalay ang mga ito ay naiba na ang pangyayari. Lalo na at nalaman niyang may gusto pala talaga sa kaniya ito.

Naging maliit din ang mundo nila lalo na nang malaman niyang pag-aari nga nang mga ito ang company na pinagtatrabahuan niya.

"Do you want to eat first?" napatingin siya kay Nico nang bigla itong itong magsalita matapos nitong paandarin ang sasakyan.

"Wag na Nics, may pagkain naman na siniserve doon sa bar. Doon na lang tayo kumain hang hinihintay natin sina Hannah." ngumiti naman ito at tumango sa kaniya.

Kung tutuusin ay okay naman si Nico. Mabait ito, gentleman at gwapo. Pero kahit gaano nila katagal magkasama at kahit anong bait nito ay talagang hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay para dito.

Tumingin-tingin lang siya sa dinadaanan nila nang biglang binuksan nito ang stereo. Mukhang nab-bored din ito sa katahimikan na nakapagitan sa kanilang dalawa.




Hey, this is a story I hate
And telling it might make me break
But I'll tell it anyway

This chapter's about
How you said there was nobody else
Then you got up and went to her house
You guys always left me out

I still have the letter you wrote
When you told me that I was the only girl
You'd ever want in your life
I guess my friends were right

Each day goes by and each night, I cry
Somebody saw you with her last night
You gave me your word, "Don't worry 'bout her"
You might love her now, but you loved me first
Said you'd never hurt me, but here we are
Oh, you swore on every star
How could you be so reckless with my heart?



Narinig niya na itong kantang ito. Masyado itong malungkot pero para sa kaniya ay medyo relaxing din ito.

Bagay na bagay ito sa mga nagsisenti or iyong mga taong feeling broken.

You check in and out
Of my heart like a hotel
And she must be perfect, oh well
I hope you both go to hell
I still have the letter you wrote
When you told me that I was the only girl
You'd ever want in your life
I guess my friends were right

Each day goes by and each night, I cry
Somebody saw you with her last night
You gave me your word, "Don't worry 'bout her"
You might love her now, but you loved me first
Said you'd never hurt me, but here we are (here we are)
Oh, you swore on every star
How could you be so reckless with my heart? (Heart)
How could you be so reckless?
How could you be so reckless?



"Nakikinig ka din pala nang ganyang kanta?" tanong niya dito na ikinatango naman nito at ngumiti nang matipid sa kaniya.

"For me it's relaxing, even though you can feel the pain of the person who was singing it. I'm weird right?" tawa nito at sumulyap sa kaniya.

"Hindi naman, actually pareho nga tayo eh." tugon niya dito.

"So pareho pala tayong weird? Mukhang bagay talaga tayo."

Natawa siya sa banat nito. Gumagaling na ito sa mga ganyan ah.



Magsasalita na sana ulit siya nang marinig niya ang pag ring nang phone niya. Nabaling ang tingin niya kay Nico na mukhang narinig din iyon kaya dali-dali nitong pinatay ang music at nginitian siya.

Kinuha niya ang cellphone sa bag niya para tingnan.

Sino naman kaya ang tatawag sa kaniya? Baka ang mga kaibigan lang nilang atat sa inuman. Napailing nalang siya at tiningnan iyon.

Nangunot ang noo niya nang rumihistro ang pangalan ni Wench sa kaniyang caller. Ano nanaman nang kailangan nang gagong ito? Balak nanaman ba nitong sirain ang gabi niya?


Ayaw niya na sanang sagutin iyon at patayin na lang pero baka magtaka at magtanong pa si Nico tungkol doon.


Kaya kahit medyo na badtrip siya kay Wench ay sinagot niya pa din iyon.


"Hello?"

Hindi niya mapigilan ang medyo painis itong kausapin. Sana lang ay hindi iyon napansin nang katabi.


"Hello po Ma'am? Kayo po ba si Ysabelle?"

Nangunot ang noo niya nang ibang boses ang narinig. Tiningnan niya pa kung kay Wench nga ang number at ng makumpirmang sa lalaki nga ito ay mas lalo siyang nagtaka.


"Yes ako nga. What happened? Nabangga ba siya? Saang hospital siya isinugod?"

Kinakabahang tanong niya dito. Usually kapag may ibang tumawag sayo gamit ang cellphone nang kakilala mo. Madalas ay dahil iyon sa naaksidente ito diba? Iyon ang nababasa niya sa mga libro eh.


Ano bang pinaggagawa nito sa buhay? Alam niya na ilang beses niya nang hinihiling na mawala na ito. Pero ngayon na iniisip niyang maaring mamatay na nga ito ay hindi niya maipaliwag ang kabang nararamdaman. Para siyang maiiyak.


"A-ah Ma'am hindi po si Sir naaksidente. Nandito po kasi siya sa bar at simula pa po kanina ay umiinom na siya. Kaya ngayon po ay tulog na si Sir dito sa bar dahil sa sobrang kalasingan. Eh wala naman po akong ibang matawagan kung hindi kayo. Ikaw po ata ang asawa ni Sir base po sa nakalagay dito na 'wife'."


Agad siyang napahawak sa ulo niya na pakiramdam niya ay sumakit bigla. Akala niya kung ano na ang nangyari tapos lasing lang pala ito.

"Wala ba kayong ibang matawagan sa contacts niya Kuya? Baka naman may pangalan diyan Clarissa o kaya Babe. Iyon na lang po ang tawagan niyo." Inis na ani niya. Iistorbohin pa siya nang walanghiyang iyon.


Ano bang iniisip nito at nagpakalasing ito. Wala na ba talagang matinong pumapasok sa utak nito.

"Eh Ma'am kayo lang naman po ang nakarehisto na numero dito na babae. Tyaka pangalan niyo po ang paulit-ulit na binabanggit ni Sir kahit na halos tulog na po siya. Noong hiningi ko po ang address niya eh ibinigay lang po niya ang phone niya at sabi ay tawagan ko daw po ang asawa niya. Pagkatapos po nun ay nakatulog na si Sir."





Napahawak na siya sa batok dahil sa inis. Bumaling siya kay Nico na sumulyap naman sa kaniya na mukhang nagtataka na.










Madly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon