Chapter 26
________Pagkabangon niya kinaumagahan ay agad siya napatakbo sa banyo nang maramdamang hinahalukay ang tiyan niya.
Napahawak siya sa pader nang maramdaman ang panghihina, nahihilo pa siya.
Napaigtad siya nang maramdaman ang presensya ni Wench sa kaniyang likod. Hinawakan nito ang mahaba niyang buhok at tinirintas na lagi nitong ginagawa sa tuwing naaabutan siya nito sa banyo matapos magsuka.
"Wala ka ba talagang balak sabihin saakin na buntis ka?"
Napatigil siya sa pagpupunas nang bibig at agad na binalingan ito. Magulo ang buhok nito at walang suot na Tee-shirt. Malamlam lang itong nakatingin sa kaniya. Halatang kagigising lang. Siguro'y naistorbo niya ito kanina.
"Ano bang pinagsasabi mo?" kinunotan niya ito nang noo bago nilampasan at kinuha ang toothbrush niya.
"I know that your pregnant Ysabelle. You can't hide it from me." matigas na sambit nito na ikinaingos niya.
"Ano bang pakialam mo kung buntis nga ako? At hindi ko ito tinatago sayo. Wala lang talaga akong balak na sabihin sayo. Bakit? Sino ka ba?"
Naging madilim ang titig nito sa kaniya na ikinaatras niya.
"I deserve to know it Ysabelle. I'm the father of that child that you are carrying."
"Eh ang maging ama ba nang magiging anak ko. Deserve mo?"
Nakita niya ang pagdaan nang sakit sa mata nito.
"I know I don't deserve to be a father but I'm willing to do everything for me to be deserving so please.. Don't question my capability." huminga ito nang malalim bago tumalikod sa kaniya.
"I'll prepare our breakfast now. Change your clothes, pupunta tayo nang hospital."
Napabuntong hininga na lang siya at hindi na nakipagtalo pa.
Wala din namang mangyayari kung makikipagtalo siya. Lalo lang sasakit ang ulo niya.
Matapos nga nilang kumain nang breakfast ay dumiretso na sila nang hospital para magpa check up. Pamilyar pa sa kaniya ang hospital na ponuntahan nila dahil isa ito sa pinaka malaking hospital. Agaw pansin din kasi ang 'Falcon' na nakasulat sa itaas.
"They are healthy, we just have to wait for few more months if you want to know the gender of the babies. Congratulations in advance, you have twins."
Hindi niya napigilang mapaluha sa nalaman. Kambal. They have twins and she's so happy for that.
Nakita naman niya sa reaction ni Wench na tuwang-tuwa ito sa nalaman. Nakita niya pa ang pasimple nitong pagpunas nang luha. Parang may humaplos sa kaniyang dibdib sa nakikitang tuwa nito.
"Ang galing ko Doctora. Fin, Kambal agad. Ginalingan ko iyan." imbes na matawa sa sinabi nito ay iniiwas niya na lang ang tingin dito.
"Congratulations again Mr. And Mrs. Sandoval. Just make sure na iiwas si Misis sa stress and bawasan ang sugar intake. Always drink milk and vitamins also."
Ngumiti siya dito at nagpasalamat. Ganoon din ang ginawa ni Wench bago siya nito inalalayang maglakad palabas.
"Hindi mo naman ako kailangang alalayan Wench. I'm not disabled." ani niya habang naglalakad sila sa hallway. Ngumiti lang ito sa kaniya at hindi pinansin ang pilit niyang pagtanggal sa kamay nito na nakahawak sa braso niya. Nagmumukha talaga siyang baldado sa ginagawa nito.
"I know that you don't need me, that you can handle yourself. But please let me do this. I want to take care of you and our twins." ani nito na ikinatigil niya sa paglalakad.
Tiningnan niya ito nang hindi makapaniwala.
"Bakit?" tanong niya dito. "Kaya ka ba biglang nagkaroon nang pake sa akin at bigla mong isiniksiksik yang sarili mo saakin ay dahil alam mong mabubuntis ako? Seriously Wench! What do you freaking want? Mukha namang wala kang balak na sabihin nanaman saakin na ipa-abort ang pinagbubuntis ko. So anong kailangan mo? Balak mo bang kunin saakin ang mga anak ko? Hindi pa din ba kayo makabuo nang sarili niyong pamilya ni Clarissa kaya ginugulo mo pa rin ako?! Pwes para sabihin ko sayo. Saakin lang ang mga anak ko at magkamatayan na, hinding hindi ko sila ibibigay sayo!" gigil at madiin niyang ani dito.
Wala na siyang pakialam sa mga dumadaan at narinig ang sinabi niya. Sumabog na siya sa sobrang inis na nararamdaman. Ipinangako niya sa sariling hindi na ulit magpapadala dito at gagawin niya ang lahat para panindigan iyon.
"Iyan ba talaga ang tingin mo saakin? That I only want the twins? That I want to take them away so that I can build my own family with Clarissa? Sobrang sama ko na ba talaga sa tingin mo?" umiwas ito nang tingin sa kaniya. Kita niya ang pamumula nang mga mata nito.
"Siguro nga sobrang sama kong tao. Na kahit anong gawin ko, mahirap nang paniwalaan na handa akong magbago." he chuckled and looked at her intently. Nagitla siya nang bigla itong lumuhod sa harap niya. "But I love you Ysabelle. I know I did unforgiving sins in the past, but I'm willing to work hard to gain your trust and love again. I'm such an asshole for asking this but please, let me. Let me take care of you this time. Let me be the one to love you. I'm willing to kneel in front of you everyday, I'm willing to do everything just please marry me again, this time without any deal. Let me be a father to our sons and the best husband for you."
Umiiyak na ito sa harapan niya. Walang pakialam sa mga taong nakatingin at nakikinig sa kanila.
Dinig na dinig niya ang hagulhol nito. Para itong bata na umiiyak sa harapan niya, nagmamakaawa na patawarin niya.
Nangilid ang luha sa mga mata niya habang tinitingnan ito.
Napabuntong hininga siya.
"Hayaan mo akong mag-isip muna Wench. Give me some space to think. For now, hindi pa talaga ako handang patawarin ka. Kung talagang seryoso ka sa mga sinasabi mo. Then patunayan mo. Ayoko nang puro mga salita lang."
Tinalikuran niya ito at tinahak ang daan palabas nang hospital. Iniwan niya itong nakaluhod sa gitna nang hallway.
Sa mga taon na lumipas, madami siyang natutunan. Isa na doon ang wag magpadalos-dalos sa mga desisyon.
Oo at alam niyang ama pa rin ito nang mga pinagbubuntis niya at kailangan ito nang mga magiging anak niya. Pero hindi iyon ganoon kadali.
Nawalan siya nang anak. Ilang taon siyang nagdusa sa sakit nang pagluluksa. Kaya hindi madali para sa kaniya ang magpatawad.
Hindi pa ngayon.
BINABASA MO ANG
Madly In Love
RomanceShe thought everything was just easy. It would be just a simple give and take situation. But she was wrong. She should have listened to one of the most used phrases she always heard, which was.. "Don't judged the book by its cover" Because now eve...