Chapter 10

2.7K 59 2
                                    


Chapter 10
________


"Sobra naman ata ito." reklamo niya sa binata. Hindi niya pa man nababasa ang kabuoan nang rules na sinasabi nito ay sumasakit na ang ulo niya.

Hirap na nga siya sa dami nang kailangan niyang tandaan sa school nila dahil sa kursong kinuha niya tapos ngayon ay mukhang kailangan niya pang imemorya lahat nang nakasulat dito? Anong akala nito sa kaniya genius?

Hindi pa ata nito nari-realised na ganda lang ang meron siya.

Hindi naman siya talagang bobo, nabibilang nga lang siya doon sa mga tipo nang tao na sobrang tamad mag-aral. Sa sobrang tamad mag-isip hindi na lang ginagawa. Ganoon siya eh.

Sumeryoso ang mukha nang binata habang nakatingin sa kaniya na siyang ikinakaba niya. Hindi niya alam pero bigla siyang kinilabutan sa klase nang tingin na iginagawad nito sa kaniya.

"I list down there all of the things that you have to do during the existence of our deal. You have to obey all of those rules so we wouldn't have any problem at all." mariing ani nito sa kaniya. Wala na sa mukha nito ang matatamis na ngiting nakita niya nang una niya itong makilala. Sa halip ay napalitan ito nang nakakapanindig balahibong ngisi. Samahan pa nang malamig nitong boses na siyang ikinapagtaka niya.

Ganoon pa man ay hindi niya pinahalatang kinakabahan siya.

"Bakit kailangan pa nito? I-I mean pwede namang kaunti lang diba? Hindi naman siguro magtatagal ang deal natin eh."

"Didn't I tell you that I want you here by my side for as long as I want?"

"Oo, sinabi mo nga iyon pero ilang buwan lang naman ata. Sa tingin ko naman sa mga kagaya niyong mayayaman madali lang naman kayong magsawa." hindi niya na napigilang maging sarkastiko. Naiinis na siya sa inaasta at pinagsasasabi nito sa kaniya.

Alam niyang katawan lang niya ang gusto nito. Handa itong magbayad nang ilang milyon kapalit ang puri niya. Wala nga pala talaga itong ipinagkaiba sa mga lalaking nakilala niya. Mas marami nga lang itong pera kumpara sa mga taong iyon na handa nitong sayangin.

"I'll give you a few minutes to read all of those words that I've indicated there. I know that you still have many questions in your mind but I'll answer it later." tanging ani lamang nito bago tumayo at pumunta sa nag iisang kama na naroon. Nakita niyang ipinikit nito ang mga mata. Pinagmasdan niya ito habang nakapikit. Sobrang gwapo talaga nito. Dinaig pa ata nito ang mga kilalang artista sa bansa.

Hindi na siya magtataka na maraming naghahabol dito. Sadyang hindi niya lang talaga maintindihan kung bakit kailangan pa nitong kumuha nang babaeng kagaya niya na babayaran nito kung sa totoo lang ay kayang-kaya naman nitong kumuha nang mga babaeng gusto nito nang walang ginagastos. For a man who was handsome like him. Women are dying to have a piece of him. Hindi pa man ang binata nag uutos nang kung ano ay nakahubad na agad ang mga kababaihan sa harapan nito. Pero siyempre hindi siya kadamay doon. Oo nga at attracted siya dito, pero hindi pa naman siya umaabot sa punto nang pagiging ganoon kabaliw.

Iniiwas niya ang tingin dito at ipinagpatuloy ang pagbabasa nang mga rules na sinasabi nito.

RULES TO FOLLOW

1. Always obey me
2. Don't let other men touch you
3. Don't let them kiss you
4. Don't even smile at them
....

Napahawak siya sa ulo dahil sa mga rules na nakasulat. Ilan pa nga lang ang nababasa niya ay sumasakit na ang ulo niya. Anong klaseng rules ba ang mga ito? Para naman siyang grade one nito.

Madly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon