Chapter 20

2.5K 62 2
                                    


Chapter 20
________







Hindi yata talaga lahat nang hinihiling mo at gusto mong makamit sa buhay ay mapapa saiyo. Kahit na anong gawin mo ay hindi mo ito makukuha kung hindi ito para sayo. Dapat alam mo kung saan ang lugar mo. Kung alam mong sa una palan ay pag-aari na iyon nang iba. Dapat hindi ka na maghangad pa nang sobra.

Dahil habang nakatitig siya sa cellphone niya ay wala namang tigil ang luha niya sa pagbuhos. Umaasang biglang lilitaw ang pangalan nito para tawagin at kamustahin siya.

Ilang oras o tamang sabihing Ilang linggo na ba siyang umaasa at naghihintay na tatawagan siya nito.




"Tama na iyan Ysa. Hindi ka na tatawagan nang lalakeng iyon. Ilang linggo ka na nga bang nagmumukmok dito sa apartment natin pero hindi ka naman niya kinamusta man lang mula nang bigla ka na lang paalisin sa penthouse niya!" rinig niyang gigil na ani ni Nicole sa kaniyang tabi.


Tama ito. Ilang linggo na siyang nandito sa apartment na kinuha ni Wench para sa kapatid niya. Ilan linggo na siyang umaasang bigla na lamang itong lilitaw sa harapan nang apartment nila. Pero wala ito.

Wala itong paramdam mula nang umuwi siya sa penthouse nito matapos niyang makausap ang girlfriend nito nang araw na iyon. Pagkauwi niya ay walang Wench ang lumitaw. Hindi ito umuwi at halos hindi siya nakatulog nang dahil doon.

Wala siyang nagawa kung hindi ang magmukmok at umiyak habang hinihintay ito. Umaasang uuwian siya nito. Na magpapaliwanag ito kung bakit hindi ito nagparamdam at kung bakit hindi man lang siya nito ni-text at tinawagan.

Pero wala, mag-iisang linggo niya itong hinintay. Ni hindi siya pumasok sa hospital dahil nagbabakasakali siyang darating ito bigla.

Hanggang sa bigla na lamang may nag doorbell sa penthouse nito. Akala niya ay ito na ang asawa niya pero laking dismaya niya nang makitang si Kuya Joseph lang pala ito, ang driver ni Wench.

Pinuntahan siya nito para sabihing kailangan niya nang umalis sa penthouse ni Wench kagaya nang utos nang amo nito. Na hindi na daw siya nitong gustong makita at wag na daw siya ditong magpapakita. Na ayaw siya nitong makita kahit man biglaan pa sa iisang lugar.


Hindi siya makapaniwala at halos magmakaawa pa siya para lang sabihin dito na gusto niyang makausap si Wench pero tanging malungkot na ngiti lang ang ibinigay nito sa kaniya. Pagkatapos ay tinulungan siya nitong mag-empake at hinatid siya dito sa apartment nila nang best friend niya.

Para siyang lantang gulay habang sinasabi nitong naka deposit na sa account niya ang pera na napag-kasunduan nila ni Wench.



Matapos ang ilang linggo simula nang mangyari iyon ay napagpasyahan niyang puntahan ang restaurant nito at hindi nga siya nabigo nang makita niya ito doon. Agad siyang lumapit dito at tinanong kung anong naging problema nila. Pero hindi niya ito nakausap nang maayos. Sa halip ay kinaladkad lang siya nito patungo sa office nito at doon ay ginamit siya nito na buong puso niya namang ipinaubaya sa pag-aakalang magiging maayos silang dalawa. Pero sa halip ay ipinagtabuyan siya nito at sinabihang ayaw siyang makita nito sa isang lugar at tatawagan na lang siya kung kailan nito kailangan nang mapaglalabasan nang init nang katawan.



Sobrang sakit.

Para siyang baliw matapos ang araw na iyon at hindi niya na tinangka pang bumalik sa restaurant nito. Pero ngayon ay sobrang namimiss niya na ito. Wala itong naging paramdam sa kaniya sa nakalipas na mga linggo at pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa kaiisip dito.


Madly In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon