Chapter 17
______Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging maayos naman kahit papaano ang turingan nila ni Wench.
Parang walang nangyaring sagutan at sakitan sa pagitan nilang dalawa. Pero kahit ganoon pa man ay naging ilag siya sa binata. Masakit para sa kaniya ang nagyayari sa buhay niya. Pakiramdam niya ipinanganak nsiya hindi para maging masaya.
Napatingin siya sa salamin habang naglalagay nang lipstick sa labi.
Maganda siya, iyon ang palagi niyang ipinagmamalaki sa buhay niya. Sabi niya pa, Ito ang aahon sa kahirapan na nararamdaman niya. Pero kahit ata gaano ka kaganda wala iyang silbi kungay mahal na iba ang taong mahal mo.
Para sa kaniya, ang isang lalake kapag kasama ang isang babae lalo na kung pinapakita nang babae na mahal niya ang lalake at ginawa niya ang lahat para dito. Imposibleng hindi ka nito magustuhan. Makukuha mo ang pagmamahal na hinahangad mo dito basta ba tyagain mo lang.
Pero hindi iyon ganoon kadali. Kahit anong gawin mo ay hinding-hindi ka nito mamahalin lalo na kung may ibang mahal naman Ito. Sa sitwasyon niya may ibang mahal ang asawa.
Asawa niya nga itong maituturing pero may mahal itong iba. Ang masakit ay wala siyang magawa lalo na at nauna naman iyon sa buhay ni Wench kesa sa kaniya.
Napabuntong hininga siya at ipinagpatuloy ang pag-aayos. May ojt siya mamaya. Dapat at maging presentable ang hitsura niya. Ang pangit naman kung nurse siya pero mas mukha pa siyang pasyente.
Ilang minuto muna ang pinalipas niya bago siya nagpasyang bumaba. Nakita niya pa ang asawang nakaupo may hapag. Mukhang kanina pa siya nito hinihintay.
Hindi niya mapigilang matuwa ang martyr niyang puso habang iniisip na sabay ulit silang kakain ngayon. Sa mga nakalipas na linggo mula nang mangyari ang away nila ay may pinagbago ito na siyang ipinagpapasalamat niya.
Sabay na sila ngayon kumakain nang breakfast at dinner. Lagi na din siya nitong hinahatid at sinusundo sa pinagtatrabahuan niya, at ang pinaka gusto niya sa lahat ay ang hindi nito paglimot na halikan siya sa tuwing magkikita sila.
Oo, alam niyang katangahan ang umasa na baka naman may nararamdaman na din ito kahit kaunti para sa kaniya pero hindi niya maiwasan eh. Siguro nga noong nagpa-ulan nang katangahan at karupukan pag-ibig eh sinalo niya na lahat.
Tumayo ito at pinag-hila siya nang upuan. Pinigil naman niya ang sailing sunggaban ito bigla nang halik. Oo nga at marupok siya pag dating dito. Pero hindi niya iyon ipapahalata sa asawa. May pride pa din naman siya kahit papaano.
"I'll fetch you later after your duty. We'll eat our dinner in my restaurant. I'll reserved it for the two of us." Nabaling ang tingin niya dito matapos nitong magsalita. Hindi niya mapigilang mapangiti. For the first time, makakapunta na din siya sa La Qizteir kasama ito. Hindi niya mapigilang ma-excite.
Tumango na lamang siya dito at sinagot kung ano man ang mga tanong nito. Natutuwa siyang makitang parang normal na lamang silang mag-asawa. Para bang wala silang problema.
_______
"Ayos na po ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa pasyenteng tatlong araw nang nasa hospital na pinagtatrabahuan niya. Hindi pa naman Ito matanda. Sa katunayan ay nasa late 30's pa lamang ito.
"Ayos lang naman ako Nurse Ysabelle. Diba sabi mo ay makakaalis din naman agad ako dito pagkatapos nang isang linggo?" tanong nito at ngumiti nang bahagya sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Madly In Love
RomanceShe thought everything was just easy. It would be just a simple give and take situation. But she was wrong. She should have listened to one of the most used phrases she always heard, which was.. "Don't judged the book by its cover" Because now eve...