Chapter 23
________Nakarating agad siya sa location na ni-text sa kaniya kanina. Dito siya nagpababa kay Nico matapos ning I-insist na ihatid na siya. Sasamahan pa sana siya nito papasok pero pinigilan niya na ito at sinabing baka hinihintay na ito nang mga kaibigan nila.
Mabuti na lang talaga at malayo dito ang Bar na pupuntahan sana nila. Ayaw niya namang makita nang mga kaibigan niya si Wench dahil siguradong kukulitin niya nang mga ito nang tanong.
Kilala pa naman ang pangalan ni Wench dahil sa pagiging sikat nitong Chef. Para sa kaniya mabuting si Nicole na lamang ang may alam nang tunay na relasyon nilang dalawa ni Wench at wala nang iba pa.
Sinalubong siya nang malakas na tugtog pagpasok niya. Kumpara sa ibang bar ay mukhang hindi naman masyadong wild ang mga nandito. Siguro dahil sa exclusive lang ito sa mga mayayaman.
Mabuti na lamang at sikat din siya kahit papaano kaya naman kilala siya agad nang mga bouncer kahit na hindi pa man siya nagpapakilala.
Napatingin siya sa paligid. Pamilyar sa kaniya ang Bar na ito. Baka isa ito sa Bar na pinupuntahan nila nang kaibigan dati at nakalimutan niya lang. Sa dami ba naman nilang pinupuntahan na Bar noon ay talagang makakalimutan niya na. Isa pa ay hindi naman siya magaling sa pag tanda nang lugar.
"Ma'am Ysa?" napalingon siya nang may tumawag sa kaniya. Kumunot pa ang noo niya dito kaya ngumiti ito sa kaniya nang medyo alanganin.
"Ikaw po ba iyong natawagan ko kanina? Ikaw po pala iyong asawa ni Sir Kennedy. Grabe hindi po ako makapaniwala. Akala ko po ay single pa kayo. Kung hindi ko lang nakita iyong picture niyo na wallpaper ni Sir at iyong wedding ring niya sa kamay ay hindi pa ako maniniwala. Ang ganda niyo po sa personal. Bagay na bagay po kayo ni Sir."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Napatingin pa siya sa paligid at tiningnan kung may nakarinig dito. Nang mapansing busy naman ang nasa paligid sa kaniya-kaniyang ginagawa ay bumaling siya ulit dito at pinanlakihan pa lalo ito nang mata.
Anong asawa? Hiwalay na sila matagal na. Though wala siyang pinirmahan na annulment ay para sa kaniya hiwalay na sila. Hindi niya nga alam kung bakit hanggang ngayon wala pa itong pinapapermahan sa kaniya na ganoon. Wala ba itong balak pakasalan ang girlfriend nito.
Napairap siya sa naisip. Pake niya ba sa mga ito.
"Kuya ang daldal mo ah. Tyaka hiwalay na kami nang gagong iyon. Hindi ko nga alam kung ano pa ang ginagawa ko dito, letse makaalis na nga!" akmang tatalikod na siya nang bigla itong humarang sa harap niya.
"Ma'am promise po walang makakaalam nun. Hindi niyo naman po kailangang itanggi dahil lang sa nasa modeling kayo. Kawawa naman po si Sir mukhang malungkot."
Inirapan niya ito at gigil na napabuntong hininga na lang siya.
"Asaan ba iyon para naman makauwi na ko."
Wala na siyang magagawa. Nandito na siya kaya wala na itong atrasan.
Kung bakit ba kasi pumunta pa siya dito. Nag-alala ba siya sa hinayupak na iyon?
Diba graduate na siya sa pagiging marupok?
Sinundan niya ang lalaki at iginiya siya nito sa VIP room. Nang buksan nito ang pinto ay nakita niya ang mga nagkalat na bote na wala nang mga laman at sa gitna nun ay ang hinayupak.
Tinitigan niya ito habang nakayukyok ang ulo nito sa mesa. Ngayon niya lang ito nakita nang ganito sa tagal nilang magkakilala.
Kagaya nang dati, nang una nilang pagkikiyata. Para itong inosente at hindi kayang manakit.
BINABASA MO ANG
Madly In Love
RomanceShe thought everything was just easy. It would be just a simple give and take situation. But she was wrong. She should have listened to one of the most used phrases she always heard, which was.. "Don't judged the book by its cover" Because now eve...