#6

4 5 0
                                    

Nagising ako sa tilaok Ng mga manok, mag aapat na linggo na ako dito at ito rin Ang araw ng simula ng aking negosyo,tama.nagnenegosyo ako dito, paglalako ng niluto kong bibingga.

"Day,ano Tim baligya?"tawag sa akin ng Ali habang naglalakad ako sa ilalim ng init ng araw.

"Ahh.bibingka Nay,marasa inen mapalit ka?"sabi ko kay Ali.

"Hala daw matilaw ak hito,tag pira man?"

"Dos la Nay."

Pagkatapos ko siyang bintahan ay naglakad na uli ako,madaming tumatawag sa akin para bumili ng niluto kong bibingka hanggang sa na ubos ,at nakauwi naman ako ka agad kina Aling Benyang

"Oh,buti't nakauwi kana agad at manananghalian na tayo,naubos ba ang paninda mong bibingka?"tanong niya sa akin

"Oho,dami nga po'ng bumili eh."sagot ko sa kaniya,habang umaakyat sa kahoy na hagdan.

"Oh siya sige na,Tara na sa kusina." tinutulungan niya akong magbuhat ng sinidlan Kong bibingka.

Pagkatapos naming kumain ay ako na Ang nagpresenta na maghugas ng pinggan,ibinigay ko rin kay aling benyang ang perang nakuha ko sa paglako ng bibingka at lumuwas rin kami sa bayan upang mamili Ng mga kasangkapan para sa bibingka.

Nakita ko sina berting at medyeng na nanghuhuli ng isda ng makarating kami galing sa bayan,at ang iba pang narito ay nagtatanim ng mga kamoting kahoy at mga gulay, palay at iba pa,Kay sarap pagmasdan ang simpleng kabuhayan ngayon,wala mang teknolohiya ngunit hindi ito mapapantayan ng pagkakaisa Ng mga pilipino,simple ngunit masaya,di tulad sa makabagong taon na kunti nalang ang may malasakit sa kapwa tao,at Kung sino pa Ang kadugo siya pa ang madalas na kaaway,sila pa Ang naninira sayo.

Kaya diko pinagsisisihan na narito ako sa sinaunang panahon,dahil dito nararamdaman ko ang kahalagahan ng bawat tao,

presko Ang hangin di tulad doon amoy usok.

°°
Nagising ako ngayon nang maaga dahil magluluto ako ng bibingka.

Pagkatapos Kong magluto ay inilagay ko na Ang mga bibingka sa isang bilao at nag iwan ng ilang bibingka para kina aling benyang at Mang Adong. At sa iba pa.aalis na Sana ako sakto namang lumabas si Bebang sa kwarto na kinukusot kusot pa Ang mata.

"Oh Bebang magkape kana,may bibingka doon isabay mo sa kape"sabi ko sa kaniya na inilagay ko na sa ulo ko ang bilao na puno ng bibingka.

"Sama po ako sa paglako" sabi niya

"Oh sige magkape ka muna intayin Kita"pagkatapos niyang magkape,nagpaalam na kami kina Aling at Mang.na kakagising lang.

"Pabili nga ng bibingka"sigaw ni aling koring na naging suki ko na rin.

"Pabili nga"sigaw naman doon sa kabila,yong iba pumupunta nalang sa amin para bumili.

Naging sikat ako dito sa samar sa aking bibingka,palagi nilang hinahanap hanap tuwing umaga at hapon para sa snack kaya diko mapigilang makaramdam ng saya, dahil kahit papaano nakakatulong ako kina Aling benyang at Mang Adong.

Nang matapos kaming magbinta ay umuwi na kami ni Bebang sa kanila.

"Grabe Nay Ang daming suki ni ate Zyny akalain mo iyon naubos agad,galing mo po ate Zyny,talaga namang masarap kang magluto saan niyo po ba natutunang gumawa ng bibingka?"mahabang sabi niya.

"Doon sa panahon ko,yon rin kasi Ang nilalako kong paninda,kapag rumaraket ako"sagot ko,habang hinihipan Ang sinaing.

"Ahh sarap po talaga,ikaw ba Nay,may natutunan ka bang mga masasarap na pagkain?"tanong ni Bebang sa kaniyang Nanay.

"Gidaw 'nak waray hiton may nabaruan Kay puro la ito mga linaw-ag"singit ni mang Adong.kaya natawa naman kami ni Bebang.

"Hoy Adong,gin titinamay mo la Tak kaluto nga asya ngan ito nim naruyagan haak." Natawa na naman kami ni bebang.

"Pasalamat ka ngan nga mayda nakakatiis hit ngaim linaw-ag HAHAHA"sabi ni mang Adong,kaya tawa na Naman kami ni Bebang habang nagpapalitan ng salita Ang dalawa.

"Ah,luto na po 'tong sinaing"putol ko sa insultuhan ng dalawa.

"Sige iha ako na'yong maghahain baka kapa mapaso"kaya tumayo na si Aling benyang at hinain ang sinaing.at naghanda narin ako ng mga kasangkapan para sa bibingka.

"Nako Sani turuan mo nga 'tong si benyang magluto niyan,para may matutunan namang ibang luto ito, dire kay puro la linaw-ag"biro ni mang Adong.

"Birat ka nim eroy, Adong,kanina ka pa,dika pa ngan humuyo ikaw Tak igpapasun-ud hin nga bibingka."inis na sabi ni Aling benyang,tumawa na naman kami ni Bebang,pangisi-ngisi naman si mang Adong ,

Pagkatapos Kong magluto ay inilagay ko na Ang lahat ng bibingka sa bilao,nagtabi ako ng bibingka para sa kanila at kumakain na sila Aling benyang at Mang Adong pati rin si Bebang silang lahat sarap na sarap sa niluto kong bibingka kaya diko mapigilang mapangiti.

"Oh Zyny,kumain ka naman diyan sa niluto mong bibingka,Ang sarap ha"sabi ni Aling benyang,napangiti ako, umupo ako at kumain na rin.

"Ito yong sinasabi Kong pang 2020 na kaluto,Ang sarap"sabi Naman ni mang Adong.

"Oh Adong,baka nakakalimutan mong ititinda 'yan"si Aling benyang na nakatingin sa kamay ni mang Adong na kukuha Sana ng bibingka sa bilao,natawa Naman kami.

"Ayos lang ho,kuha pa po kayo"sabi ko naman sa kaniya.

"Oh Kita muna?,ayos lang daw"excited na sabi ni mang Adong,at kumuha ng dalawa,masama Naman Ang tingin ni Aling benyang sa kaniyang asawa HAHAHA

"Nga lagas ka.!kuha gadla mausa Kay maaalkansi liwat hi Zyny hito."

Matapos akong kumain at makinig sa kulitan ng mag-asawa ay inilako ko na kasama si Bebang.

"Ate Zy,dito po tayo dumaan baka po kasi di pa po sila nakatikim ng bibingka mo"yaya sakin ni Bebang sa kanang bahagi ng daan.

"Sige tara."nakangiti Kong sabi.

Habang naglalakad kami napansin ko Ang mahabang sementong pader tuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa nakaabot kami doon sa gate,napahinto ako at napamasid sa loob ng gate.

"Ate Zy,halika na po,masusungit po ang nakatira diyan,baka po tayo pagalitan,ayaw po kasi nilang may umiistambay sa tapat nila."sabi ni Bebang

"Ah-ganon ba,Ang ganda kasi,sige tara na-"pagbaling ko sa likod  may lalaking nakasandal sa kabayo at nakacross ang paa at kamay sa may bandang tiyan habang nakatingin sa amin.napatulala ako,naghahalo Ang kaba,pagkabigla at hiya.

"Anong ginagawa niyo rito?"tanong niya ganon parin Ang posisyon niya at straight ang tingin sa amin ni Bebang.

"Ah- wala.t-tara na ano b-bebang."'yaya ko Kay Bebang.

"Anong kailangan niyo"tanong niya ulit.

Napahinto Naman kami sa paglakad.

"Pasensiya na ho,napamangha l-lang kasi ako sa l-loob ang g-ganda kasi"napahawak Naman ako ng mahigpit sa bilao na hawak ko at napayuko.

"Ahh Kuya Gabriellito,pasensiya na po ha,si ate kasi namangha lang siya sa bahay niyo,pero paalis na rin ho kami,nagbibinta po kasi kami ng bibingka."mahabang paliwanag ni bebang.nakatingin parin ako sa hawak Kong bilao,naramdaman ko namang palapit si Gabriellito,at inalis niya ang dahon na nakabalot sa bibingka.kaya unti unti kong niyuko Ang ulo ko .

"Mmm kayo pala Ang nagbibinta nang masarap na bibingka"sabi niya,napangiti Naman ako dahil sa pagkarinig ko ng masarap.at sunod na nangyari ay kumuha siya ng isa at sumubo,napatingin Naman ako sa mukha niya familiar..saan ko kaya siya nakita.napatingin Naman siya sa akin habang ngumunguya Kita ko naman ang magandang mata niya na nakatingin sa akin ng deretso.

"Ang sarap nga,nagkita na ba tayo?"tanong niya sa akin,na nakataas pa ang isang kilay.

"Kuya Gabriellito siya po si ate Zyny,naalala niyo pa ho ba siya,siya po yong nahulog isang araw sa puno Ng bayabas,yung nasalo niyo ho"paliwanag ni Bebang,may nanunuksong tingin.

Love Is Impossible [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon