year 1953#16

2 3 0
                                    

"ahm naistorbo ba namin kayo?"mahinahon kong sabi sa kanila.

"Di Naman po ate Zyny hehehe"Sabi ni Bebang.

"Ahm Bebang magluluto Lang ako ng bibingka,pwede sa sala muna kayo?"tanong ko sa kanila.

"Opo naman ate Zyny,Tara Berting doon na tayo sa sala"at tumakbo na sila patungong sala,nagsimula na naman silang magkwetuhan at magtawanan.

"Ang mga Bata talaga"nakangiting wika ni Gabriellito,napangiti naman ako,inihanda ko na ang mga kasangkapan at gagamitin sa  paggawa ng bibingka,nanunuod naman si Gabriellito sa mga ginagawa ko,minsan tumitingin siya sa mukha pababa sa mga kamay ko,ilang minuto siyang ganon,pagkatapos ay humakbang siya patungo sa likod ko,nagtaka naman ako,mula sa likod ay hinawakan niya ng kanan niyang kamay ang kanan kong kamay habang nag-uukay,hinawakan niya Ang isa ko pang kamay na nakahawak sa katawan ng malaking bowl gamit Ang kaniyang kaliwang kamay.

"G-Gabriellito,..a-anong ginagawa mo..?"hiya Kong tanong.

"Hayaan mo akong gawin 'to"bulong niya sa kanan Kong tainga.

"G-Gab,..baka may makakita sa'tin,ano ka ba"kinakabahan ako,ano ba'to."please"Sabi niya,wala Naman akong nagawa dahil inukay na niya ang kahoy na sandok kaya sabay nalang kaming nag-ukay,habang ang mukha niya nasa balikat ko.

Naghiwalay Lang kami nang tapos ng ihalo lahat ng sangkap sa bowl,at inilagay ko na sa malaking steamer at nilagyan ng tubig ang kaldero pagkatapos ay inilagay ko na sa apoy,habang niluluto pa ang bibingka,umupo lang muna ako sa isa pang kahoy na upuan.

"Pupunta mamaya Ang mag-aayos sayo mamayang alas singko"tumingin ako sa kaniya,at tumango,pasimple Kong linalaro-laro ang saya ko habang nakatingin sa baba,naramdaman ko nalang ang kamay ni Gabriellito nang hawakan niya ang ibaba ng labi ko at iangat iyon,nagkatinginan naman kami,ngumisi siya.

"B-Bakit?"tanong ko.

"Ganon ka ba talaga mahiyain?"tanong niya.

"D-di naman,nahihiya lang kasi ako..k-kasi tiningnan mo 'k-ko"at mabilis akong tumingin sa baba,pero nakahawak padin siya sa panga ko.

"Ate Zyny-"napalingon kami ni Gabriellito ng sabay sa pintuan, "a-ano po kasi ate Zy tinatanong ko Lang po Kung luto na 'yong bibingka gusto ko pong bigyan si Berting eh heheh"Sabi ni Bebang.

Tumayo agad ako at binuksan ang kaldero Kung luto na ang bibingka.

"Di pa luto Bebang,pero malapit na ito tawagin nalang Kita kapag naluto na"nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Sige po ate Zyny,Kuya Gabriellito galingan mo ha hehehe"at umalis na kaagad,di naman ako makatingin Kay Gabriellito,nagkunyari nalang akong nilalagyan ng panggatong Ang sinasaing ko.

Nang maluto ang bibingka tinawag ko na si Bebang,tinulungan naman kami ni Gabriellito sa pagdala ng aming kakainin na bibingka sa sala.

"A! Ang sarap talaga magluto ni ate Zyny,di nakakasawa!"Sabi ni Berting.

"Talaga! Masarap naman talaga magluto si ate Zyny"proud pang sabi ni Bebang."ikaw Kuya Gabriellito ano pong masasabi mo sa bibingka ni ate Zyny?"may panunuksong tanong ni Bebang,tumingin naman sa akin si Gabriellito.

"Masarap,sobrang sarap"ngumiti siya.

"Yeeeiiiiii"panunukso ng dalawa.

Natawa nalang kami sa dalawang 'to.

Matapos naming kumain ng bibingka nagpaalam na si Gabriellito dahil may   pupuntahan pa daw siya,may susundo daw sa akin mamaya papunta sa kanila.

Mga 6:30 na Nakarating ang mag-aayos sa akin, kararating Lang daw niya kasi Ang dami pa niyang inasikaso, ilang minuto nalang magsisimula na Ang hapunan kina Gabriellito,kakahiya kapag malate ako.

Love Is Impossible [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon