"ITO LANG BA ANG NAIPON MO BUONG MAGHAPON HA!"sigaw ng aking madrasta sakin"KAPAL NG MUKHA MO! ALAM MO BA KUNG ANO KA SA PAMAMAHAY NA ITO!SAMBID KA LANG,SAMPID KA!"sinabunotan niya ako ng sobrang higpit,kailangan ko 'tong kayanin dahil kasalanan ko'to diko siya na bigyan ng sapat na pera,Wala akong magawa kundi lumuha ng palihim kahit gusto ko ng sumigaw sa sasakit.
"WALA KA TALAGANG SILBI SA PAMAMAHAY NA ITO,NAPAKATAMAD MONG BATA KA,MANA KA TALAGA SA NANAY MO!!!!TANGGAPIN MO 'TO!!"hinampas niya ako ng malaking kahoy sa may binti ko at sa likod,kaya nakadapa ako sa lupa dahil sa kaniyang paghampas.
Pagkatapos niya akong parusahan,umalis na kaagad siya,samantalang ako hito sa labas ng bahay namimilipit sa sobrang sakit na natamo sa hampas at sabunot,di ako makatayo,umiyak ako ng umiyak.
"Dad, Mom."tawag ko sa kanila habang nakatingala sa mga bituin sa langit,at umiiyak
"Bakit niyo ako iniwan?Dad,Mom..miss na miss ko na kayo,hinihiling ko sana nandito pa kayo sa tabi ko,di sana ako nagkakaganito ngayon, Mom,Dad,tinitiis ko Ang hirap simula nong iwan niyo ako....bakit niyo ko iniwan sobrang hirap ang dinanas ko ngayon,siguro Kung nandito pa kayo hindi magiging ganito Ang buhay ko Kasi kasama ko kayo,Mahal na Mahal ko kayo Mommy,Daddy...."unti-unti na akong nakakaramdam ng antok Kaya ipinikit ko na Ang aking mga mata kahit dito nalang ako sa labas matulog dahil Alam ko namang di ako papapasukin ni Madrasta,ilang minuto Ang lumipas nagising ako dahil sa isang malakas na tawa na parang tawa ng bruha.
"HE...!HEHEHEHEHE!! Zyny...Zyny gumising ka...Zyny gumising ka!"
Napamulat ako dahil may tumatawag sakin,pagmulat ko,diko Alam Kong nananaginip ako dahil sa aking nakita ngayon,natatakot ako....
"Sino po kayo,bakit niyo po ako kilala?"nilalabanan ko Ang takot,sumasakit ang likod at legs ko kapag gumagalaw ako Kaya kahit gusto Kung tumakbo,diko magagawa.
"Ako ay isang mangkukulam na tutulong sayo!HE...!HEHEHEEHEHE!!"sagot niya at tumawa ng malakas.
"Bakit niyo ako tutulungan?"deretsong tanong ko.
"Ako si Eng-Eng Ang mabait na si Eng-Eng ay tutulong sayo! HE...!HEHEHEHEHE!!!"Sabi niya,nakasakay siya sa isang walis at naka cap siya ng pangmangkukulam nga."huwag kang matakot sakin,dahil ako si Eng-Eng!HE.. HEHEHEHEHE!!"dugtong pa niya.
"Paano Hindi ako matakot sayo e Isa kang mangkukulam"Sabi ko na takot na takot.
"Hindi bat sinabi ko sayong ako si Eng-Eng na mabait..?"Sabi niya na nakatutuk sakin Ang paningin.
"Kung mabait ka pano mo mapapatuyan na nagsasabi ka ng totoo"Sabi ko ng mahinahon,pero takot na takot ako.
"Hmm pa'no nga ba...Kung magtiwala ka sakin Zyny,HE...!HEHEHEHEHE!!!diyan ko Lang mapapatunayan na nagsasabi ako ng totoo."
"Bruha o Kung Sino kaman,uwi ka nalang sa inyo,wala akong oras sayo makipagbiruan..o Kung gusto niyo akong saktan please po wag niyo po akong saktan.."Sabi ko,na nanghihina, habang nakahiga pa ako sa lupa.