Ngayon Ang araw ng pag-ani ng palay at Ang lahat ng mga tao dito sa barangay ay tumutulong,sina Mang Adong at iba pang mga lalaki sila Ang nagpuputol ng palay sina Aling benyang at Ang iba pang mga babae sila ang naghahampas para makuha Ang mga butil ng palay at maisako na."Donya Deliuta,mayroon na pong 20 sako kaming naipon"Sabi ng isang lalaki.
"Sige,kunin niyo ang limang sakong butil ng palay at maaari munang iuwi"Sabi ni Mamâ Deliuta.
"Salamat po,Donya"tuwang tuwa siya at umalis na.
"Gab,tumulong Kaya tayo"gusto ko nang magtry doon.
"Ha?ako nalang Ang tutulong dito ka nalang"sabi niya.
"Eh gusto ko magtry"
"Ang init baka mainitan kalang"
"Hindi,ayos Lang sa'kin"tiningnan ko siya,siniguro niya Kung okay Lang ba talaga sa'kin."Kaya ko,.mm?"dugtong ko pa,at tumango naman siya,ngumiti Naman ako.
"Love you."Sabi ko
"Love u too"tugon niya.
"Yeeiii"panunukso ng mga naroon,nakahawak pa ang kamay ni Gabriellito sa kamay ko habang dahan dahan akong humahakbang at nabitawan nalang niya nong medyo di niya na maabot Ang kamay ko,lumingon ako at suminyas sa kaniya na pupunta na ako tumango Naman siya,tumayo siya doon at inilagay Ang dalawa niyang kamay sa bewang niya at pinagmasdan niya ako habang papalapit kina Aling benyang.
"Oh Zyny ba't nandito ka?"tanong bigla ni Aling benyang nang mapansin niya akong nandoon na.
"Ahh kasi po gusto kong magtry sa mga ginagawa niyo"ngumiti ako sa kaniya.
"Aahh o'sige halika tuturuan kita"at tinuruan niya ako,madali naman akong natuto,ilang minuto lang dumating si Gabriellito maydalang meryenda siguro.
"Meryenda muna kayo"ngumiti naman ako
"Aling benyang,at kayo Rin po meryenda po muna tayo"Yaya ko sa mga nagtatrabaho.
"O'sige ,sige"Sabi nila.
At kumuha sila ng tinapay at tubig,ang laki Naman ng tinapay dito pero Ang sarap.
"Salamat.."nakangiti kong wika Kay Gabriellito.
"Anything for you Mahal.."at ngumiti siya,tinry Kong subuan siya at kumagat naman,Kaya alternate kami Kung kumain.
Tumulong si Gabriellito sa pagkuha ng mga palay nandoon siya sa kalagitnaan ng araw,pawis na siya kitang kita kasi yong pawis niya sa puti niyang damit,halatang hindi sanay sa ganitong buhay,napangiti naman ako,at bigla siyang tumingin sa akin Kaya bigla Kong tinanggal Ang ngiti sa labi ko at nagpanggap na wala lang.
Tinuro niya ako mula doon sa kinatatayuan niya,tinuro ko naman Ang sarili ko,at tumango siya.
Tiningnan ko siya Ng nagtatanong bakit ngumiti Lang siya,ano 'yon,napaupo nalang ako at ipinasok ang butil ng bigas sa sako.
Abala sina Aling benyang at iba pang mga kasamahan namin dito sa pagkukuha ng mga butil ng palay at isako Ang mga ito.
"NAY!"malakas na sigaw ni Bebang sa likod ni Aling benyang.
"Ay puday!"gulat ni Aling benyang,natawa naman kami ng mga narito.
"Ano ba Bebang! Wag munang uulitin yon ha!"pinagalitan si Bebang ni Aling benyang.
"Eh Nay,may gusto Lang naman po akong itanong sa inyo eh"ngumuso si Bebang.
"May itatanong Lang pala sumisigaw pa talaga?ha!"galit talaga si Aling benyang kami nga Rin eh nagulat,pero si Aling benyang yong mas malala kasi nasa likod niya si bebang haha.