YEAR 1953# 12

2 3 0
                                    

Nang maihatid nila ang kasangkapan dumating naman si Medyeng para umalalay sa akin sa pagluto,at pagkatapos naming magluto ay pinakuha na namin Ang bibingka para ipunta na sa plaza,3 oras nalang at magsisimula na ang salo-salo.

Nang makarating kami sa kanila ay marami Ang nagpapaayos,nagbabayad ang bawat nagpapaayos.

"Nay,pwede po kami muna ng kaibigan ko Ang ayusan niyo?"tanong ni Medyeng.

"Halika rito anak aayusan  muna kita."Sabi ng Nanay niya sa kaniya.

"Ay Ang daya naman,ako na nga 'tong nagbayad ako pa'tong nahuli."sabi ng isa na siya na dapat ang susunod na aayusan,Kung Hindi lang siningit si Medyeng ng kaniyang Ina.

"Ay Teka Lang iha,baka anak ko'to Kaya uunahin ko muna"mataray na sabi ng Nanay ni Medyeng.kaya walang nagawa ang babae.

Nag-hintay ako hanggang sa matapos na ayusan si Medyeng.

"Ay Nay,si Zyny ho muna ayusan mo"nakangiti niyang sabi sa kaniyang Ina,at tumingin sa akin na nginitian niya naman ako Kaya ngumiti rin ako.

"Sige,akina ang bayad"itinaas pa Ang kaniyang kamay hanggang sa dibdib at kunyari humihingi ito.

"Nay,pwede libre nalang si Zyny kaibigan ko kasi siya eh"pakiusap ni Medyeng sa Nanay niya.

"Ay Hindi pwede,dapat bumayad siya porket kaibigan mo siya ay libre na siya hindi,oh,tumabi kana diyan at madami pa ang nagbabayad sa akin para magpaayos"matunog niyang sabi,Kaya diko mapigilang mahiya.

"Zy,pasensiya kana ha,gusto mo ako nalang Ang mag-ayos sa'yo,ngunit di talaga ako marunong eh"malungkot niyang sabi.

"Ah- may kagamitan ka ba?"tanong ko sa kaniya.

"Wala 'yon na kasi ang ginagamit ni Nanay eh,pero pwede naman tayong kumuha doon pero dapat doon Lang tayo sa gilid ngunit  malapit sa kaniya,para di natin siya maistorbo"Sabi niya,Kaya tumango nalang ako.

At nagtungo kami roon sa gilid malapit sa may mga make-up.di na siya nagpaalam dahil baka di siya payagan.

Binigyan niya ako doon ng upoan at umupo naman ako,at sunod niyang ginawa ay kumuha siya ng make-up pero Isa-isa Lang, ako na ang nagmake-up sa sarili ko dahil alam ko naman paano magmake-up,ginagawa ko naman 'to nung nasa 2020 pa ako.

Kaya Ang kinalabasan...

"Wow Ang ganda"

"Oo nga Ang ganda"

"Kahusay niya day"

"Lagehhhh"bulungan Ng mga nasa loob.

"Zyny kahusay mooooo"hangang-hanga nasabi ni Medyeng.

"S-salamat"nahihiya Kong sabi,nakatingin kasi sila sa akin.

"Marunong ka palang mag-ayos Zy"may pagkamanghang Sabi niya.

"Oo"reply ko,Ng nakangiti.

"Pero syempre dapat maganda din Ang damit mo Kaya tara sa kwarto ko,papahiramin kita ng damit"at hinugot niya ako patungo sa kwarto niya.

Inisa isa niya Ang mga mahahaba niyang mga damit at Ang gaganda.pinapili niya ako at natipuhan ko naman Ang simpleng damit na kulay pula pinahiram niya Rin ako ng sandalyas.

Isinuot ko Ang damit at sandal ngunit paglabas ko napansin ko na ako Lang ang nakalugay Ang buhok,Kaya bumalik ako sa kwarto ni Medyeng bago pa sila makapagreact.pumasok ako at itinali Ang buhok alam ko naman Kung paano mag-ayos ng buhok,tiningnan ko Ang sarili ko dito sa salamin ni Medyeng,napangiti ako ng Makita ko Ang sarili ko sa salaming........bagay, nakita ko ang mukha ni Gabriellito sa salamin Kaya tumindi Ang ngiti ko,nasa ganon Ang kalagayan ko ng mayroong umubo sa likod ko,Kaya napaharap ako.

"Kahusay mo talaga Zyny"di parin makamove on si Medyeng.

"Noh ka ba Medyeng mas maganda ka"Sabi ko sa kaniya.

"Sige tayo Ang magaganda hahahaha"tawa niya pa,natawa naman ako sa kaniya.

"Tara na?"Yaya niya tumango ako at lumabas na kami,mga dalawa nalang minimake-apan ng Nanay niya,Kaya nagpaalam na si Medyeng sa Nanay niya,tinapunan naman ako ng tingin ng Nanay niya,Kaya napatingin ako sa sahig,at naglakad na kami papalabas.

5 minutes nalang magsisimula na ang salo-salo,kinakabahan ako samantalang si Medyeng sobrang excited,pagkarating namin dito sa plaza humanap agad kami ng komportabling uupoan,pangalawa na mesa kami sa unahan,marami na Ang nandito,kinakabahan talaga ako,first time ko kasing umatend ng ganitong event dito.

Naputol Ang pagmumuni-muni ko ng Makita ko sina Aling benyang at Mang Adong at Ang nag-iisa nilang anak na si Bebang,Ang pormahan ni mang Adong ayaw magpatalbog!,Nakita kami ni Bebang Kaya tumakbo siya ka agad sa pwesto namin, samantalang sina mang Adong at Aling benyang ay nag-aado na sa pagsayaw ng kuratsa,kahit di pa pwede ngunit dahil sa kanila ay marami din Ang nagyaya sa mga partner nila para sumayaw din sa gitna.

Nasa unahan Ang mga pagkain at nasa taas naman ng stage ang mga namumuno dito katulad ng kapitan sa taas sila mayroon Lang silang mga silyang nakalagay doon.

Pagdating ng kapitan na shock siya Kung bakit nagsasayawan na Ang mga tao dito,Kaya pinatigil niya muna at pumunta na sa taas ng stage at nagsibalikan narin Ang mga tao na narito sa kaniya kaniyang upuan,dito sila Aling benyang at Mang Adong sa pwesto namin,kami-kami Ang magkakagrupo.nagsimula na ang programa sa oras na 6:30 PM,bago pumunta sa unahan ang kapitan para i-welcome ang mga dumalo,may dumating pang mga bisita na sa pag-kakaalam ko ay mayayaman,mga bigatin,dahil sa kanilang pananamit at sa mga kilos nila,at Ang huling dumating ay si Gabriellito,na sobrang Gwapo niya.siniko naman ako ng mahina ni Medyeng na Ang paningin ay na Kay Gabriellito,kinikiliti naman ako ni Bebang Kaya diko mapigilang makiliti.

Nang malapit na siya sa amin,kinindatan niya ako,Kaya napalaki ang mata ko.

"Oyyyyyyyy"panunukso nina Medyeng at Bebang ngunit mahina lang.

Nakarating na si Gabriellito sa stage at nakipaglamano sa kapitan at naupo na,malayo siya sa akin ngunit nasa akin Ang paningin niya,kinakausap siya ng katabi niya ngunit nasa akin parin Ang paningin niya,ayaw Rin mawala ng mga mata ko sa kaniya,Kaya,sa palagay ko ay parang nag-uusap ang mga mata namin,nagkakaintindihan kami,ewan ko Kung bakit.

"Maupay nga gab-e ha Aton nga tanan,salamat han iyo pakig-urusa Yana nga gab-e,maglipay Kita Kay para ine ha atun nga tanan,waray maawod,kun sarayaw,sayaw,kun pangaon,kaon,Kay in nga gab-e gin andam ine para ha iyo,utro maupay nga gab-e"

Pagkatapos niyang magsalita ay nagpatugtog na ng amenudo song,hudyat para magsayawan na,Kaya hiningi ni mang Adong Ang kamay ni Aling benyang at iginala sa gitna ng plaza,pati rin Ang iba hiningi rin nila Ang mga kamay ng kanilang mga kapariha,dalaga,matanda,Bata,lahat pwedeng magsayaw,kinuha ang kamay ni Medyeng ng isang binata at dinala siya sa gitna at doon nagsayaw sila,dumating si berting at hiningi Ang kamay ni Bebang pumunta sila patungo sa gitna ng plaza at awkward sa akin dahil ako nalang Ang natira sa mesa.

Nasa ganoon akong kalagayan ng may Nakita akong kamay at iniangat ko Ang paningin ko sa kaniya,bumungad sa akin Ang diko kilalang lalaki na nakangiti sa akin Kaya tinanggap ko naman Ang alok niya na makipagsayaw sa akin,dinala niya na rin ako sa gitna at sumayaw,Alam ko namang sumayaw ng amenudo kaya nakipagsayaw na ako,diko mapigilang mapangiti nag-eenjoy ako,Ang saya pala sa ganitong simpleng selebrasyon.

Love Is Impossible [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon