"Mas lalo tuloy na ayaw ko ng umalis"Sabi niya.
"Huh, ahm di naman kita pipigilan kung gusto mong umalis,okay Lang sa akin 'yon Gab"nakangiti Kong sabi sa kaniya,pinapakita ko talaga sa kaniya na okay Lang talaga,ngumiti Lang siya at pinisil ang pisngi ko.
"Ah- Tara na gabe na eh"Sabi ko nalang,kahit gusto ko pang makasama siya.
Tumango naman siya at inalalayan niya ako na makasakay sa kabayo.
°°°
Matapos niya Kong ihatid at magpaalam umalis na siya,di ako makatulog,dahil Ang dami Kong iniisip tungkol kay Gabriellito ayuko siyang umalis,napabuntong-hininga nalang ako."Ate Zyny ba't dika pa natutulog?"napalingon ako at nakita ko si Bebang,ngumiti Naman ako sa kaniya.
"Ahh di ako makatulog Bebang eh"Sabi ko ng nakatingin sa mga puno.
"At bakit dika po makatulog ate Zyny"tumabi siya sa akin,bumaba kasi ako Ng bahay kanina nong Hindi ako makatulog.
"Ahm di mo 'ko maiintindihan Bebang eh"nakangiti Kong sabi sa kaniya.
"Ate ako pa,syempre maiintindihan Kita Kaya sige na sabihin mo na sa'kin"
"O sige na nga,kulit mo eh"tumingin mo na ako sa kaniya at nakangiti Naman siya,Kaya ginulo ko ang buhok niya.
"Si Gabriellito kasi
."pagsisimula ko."Ano po Ang tungkol kay Kuya Gabriellito?"direktang tanong niya.
"ano kasi Bebang aalis siya"napayuko ako.
"Bat Naman po siya aalis ate Zyny"
"Iwan ko"napangiti ako Ng mapait"Uuwi na raw siya sa Germany"Sabi ko sa kaniya,nakita ko siyang titig na titig sa akin.
"Ate...siguro po gusto mo na si Kuya Gabriellito"
Napangiti naman ako.
"Halata ba?"tanong ko.
"Hehehe"tumango tango naman siya.
"Paano po 'yan ate Zyny,kapag umalis siya?"
"Iwan ko,Sabi niya hintayin ko daw siya"tahimik kaming dalawa habang nakatingin sa mga bitwin sa langit Ang ganda nila, kapag tinitigan ko Ang mga betwin narerelax ako
" Nako Halata Naman din po si Kuya Gabriellito na may gusto sayo"basag niya sa katahimikan,Alam kong inaantok siya.
"Oo....Sinabi niya pa sa akin, M-mahal na daw niya ako"napakagat labi ako sa sinabing 'yon at kunting katahimikan.
"TALAGA PO SINABI NIYA SAYO YUN!?"sigaw niya sa akin,tinakpan ko Naman agad Ang bibig niya at sininyasang wag maingay.
"Lakas ng boses mo"at napangiti Naman ako,at naaalala ko ang pag Amin ni Gabriellito sa akin.
"Nako Bebang Tara na pasok na tayo at matulog"binigyan naman niya ako Ng mapanuksong tingin,natawa naman ako.
°°°
"Benyang! Hain na ba nak sundang!"nagising ako sa sigaw ni mang Adong.
"Aadat may abuhan!"sigaw naman ni Aling benyang,Kaya nagpasya na akong bumangon,late narin kasi akong natulog ka Gabe kaya hito 10 am na ako nagising.
Tulog pa si Bebang,nadamay ko pa siya sa pagdadrama ko kagabe,hayyy
Naglakad na ako papuntang kusina,nagpasya akong magtinda ng bibingka ngayong araw,ngunit mamaya pang hapon dahil muntik na akong tanghaliin Ng gising ngayon.
"Oh Zyny magkape kana"anyaya ni Aling benyang nakasuot na siya Ng sumbrero dahil siguro papunta na sila sa taniman.
"Opo..maglalako nga po ako mamaya ng bibingka kasi medyu matagal naring di na ako nakakapagtinda ng bibingka"nakangiti Kong sabi.