YEAR 1901#17

2 3 0
                                    

"Paumanhin Madame Patricia at sa pamilya niyo pero di na matutuloy Ang kompromisong ito"Sabi niya,kung di ako nagkakamali ay Nanay ng babae ,nabigla ako sa sinabi ni Gabriellito,mas lalo niyang hinigpitan ang pagkahawak niya sa kamay ko.

"Ano!? Hindi pwede ito! Gabriel ano bang ipinakain sayo ng babaing 'yan at nagkakaganyan ka!?"

Narinig ko ang mahinang tawa ni Gabriellito kaya tumingin ako sa kaniya,tumingin naman siya sa akin at binigyan ko siya nang nagtatanong na tingin,at inilapit niya Ang mukha niya sa tainga ko.

"Tinatanong Kung ano raw Ang ipinakain mo sa'kin"diko Naman siya maintindihan Kong bakit niya sinabi iyon ni Gabriellito.natawa na naman siya Ng mahina.at inilapit ulit Ang mukha niya sa tainga ko.

"Alam mo ba?"mahina niya paring bulong.

"Hindi"mahinang Sabi ko rin dahil baka marinig kami.

"Yong bibingka mo Lang naman"ngingiti ngiti siya at umayos na ulit ng upo,nahiya ako sa sinabi niya.

Nakita ko naman Ang babae na tumakbo papalabas ng dining room sinundan naman siya ng isa pang babae.

"Kung ganon nirerespito namin Ang iyong desisyon Gabriellito,ako na ang magpapaliwanag Kay Carla"at lumabas narin ang Mamâ ng babae,sumunod narin ang iba pa nilang miyembro ng pamilya pagkatapos nilang magpaalam at sa palagay ko Ang pamilya nalang ni Gabriellito Ang naririto.

"Ano ang iyong pangalan?"napaangat ako Ng tingin sa nagsalita at Mamâ yon ni Gabriellito.

"Ah-m ako po si Z-Zyny"nahihiya talaga ako na kinakabahan pa.

"Mmmm napakaganda mo Zyny"nabigla ako, nagagandahan siya sa'kin?hiya na Naman Ang nagdala sa akin.

"S-salamat po"mahiya hiyang Sabi ko,bakit kapag sina Gabriellito na Ang kausap ko nagiging ganito ako, ganito ko ba talaga kagusto si Gabriellito, feeling ko kapag kasama ko siya o dito man sa harap ng pamilya niya feeling may mali Ang bawat kilos ko.

"Gaano na kayo katagal na magkakilala ng aking anak?"

"M-mahigit isang buwan na po"

"Gusto mo ba ang aking anak?"tiningnan ko naman siya at seryuso, napatingin ako Kay Gabriellito na naghihintay rin ng sagot at marahang uminom sa baso niya.

"O-opo"yon nalang Ang nasabi ko nahihiya na ako,gusto ko nang umalis dito.

"Bakit Hindi ka sigurado sa sagot mo?"natulala naman ako,ano bang nangyayari sa akin.

"Gusto ko po talaga si Gabriellito..."hinigpitan ko ang paghawak sa kamay ni Gabriellito,habang nakatanaw sa mama niya.

"you're welcome to us! " nakangiting sabi niya,nabigla na Naman ako sa sinabi niya, napatingin ulit ako Kay Gabriellito ngumiti siya sa'kin napangiti narin ako.

"Ah-hmm salamat po.."may hiyang ngiti Kong wika,pero sobrang Saya ko.

"Wag kang mahihiya sa amin"Sabi nong isang babae."ako si Verginia ang pinsan ni Gabriellito."nakangiting wika niya,ngumiti Rin ako sa kaniya.diko kasi Alam Ang sasabihin ko eh.

Natapos ang dinner at nakilala kuna silang lahat,pero nakakalimutan ko Ang mga pangalan nila.

Maganda ang pakikitungo nila sa akin at masaya naman ako dahil Hindi tutol sila sa kagustuhan namin ni Gabriellito.

Dumaan ang dalawang buwan*

Nagkaroon ng selebrasyon ang barangay,lahat Ng mga tao ay imbitado,naglagay ng mga palamuti sa bawat daan,may sobrang habang misa na nakalagay sa gitna,ibat ibang mga putahe ang mga nakalagay dito,may malakas na tugtugin at Ang bawat isa ay masasaya at excited sa gaganapin ngayong araw.

Love Is Impossible [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon