mahirap,masakit,magdesisyon ng ganito Ang pagpipilian,ayukong bumalik sa taôn Kung saan ako galing,ayukong Makita ang aking madrasta na nagpahirap at umapak sa pagkatao ko,ayuko ring mawala si Gabriellito sa buhay ko , Mahal ko siya Mahal na Mahal pero kailangan Kong piliin ang magparaya at bumalik Kung saan ako nagmula.
Patawad Gabriel Kung iiwan kita,walang kwenta ang pamamalagi ko rito Kung ikaw ay wala,Mahal Kita pero kailangan ko 'tong gawin para sa'yo,Alam Kong Ang selfish ko,pero wala akong ibang choice kundi Ang piliin at bumalik na lamang sa totoo kong mundo ,patawad...Mahal na Mahal Kita...di kita makakalimutan..
-Zyny
Pinili ko ang bumalik na lamang sa taôn ko,nandito kami sa bintana papasakay na ako sa likod ni Eng-Eng sa kaniyang walis,binigyan ko Ng huling tingin Ang kwartong ito at dahan dahan na akong umakyat para sumakay na.
Bago ako makaupo bumukas ang pinto.
"Zyny..."tumingin ako sa kaniya.
"Anong ..ibig sabihin nito?"tumagaktak na naman ang namumuo Kung luha sa mga mata ko."Gab...kailangan ko 'tong gawin..aalis na ako,babalik na ako.."diko mapigilang umiyak, unti-unti siyang lumapit,na Kita ko naman ang mga luha niyang dumadaloy pababa sa kaniyang pisngi,nakatingin siya sa akin habang papalapit ng papalapit.
"Don't do this to me please..."umiling ako.
"Gab..di ako taga rito,magkaiba tayo,kaya,kailangan ko nang bumalik sa totoo Kung buhay"pinunasan niya Ang pisngi ko ng kaniyang kamay.
"Kala ko ba.kala ko Mahal mo ako"tumango ako habang umiiyak.
"Oo Mahal na Mahal Kita at Alam mo iyon, p-pero"huminga ako Ng malalim dahil Ang sikip ng dibdib ko.
"P-Pero ano?"nilagay niya Ang dalawang kamay niya sa magkabilang pisngi ko habang tinitingnan ako sa mata.
"P-Pero wala akong choice, Gab ..ayukong malayo sayo,ayukong iwan ka,ayukong bumalik sa taôn ko,pero ano Ang magagawa ko?wala,wala akong magagawa,...gusto kitang makasama habang buhay Gab,pero di maaari,kasi magkaiba tayo ng mundong tinatahak...Gab..sorry.."Ang sakit ,ayuko ng ganitong nararamdaman,napayuko ako...itinaas niya ang isa niyang daliri at inangat ang mukha ko, tinitigan niya ako at siniil niya ako Ng halik.
"Ito Lang ang tatandaan mo Mahal na Mahal kita,ikaw Lang Ang babaing mamahalin ko,maghihintay ako sa pagbabalik mo....kahit...Alam kunang di ka babalik....."yinakap niya ako ng napakahigpit gayun din ako.
"Ikaw Lang din ang lalaking mamahalin ko Gabriel,Mahal na Mahal din Kita..."hinalikan niya ako sa noo at pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko at napalingon siya sa likod ko napalingon narin ako."Kailangan na nating umalis Zyny"Sabi ni Eng-Eng.lumingon muna ako Kay gabriel,huling yakap ang ibinigay namin sa isa't isa,at umupo na ako sa walis ni Eng-Eng,habang papalayo kami,ramdam na ramdam ko ang sakit at lungkot maging siya din,hanggang sa di kuna siya matanaw.
Miss na miss kuna agad siya,palihim naman akong umiiyak sa likod ni Eng-Eng.
Nakita ko ang bilog na kulay puti at pumasok kami doon napapikit naman ako,nang imulat ko ang aking mata,nandito na kami,may kunting pagkamiss akong nafeel dito,pero Hindi tulad sa taông pinuntahan ko Ang pagkamiss ko sobrang miss ko na doon,miss kuna si Gabriel...
Gabe ngayon Kaya walang makakakita sa amin.bakit Kaya parang malungkot si Eng-Eng,Ang palagi ko kasing napapansin sa kaniya tumatawa siya Ng malakas,pero ngayon Ang tahimik niya.
Bumaba na kami sa likod ng bahay ni madrasta hindi parin ito nagbabago ganon parin ang hitsura ng bahay.
Nang makababa ako sa walis, tumingin ako Kay Eng-Eng bago pumasok, nakatingin din siya sa akin ngumiti ako sa kaniya kahit na lungkot ang nararamdaman ko ngayon.
"Salamat Eng-Eng,dahil sayo naramdaman ko ang pagmamahal Ng mga tao sa akin at makaramdam ng totoong pagmamahal sa isang tao,salamat dahil sayo naranasan ko ang mga 'yon,kahit masakit na iwan ko sila, siya, tatanggapin ko na Hindi na talaga magbabago Ang panahon,pero Hindi ibig sabihin niyon na kakalimutan ko sila,palagi silang nasa puso ko at sa magaganda kong mga alala."lumuha na Sabi ko nakatingin parin siya sa'kin,matapos niya akong titigan tumango siya.
"Aalis na ako Zyny,magandang Gabe"at umalis na siya sakay sa kaniyang walis.
Nang hindi kuna siya tanaw nagpasya na akong maglakad sa pinto,kailangan Kong ihanda Ang sarili ko sa madrasta ko,huminga ako Ng malalim bago kumatok,sa una Kong pagkatok walang may sumagot,Kaya kumatok pa uli ako,ngunit wala parin,hinawakan kuna Ang door knob at binuksan Ang pinto,dahan dahan Naman akong pumasok,nararamdaman Kong parang walang tao,dumiritso ako sa kwarto ko Ang kwarto ng maids,pumasok ako,nagtaka naman ako Kung bakit ganito Ang kwartong ito,Ang linis,walang alikabok,tiningnan ko ang sirang kabinet ko Hindi na sira binuksan ko ito at nandoon Ang mga damit ko nakaayos silang lahat,nagtaka ako Kung bakit naging gan'to.
Diko mapigilang mag-isip ng Kung ano-ano na baka may iba nang tumitira dito,pero bakit Ang mga gamit ko parin Ang nandito,ano Kaya Ang nangyari dito nong wala ako,nakaramdam ako Ng pagud kaya naligo muna ako sa banyo sa labas at nagbihis pagkatapos,habang hinihintay ko sina madrasta nakatulog ako.
Nagising ako ngayong 4:50 ng umaga at lumabas sa kwarto,huminga muna ako Ng malalim bago ko buksan Ang pintuan dito sa maids room,pagkalabas ko ganon parin, Ang tahimik pumunta ako sa kusina sa sala sa labas ngunit wala sila,umakyat ako sa second floor at tiningnan isa isa Ang mga kwarto nila pero walang tao,wala sila rito,ano kaya 'to,nasaan na sila,nagtaka na ako Kung bakit wala sila rito,di Kaya.....ibininta na nila Ang bahay na ito...Hindi imposibling gawin nila iyon.
Naglinis ako habang hinihintay ko sila nang makaramdam ako Ng gutom,tiningnan ko Ang ref. Kong mayroon itong laman,bigo naman ako dahil wala itong laman,pagkasara ko ng ref may napansin akong nahulog na papel at binasa iyon,
Kung dumating kana 'wag muna kaming hanapin dito sa bahay,umalis na kami,Sana mapatawad niyo kami sa nagawa naming kasalanan sayo.
-madrasta.
Nakaramdam ako nangpangungulila,kahit trinato nila ako Ng hindi maganda, Madrasta ko parin siya asawa parin siya ng Daddy ko,tama nga si Dad di ko pa kayang mag-isa Kaya naman diko mapigilang malungkot at mangulila,pero siguro ito na ang pagkakataon kong harapin Ang buhay ko ng mag-isa,mayroon pa akong Lola,pero matanda na siya mga tapos na Ang mga anak niya ang pangalawang panganay na anak niya ang nag-aasikaso sa kaniya.
Ayoko namang maging pabigat sa kanila,Kaya mabuti nalang tumayo sa sarili Kong mga paa,malaki na ako Alam kuna dapat ang gagawin ko.
Dumalaw ako sa bahay ng lola ko,nagulat naman siya,Sabi niya ilang buwan daw akong pinaghahanap Ng mga police dahil nga sa pag-aakalang baka may kumidnap sa'kin,tinanong niya ako Kung saan ako galing,Hindi ko sinabi Ang katutuhanan, hindi ko naman pwedeng sabihing nagpunta ako sa unang panahon, Kaya nagsinungaling nalang ako.