Nakadungaw ako ngayon dito sa bintana habang nakikinig sa kanila,pinakititigan ko si Gabriellito na may talento pala itong kumanta,Ang ganda ng boses niya,mas lalo akong naaakit,Kaya diko mapigilang giligin,ngayon ko lamang ito naranasan sa buong buhay ko,ang sarap pala sa feeling paghinaharanahan ka ng taong gusto mo.
Nang dahil sa taông ito naranasan kong hinaharana,napapangiti ako sa kaniya.
Nong matapos silang kumanta,pinapasok sila ni Aling benyang at Mang Adong,pagkapasok nila may kinuha si Gabriellito sa likod niya,at inilabas ang magandang bulaklak at ibinigay sa akin,narinig ko naman ang sigaw nila Aling benyang at Bebang na kinikilig pa,Kaya napangiti ako at napatingin Kay Gabriellito matapos Kong amuyin ang bulaklak.
"Salamat.."Sabi ko,nang nakangiti.
"Walang anuman.."Sabi niya at ngumiti.
At pagkatapos ay may dumating na iba pang tao na may dalang mga putahe.
"Para sa inyo ang mga putaheng ito"nakangiting sabi Gabriellito.
"Nako tamang-tama Herr mga gutom kami-"Ang Sabi ni mang Adong na Hindi natuloy.
"Nako't nag-abala pa kayo Herr"putol ni Aling benyang sa sinabi ni mang Adong na tumingin pa Kay mang Adong.
"Teka Lang Nay,Tay,di naman sa atin 'yan,Kay ate Zyny Naman Ang mga putaheng bigay ni Kuya Gabriellito eh"singit ni Bebang kaya napalingon ng sabay sa kaniya sina Aling benyang at Mang Adong na nagkalalaglag Ang mga panga sa sahig.awkward
"Sa inyo rin Naman niyan"
Ngumiti sa kanila si Gabriellito.Napahiyang ngiti si Aling benyang
"Ah- Herr umupo ho kayo,k-kayo din ginoo"anyaya ni Aling benyang Kay Gabriellito at sa kasama nito,na Ang pag-aakala ko ay parang personal guard niya.Umupo kami dito sa sala,at umalis narin Ang mga taong nagdala ng mga masasarap na putahe pati narin Ang dalawang kasama sa pagtugtug kanina sa harana,si Gabriellito at ang p-guard niya na lamang ang narito.
"Ito ho Herr Ang tuba na pinabili mo kanina"si mang Adong na inilagay sa kawayang mesa Ang tuba sa tabi Ng mga putahe.
Si mang Adong, Aling benyang,Bebang,pG,at si Gabriellito at ako ang magkakaharap ngayon at nagsasalitan sa pag-inom ng kaniya-kaniyang mga inumin,ngunit kumain lamang ako at si Bebang dahil di naman kami umiinom ng alak.
Sa kalagitnaan ng pag-iinuman nasa tingin ko ay alas-diyes na ng Gabe,tiningnan ako ni Gabriellito ngayon na pupungay-pungay na Ang mata,iwan ko Kung sa kalasikangan lamang o inaantok na siya,sininyasan niya akong sumunod sa kaniya, tumayo siya at tiningnan niya uli ako,Kaya tumayo na rin ako at sinundan siya,Nakita ko Naman siyang nakasandal sa hagdan sa baba Kaya tumabi ako sa kaniya,naramdaman ko namang tumingin siya sa akin,madilim Ang part dito dahil tanging Ang lampara lamang Ang ilaw lalo na't nasa loob lamang ang mayroong lampara.
"Ang ganda mo"mahinang Sabi niya,kaya napatingin naman ako sa kaniya.at itinaas niya Ang pointed finger niya at inilagay ang buhok Kong nakakalat sa likod ng tainga ko,habang nakatingin parin sa akin.
"Ah-l-lasing kalang"Sabi ko na napahalf smile,pero kinikilig na,nakakatunaw ang tingin niya.
"Nalalamigan ka ba?"mahina parin niyang tanong.
"M-mm di Naman masyado"honest Kong sabi,umupo ako sa hagdan samantalang siya ganon parin Ang posisyon niya nakasandal parin at nakaside view sa'kin.
"Ang ganda Ng mga bitwin"mahinang sabi ko habang nakatingin sa langit.
"Alam mo bang kasingganda ka Ng mga bitwin."napatingin ako sa kaniya,na nakatingin pa sa langit ngunit dahan-dahang humaharap sa gawi ko.
"Ah- haha hindi"Sabi ko at unti- unti kong ibinaba Ang paningin ko sa lupa,alam Kung nakatingin parin siya sa akin.